The Gatecrasher
Written by: autumnscarlet--
S H E I R A
Nagtungo ako sa SC's Office para magpalista bago umuwi. Balak ko sanang sumali sa archery. Pangarap ko kasing maging si Kagome. Crush na crush ko kasi si Inuyasha nung bata pa ako, e. Hihihi!
Nakita kong nagmimistulang audition sa bahay ni kuya ang pila kaya naman hindi ko na naisipang pumila. Maybe tomorrow.
Naisipan kong 'wag na munang umuwi Condo. Sa bahay na muna ako umuwi dahil gusto kong makausap si Dwayne tungkol sa dare. I can't make it.
Hindi pa raw siya umuuwi, sabi ni Manang kaya sa kwarto muna ako nagpalipas ng oras habang hinihintay siya.
Habang nagmumuni, naisipan kong basahin yung research paper na hiniram ko sa library kanina.
"In between of what is right and wrong." Basa ko sa title niya
Binuksan ko yung research paper sa gitna. Ganon kasi ako sa mga librong bibilhin o hihiramin ko sa library. Binabasa ko muna yung gitna o yung dulo. I love spoiling myself.
Saktong bumukas naman 'yon sa statement of the problem.
Tungkol sa 'Consequentialism' ang topic. Tungkol sa theory na pinagtatalunan ng mga philosophers noon.
'Does the end justify the means or the end does not justify the the means?'
Isang word lang ang ipinagkaiba nila. The word 'not' pero napakalaki ng nabago sa ibig sabihin.
Binasa ko pa ang mga nakasulat at habang binabasa ko iyon ay may naalala ako. Nung doon pa ako nag aaral sa Avans' may nabasa narin akong katulad nito nung naghahanap kami ng review of related literature para sa ginagawa naming research. Pareho silang may ipinaglalaban.
Habang patuloy kong binabasa ay napansin kong nasa side siya ng 'The end justify the means' samantalang ang binasa ko dati ay nasa side ng 'The end does not justify the means'
Magkaiba sila ng pinupunto pero meron silang ipinagkatulad.
'Love is natural in our heart. Even the most wicked person in this world still have love in their hearts. When we talk about love it's a different matter. You can do all the things you didn't expect you can, because of love. You can do something that is evil just to save your family or friends. But one thing is for sure you did that because you do not have a choice. You are torn between what is right and what you think is right. But whatever your reason is, it is still amoral.'
Ang statement ay nasa gitna at walang pinapanigan. Ang statement na iyan ay minsan ko naring nabasa sa isang research paper na nabasa ko noon sa Avans'
May connection ba ang dalawang ito?
Napailing ako. Imposible. Nagkataon lang siguro.
Binasa ko ang abstract.
Title: In between of what is right and wrong
School: Faculty of Heir and Heiress Academy
Researcher: Brazen Ramsdell
Teacher/Research adviser: Analyn Matthias
Date defended: August 2016
Nanlaki yung mata ko sa nabasa ko. Tama ba yung pagkakabasa ko? Ramsdell? Kaklase ko si Hillary and she is called as Ms. Ramsdell
Sino si Brazen?
BINABASA MO ANG
The Gatecrasher
Teen FictionDalawang kwento ng mga pusong nagmamahal. Dalawang bida na nagmula sa magkaibang kwento. Mga bidang nasaktan, nasasaktan at patuloy na masasaktan. Tinadhana nga ba sila para masaktan o maling tao lang ang patuloy nilang minamahal? Paano kung magtagp...