(Jorj’s POV)
Umuwi na rin si Glen pagkatapos nyang magpalit ng damit. Buti na rin at nagkaayos na kami. Alam ko naman kasing may sama sya ng loob sa akin kahit hindi nya sabihin. Pero mukha namang okay na talaga kami. Sana nga..
Kumaen na ako ng dinner with my mom after umuwi ni Glen. Si mommy lang ang laging nasa bahay kasi si daddy palipat-lipat ng lugar ng trabaho. Ganun kasi sa company nila, kung saan-saan sila dinadala. Pero sanay na rin naman kami. Minsan nagpupunta dito si nanay, yung nanay ni mommy. Sinasama nya yung makulit kong pinsan na si RR. Minsan naman dito natutulog yung mga tita ko at mga pinsan ko kaya nakakaramdam din naman ng ingay ang bahay naming di kalakihan. Sanayan lang din naman.
Pagkatapos kumaen, nagligpit at naghugas na ako ng pinagkainan namin. Konti lang naman ang hinuhugasan ko kasi nga dalawa lang kami lagi ng mommy ko dito sa bahay. Minsan nga iniisip ko na baka may iba nang inuuwian ang daddy ko. Pero iniisip ko lang naman yun. Kasi alam kong mahal na mahal kami ni daddy. Lalo ako, labs na labs kaya ako ni daddy. Syempre, unica hija.
Oras na para mag-imagine ng kung anu-ano, saan pa ba? Edi sa favorite spot ko. Uupo na sana ako kaso may naalala ako na may kailangan pala akong gawin. Ang magreview. Hihi. Tama bang makalimutang magreview? Haha.
Hinalungkat ko na yung bag ko. Oo. Hinalungkat ko talaga. Haha. Ang gulo kasi ng bag ko eh. Ang daming kalat. Maayos na nga to sa Wednesday tutal wala naman akong pasok nun.
Kinuha ko yung notes ko saka kumuha na rin ako ng lapis, pambura at scratch paper. Umupo na ako sa may study table ko at nagsimula na akong magsolve..
“3x2+25x+67 ÷ (x+11) = ?”
Okay ‘to ah. Sinubukan kong isolve, okay naman. Nasolve ko naman. Medyo madali pa eh. Sinubukan ko pang isolve yung iba, medyo sariwa pa rin sa utak ko yung mga lessons kaya nakakaya ko pang masolve.
Solve.
Solve.
Solve.
Soooolve!
*yawn*
“Kaantok naman.” Tumingin ako sa orasan, 12am na pala. Masyado akong nag-enjoy magsolve. Makatulog na nga lang.
*Yawn*
Humiga ako sa kama ko. Ayun.
Zzzzzzz….
*Kring*
*Kring*
“Hmmm.. Ang ingay naman.”
*Kring*
*yawn*
Pinatay ko na yung alarm ko. Ang ingay kasi eh. Tss. Umaga na naman!
Bumangon na ako at dumeretso na sa CR para maligo. Tapos nagpaganda na rin ako, makikita ko na naman kasi si Gilbert. ^.^
Pagpasok ko ng school, si Gilbert agad yung nakita ko. Nakatambay kasi sila ng barkada nya sa Pavilion pero hindi nya ata ako nakita. Kung seswertehin nga naman oh! Ang ganda agad ng pasok ng umaga ko. Yieh!!! =”>
Dumeretso na ako sa room. Literature yung first subject namin medyo nakakaantok nga eh. Philippine World Literature pa. Tss.
Syempre, normal na araw. Puro klase.
(Gilbert’s POV)
“Pare, si Jorj oh naglalakad. Sabayan mo kaya papasok sa room?” – Mike
“Ha? Eh.. Nahihya ako eh.”
“Walang mangyayari kung magpapakatorpe ka dyan.”
Nasabi ko kasi sa kanila na parang crush ko na si Jorj. Ang kulit kasi nila eh. Nanunukso. ‘Tong si Mike ang may kasalanan ng lahat, laging binibida kay Ken at Tristan yung bawat mangyari sa amin ni Jorj. Ginagawan kami ng issue. Tss. -__-
BINABASA MO ANG
Unforgiving LOVE
Dla nastolatkówAko si Jorjie Louisse Santos. Broken hearted. Hindi ako naniniwala sa happy endings. Nakakainis kasi.. Ang tanong, hindi din kaya ako magkakaroon ng happy ending?