The Gatecrasher
Written by: autumnscarlet--
S H E I R A
Ramdam ko ang mga tingin ng mga tao saakin.
Kanina ko pa napapansing pinagbubulungan nila ako. Bakit may mali ba sa suot ko?
Kung meron mang mali saakin ay dahil 'yon sa sobrang ganda ko. 'Yun lang ang nakikita kong mali sa saakin.
Kanina ko pa hinahanap yung kapatid ko na nagpapunta saakin dito.
Nasaan na ba 'yun?
Kinain na ng sistema?
Lumakas yung bulungbulungan. Hindi ko alam kung sinasadya ba talaga nilang iparinig saakin o ano.
Pero parang nakukuha ko na.
"Sino siya?"
"Grabe nakakahiya siya."
"Haha! Invited ba 'yan?"
"Look at what she's wearing."
"Eww!"
"Galing pa ata siyang school."
"Desperate much?"
Maling party ang napuntahan ko!
Halata naman sa kulay ng mga damit nila. Vintage ang tema samantalang ang suot ko ay cosplay outfit ni Kagome, character na bida sa isang anime.
Today is my brother's birthday. 'Di ko gustong magpunta sa party niya. Naplitan lang ako. But for goodness sake alam ko naman na tama ang address na pinuntahan ako. Ayon sa invitation na ipinadala sa Condo ko 'eto ang venue.
Hindi ko alam yung gagawin ko. Pinagtatawanan nila akong LAHAT. Mga akala mo'y perpekto. Tss.
Hindi ako yumuko o tumakbo. Tinaasan ko silang lahat ng kilay and I flip my hair saka lumakad ng may poise palabas ng event na 'to.
Habang naglalakad ako, paulit ulit kong minumura sa isipan ko yung walang hiyang kapatid ko. Tungunung Wayne yun. 'Di ko malaman kung anong trip nun sa buhay at pati ako pinaglalaruan. He's addicted into games magaling din siyang magpaikot ikot ng tao pero hindi ko inaasahang pati ako paglalaruan ng game maniac na 'yun. Adik din yon sa Anime kaya cosplay ang tema ng party niya.
Hindi ko talaga maiwasang maisip na sinadya niyang ganon ang tema ng party niya at iligaw ako ng venue para magmukha akong tanga sa harap ng maraming tao.
Papalabas na ako ng event nang may humawak sa wrist ko dahilan ng pagharap ko. Kamay palang niya alam ko ng lalaki siya.
Kitang kita ko ang dami ng mga matang nakatingin saakin at mga ngiting nakakurba sa kanilang labi. Pinansingkitan ko sila ng mata. Tinalo ko pa ang may ari ng event na 'to dahil nasa akin lahat ng atensyon nila.
Hinila pa ulit ng taong humablot saakin ang wrist ko papalapit sakanya. Sa sobrang gulat ko napahawak ako sa dibdib niya.
Natigilan ako.
Sino ba 'to at bakit niya ako hinila?
Naamoy ko yung pabango niyang nakakaakit. Parang gusto kong ganito nalang ang posisyon namin.
Iniangat ko ang tingin ko sa lalaking nakahawak na ngayon sa kamay ko. Literal na napanganga ako sa tingkad ng ngiti niya. Nalulunod ako sa mga tingin niyang tumatagos mula puso hanggang kaluluwa. Ang haba ng pilik mata niyang dumidepina sa ganda ng mata niya. His lips? It's tempting. It makes me want to kiss him.
BINABASA MO ANG
The Gatecrasher
Teen FictionDalawang kwento ng mga pusong nagmamahal. Dalawang bida na nagmula sa magkaibang kwento. Mga bidang nasaktan, nasasaktan at patuloy na masasaktan. Tinadhana nga ba sila para masaktan o maling tao lang ang patuloy nilang minamahal? Paano kung magtagp...