Sitting beside my room's window again. Star gazing. Dreaming of you and me.
Haaayy..
Naiiyak na naman ako. Wala na ba akong ibang gagawin kundi umiyak? Hindi ko naman mapigilan ang mga luha ko.
Isang napakalakas na sampal yung ginawa sa akin ni Steve. Ang OA ba? Ang sakit kasi talaga. Kung sa'yo kaya ibalik yung mga letters na ginawa mo para sa kanya, yung notebook nyong dalawa na araw-araw pinag-iisipan mo ng mga topic na parang diary nyong dalawa, yung mga couple shirt nyo, at kung anu-anong stuff pa na pinaghirapan mong pag-ipunan para lang bilin para sa kanya.
Sayang ang effort ko para sa relasyon namin.
Siguro nga dapat ko na syang kalimutan.
Ang totoo kasi nyan umaasa pa ako na kahit papano, mahal nya pa ako. Pero sa nakikita ko sa mga ginagawa nya sa akin, parang isang laruan na lang ako.
Isang laruan na kayang kaya nyang patumbahin at apak apakan pag pinagsawaan na.
Siguro nga dapat ko ng simulan ang pagmomove-on ko. Hindi na tama kung magpapakatanga na lang ako sa kanya.
Oo nga, pagnagmamahal ka magpapakatanga ka. Pero diba dapat mo ring isipin kung karapatdapat pa ba yung dahilan ng pagkatanga mo?
Isa akong talunan. Pero hindi ko hahayaan na forever akong magiging talunan. :)
(Anna's POV)
Hay salamat! It's Saturday. Rest Day! YEY! :))
At syempre kahit walang pasok, marami pa rin akong gagawin. Kaso nakakatamad gawin, di ko alam kung paano sisimulan sa sobrang dami. Hihihi.
Makapunta na nga lang kay Bes.Kumusta na kaya yung babae na yun? Ilang araw na rin akong hindi nakakapunta sa kanila ah. Medyo busy na rin kasi ako sa acads ko eh. Isa pa 'tong si Jed. Syempre dapat may time ako sa kanya.
Excited naman daw akong pumunta kay Bes ko kaya eto, nasa tapat na ako agad ng bahay nila. Hihihi! :D
"Tao po! Bes? Tita? Tao po!"
"Oh Anna! Ikaw pala yan, come in!"
Ay hindi tita. hindi po ako si Anna. HOHOHO
"Nasaan po si Jorj?"
"Ay nako. nasa kwarto puntahan mo na lang. Nagmumukmok na naman. Alam mo ba kung anong nangyari dun?"
".."
"Oh siya sige. Magluluto muna ako ng lunch ha. Dito ka na kumaen ha."
"Sige po tita. Salamat po. :)"
Ano na naman kayang nangyari kay Bes? Hindi pa ba sya okay dun sa nangyari sa party ni Jess? ang tagal na nun ah. Isang linggo na rin ang nakalipas.
Mausisa na nga lang sya. Hohoho.
*tok tok*
"Ayoko nga pong kumaen!"
Aba. Ayos 'tong Bes ko ah. Ayaw pa raw kumaen. Makapasok na nga lang sa kwarto ng bruhilda.
"Hoy babae! Anong ayaw mo pang kumaen? Anong drama na naman yan?"
As usual. Nakita ko na naman syang umiiyak at nakaupo sa favorite tambayan nya, sa may bintana.
"Bestfriend! *crying* "
Bigla nya akong niyakap. Alam ko na ang rason. Nararamdaman ko lang na about na naman kay Steve 'to. Si Steve lang naman ang iniiyakan nya ng ganto. Dahil ang babaeng to ay napakahirap paiyakin talaga.
Hinihimas ko lang ang likuran nya.
"Sige. Ilabas mo lang lahat pati na rin yang utot mo. And share whatever your kwento is after that kadramahan ah. Haha"
BINABASA MO ANG
Unforgiving LOVE
Fiksi RemajaAko si Jorjie Louisse Santos. Broken hearted. Hindi ako naniniwala sa happy endings. Nakakainis kasi.. Ang tanong, hindi din kaya ako magkakaroon ng happy ending?