Saan kaya ako dadalin ni Gilbert? Kanina pa kami naglalakad, nasisira tuloy yung beauty ko sayang naman yung nilagay kong mga kolorete sa mukha ko. Nagpabango din ako syempre. Haha. Wala eh, ayoko namang mawalan ng pag-asa na magustuhan ako ni Gilbert kahit ngayon lang. Hindi naman makapal yung nilagay kong make-up, yung sakto lang. parang natural nga lang eh.
"Oy Sison, san mo ba ako dadalin? Baka naman rapein mo ako ha."
"Grabe Jorj, kahit gusto kita hindi ko kayang gawin sa'yo yun." Ano naman kayang sinasabi nito? Nakatingin na nga sa malayo, ang hina pa ng boses.
"Hoy! Anong sabi mo? Dadalin mo ako sa Sogo Hotel?? Iayos mo Gilbert!"
"Kapal mo naman. Maglakad ka na nga lang."
"Aba, ang sakit sakit na ng paa ko. Di man lang ba tayo sasakay? Saka saan nga kasi tayo pupunta??"
"Basta."
Nakakainis naman tong lalaking to. May pasuspense pa eh. Nakakainis talaga! Ang sakit na ng paa ko. Di pa man nagsisimula yung date este gala namin pagod na ako.
Finally, sumakay na kami ng... kalesa. Haay. Ano bang balak nitong lalaking to? Pero infairness kinikilig ako. Kasi naman eh, sa sobrang sikip dito sa kinakaupuan namin eh napaakbay sya sa akin. Namumula na yung mukha ko dito oh. Sana di nya kita.
"Jorj, bakit ata namumula ka? May sakit ka ba?" Hala. Nakita nya pala. Napailag tuloy ako ng tingin sa kanya. Dun na lang ako sa kabayo tumingin.
"Ha? Saan nga pala tayo pupunta? Bakit sa kalesa pa tayo sumakay?"
"Bakit ba ang taray mo ngayon? Parang ayaw mo naman ako makasama nyan eh." Nakakainis naman kasi eh, dinatnan ako kanina. Tss. Panira ng gala. Ang hinhin ko tuloy ngayon at nasusungitan ko tuloy si Gilbert.
"Nasusungitan ba kita? Sorry.. Saan nga ba kasi tayo pupunta?"
"Sa lugar na maganda kagaya dun." Tinuro nya yung sa kabilang daan. Isang bay yung parang sa Manila Bay. Maganda nga at nakakainlove yung lugar. Paano ko ba iexplain? Basta yung parang sa Manila Bay.
"Dun ba tayo pupunta?" Biglang huminto yung kalesa. Mukhang dun nga kami pupunta. Pagkabayad ni Gilbert dun sa manong na nakasakay sa kabayo eh hinatak nya ako papunta dun sa bay. Ayieh! Hawak nya yung kamay ko. =''> Umupo kami sa mahabang bato dun na sadya atang ginawang upuan.
"Bata pa lang ako gustung-gusto ko na yung lugar na to. Ang tahimik kasi at walang masyadong tao." Oo nga, ang tahimik dito. Napakatago naman ata ng lugar na to.
*krukru*
SH*T!
"Tara nga dun, bili tayo ng pagkaen." Pumunta kami dun sa nagtitinda ng hotdog. Nakakagutom lalo yung amoy. Nakakainis yung tyan ko. Alam kong narinig ni Gilbert yun. Alam ko. Pero hindi nya ako tinawanan. Kung si Glen to siguro pinagtawanan na ako nun. Teka nga, ba't ba si Glen yung iniisip ko eh si Gilbert yung kasama ko. Erase erase.
Babayaran ko na sana yung kinaen kong hotdog na masarap kaso inunahan ako ni Gilbert. Nakakahiya naman na sya yung magbayad nung kinaen ko. Di, joke lang. Dapat talagang sya yung magbayad nung kinaen ko. Sya kaya yung nag-aya ng gala. Hahahaha. Ano ba naman tong mga iniisip ko. Parang nagiging maasim na ako kay Gilbert ngayon. Simula kasi nung naging close kami parang.. parang.. ewan ko ba.. Pero isa lang ang sigurado ko sa nararamdaman ko. Sa kanya lang talaga bumibilis ang tibok ng puso ko ng ganito.
Kagaya ngayon, ang lapit namin sa isa't isa. Nakaupo kami ulit dun sa bato na mahaba. Ang awkward nga eh, kasi ang tahimik naming dalawa. Siguro parehas kaming nabusog sa hotdog. Kaso di ko matake yung katahimikan.
BINABASA MO ANG
Unforgiving LOVE
Teen FictionAko si Jorjie Louisse Santos. Broken hearted. Hindi ako naniniwala sa happy endings. Nakakainis kasi.. Ang tanong, hindi din kaya ako magkakaroon ng happy ending?
