The Gatecrasher
Written by: autumnscarlet--
S H E I R A
"Bakit ka nandito?" Tanong niya saakin pagkatapos niya ako kaladkarin dito sa isang building sa likod ng cafeteria.
"Okay miss. Sorry sa ginawa ko nung gabing yun. I really need your help that time." Sabi niya saakin "Pero hindi ko sinabi sayo na lumipat ka ng school para sundan ako dito."
Nakatingin lang ako ng diretso sa kanya habang sinasabi niya yun. Tinaasan ko siya ng kilay sa huli niyang sinabi.
What is he talking about?
"What?" Tanong ko
"Diba nandito ka para saakin? You really thought that you're my girlfriend and you're looking for me. Tama ba?" Mayabang na sinabi niya
Halos mapahalakhak ako sa mga sinabi niya. "Anong sinasabi mo? I came here to study, hindi ako pumunta dito para sayo." Sabi ko sakanya
Napakunot naman ang noo niya sa sinabi ko.
"Can you explain what is this all about? 'Cause honestly, nagkabuhol-buhol na yung mga veins, capillaries, blood vessels, cerebrum at cerebellum sa utak ko kakaisip kung paano ako napunta sa ganitong kagulong sitwasyon." Naiinis na sabi ko sakanya "My social media accounts was bombarded by a nasty comments about me. What the heck!" Pagdurogtong ko sa sinabi ko
"My business with you is done. Delete your accounts at wag ka ng magpapakita sa'kin."
Napa awang ang bibig ko sa sinabi niya. Tiningnan ko siya ng masama. Ibang iba siya ngayon kumapara nung ipinakilala niya akong girlfriend niya.
"You are just a gatecrasher in my party." Sabi niya pa at tinalukuran ako
Hinawakan ko siya sa braso at ramdam ko ang bicep niyang nanunuot dito.
Pagkaharap niya, sinampal ko siya ng pagkalakas lakas.
Hinarap niya ako na para bang wala lang sa kanya yung sampal ko.
"You jerk!" Sigaw ko sakanya "Akala mo ba ganon lang kadali ang lahat? Seriously, are you dumb? Pagkatapos mong guluhin yung buhay ko yun lang yung sasabihin mo saakin? I'm famous now dahil sa 'yo. Paano naman yung pangalan ko?" Dirediretso kong sabi sakanya
He just stared at me na mas lalong ikinainis ko. "Are you done with your speech? Can I go now?" Tanong niya
Sa sobrang inis ko sa sinabi niya kwinelyuhan ko siya na ikinabigla niya. Black belter ako ng taekwondo sa former school ko at matagal tagal na din akong hindi nakapag uunat ng buto.
"Ipaliwanag mo saakin kung bakit. " Simpleng sabi ko sakanya
Itinaas niya yung dalawang kamay niya tanda ng pagsuko. Tinulak ko siya at napasandal siya sa pader.
"Fine." Sabi niya at inayos ang kwelyo ng damit niya na medyo naiinis pa
"Kinailangan kita nung gabing yun because Margo did not showed up. Ipapakilala ko sana siya kay mommy at daddy kaso hindi siya dumating."
Umiling ako sa sinabi niya. I don't understand.
"Farewell party namin nung gabing yun. Gusto ni mommy na i-arrange marriage ako sa anak ng kaibigan niya sa States. Pero tumanggi ako dahil may girlfriend ako. Gusto siyang makilala ng parents ko. Siya lang ang dahilan ko para manatili dito kung makikilala siya ng magulang ko, hahayaan nila ako dito sa Pilipinas. Kaso hindi siya dumating." Pagkkwento niya saakin
BINABASA MO ANG
The Gatecrasher
Teen FictionDalawang kwento ng mga pusong nagmamahal. Dalawang bida na nagmula sa magkaibang kwento. Mga bidang nasaktan, nasasaktan at patuloy na masasaktan. Tinadhana nga ba sila para masaktan o maling tao lang ang patuloy nilang minamahal? Paano kung magtagp...