Gate No. 16

26 4 1
                                    

The Gatcrasher
Written by: autumnscarlet

--

S H E I R A


"Girl sa susunod na araw na yung welcome party ng kambal." Narinig kong sabi ng babaeng nasa harap ko sa katabi niya

Sinipsip ko ang juice ko at pinunasan ang gilid ng labi ko. Ang tinutukoy ba nilang kambal ay ang kaibigan ni Prince?

Agad akong napatayo ng mapagtanto kong malapit na nga pala 'yon.

'Isasama kita. It will be on the 17th of November. 2 days from now.'

Napasapo ako sa noo ko. Oo nga pala! Sht. Sa sobrang dami ng nangyari kahapon nawala na sa isip ko ang bagay na 'yon. Sigurado ba siyang isasama niya ako o baka magbago na yung isip niya dahil sa nangyari kahapon?

'I don't have a choice. They say it's a system and I can't do anything about it. Stop begging for my redemption, Margo is not here and you don't have to pretend. Stop making me confuse.'

Napapikit ako ng mata at lumakad pa puntang comfort room. Masyado nga akong naging prangka pero naguguluhan talaga ako sa mga kilos niya. Kasi naman! Arghh! Ang feeler ko ba kung pakiramdam ko may gusto siya sa'kin? Ang assuming ko  tngina. Baka tinatawanan ako no'n sa isip niya dahil sa pagiging assuming ko.

Pagkarating ko ng comfort room sinipa ko yung trashbin sa inis. Tinignan ko yung repleksiyon ko sa salamin.

Feeler na kung feeler at asumera na kung maituturing pero yung you are driving me crazy na sinabi niya ay palaisipan parin saakin hanggang ngayon. Para bang may laman ang bawat kilos at sinasabi niya and it's making me confuse.

Sumingkit ang mata ko sa naisip kong sagot sa lahat ng tanong ko. Hindi kaya isa siya sa mga lalaking pa-fall? Arggh! This is worse. More like ako ang nababaliw sa kanya. That stupid jerk, manggamit daw ba ng tao para pagselosin girlfriend niya. Kung mahal niya sabihin niya, hindi yung pati ibang tao nadadamay. Walang hiya siya paano kung mafall ako dito? Tsk. Kawawa naman ako. Buti nalang at wala pang puwang sa puso ko ang mga ganyang bagay.

I roll my eyes in my reflection at inilabas ang bb cream mula sa bag ko. I need to make sure na hindi na halata ang mga scar nakuha ko kagabi sa laban namin ni Asia.

That Stygian is fckd up! Pinagkakitaan pa ako. Leshee.

'Curiosity will kill you'

Muntikan na talaga akong mamatay kagabi. Akala ko doon na ako mamamalagi. That old man. Tch! He owe me a favor now.

Habang naglalakad ako papunta ng room ay may nakita akong familiar na babae. Binilisan ko ang lakad ko para masundan siya. Hindi siya nag iisa dahil may kasama siyang lalaki at mukhang nag aaway pa ata sila habang naglalakad.

Mabilis na naglakad yung babae at hinawakan ng lalaki yung balikat niya.

"Mag usap nga tayo. Hanggang kailan mo ako itatago?" Narinig kong sabi ng lalaki – he's wearing a cap kaya hindi ko masyado makita yung mukha niya

Huminto ako dahil sa paghinto nila. Marami din ang naglalakad sa hallway dahil malapit ng magring ang bell kaya nagsisibalikan na ang mga estudyante sa classroom. Tatlong hakbang lang ang layo ko sa kanila at mukhang hindi nila ako napapansin dahil sa seryosong usapan nila.

"Let go of me, Drix." Sabi nito ng harapin niya ang lalaking humigit sa balikat niya

Nagulat ako ng makilala ang babae.

"Margo?" Mahinang tanong ko pero tila narinig niya ako dahil agad siyang napatingin sa gawi ko

Itinikom ko ang nakabuka kong bibig.

The GatecrasherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon