Gate No. 12

26 4 0
                                    

The Gatecrasher
Written by: autumnscarlet

--

D A S H 

Hindi ko maiwasang maramdaman ang pagkabasag ng puso ko sa nakita ko. Ako sana ang yayakap sa kanya kung hindi lang ako naunahan. Ako sana ang magtatanggol sa kanya kung hindi ko siya iniwan. Simula ng palayain niya ako ay alam kong hindi na siya babalik. Alam kong wala na akong karapatan sa kanya. Ala-ala nalang ang mayroon saamin na ako mismo dahilan sa mapait na wakas.

Anong ginagawa mo sa lugar na 'to Sheira? 

Sino ang sinadya mo dito? 

Bakit magkakilala kayo?

Wala ako sa sariling lumakad papalayo sa kanila. Nagngingitngit ako sa galit at selos pero wala akong karapatan. Tngina!

"Dark Demon." Halos pabulong na sabi ng isang babae

Narinig ko siya pero hindi ko siya pinansin dahil sa dami ng tanong na umiikot sa utak ko.

Tama nga ba ang ginawa ko? 

Tama nga ba ang naging desisyon ko?

Nagulat ako ng may humawak sa kamay ko.

"Dash!" Sa wakas ay banggit niya sa pangalan ko

Napahinto ako sa paglalakad at tumingin sa mga mapupungay niyang mata at agad na inalis ang pagkakahawak niya sa kamay kong naka close fist.

"Rule number 3, call your co-gangmembers in their respective codename. Don't break it, ayokong maparusahan ka." Malamig na sabi ko

Napaawang ang labi niya sa sinabi ko.

"Sorry." Sambit niya at itinikom muli ang labi niya

"It's okay." Sabi ko at muling lumakad

Tahimik lang kami habang naglalakad. Magulo parin ang utak ko. Magulo parin ang nararamdaman ko. 

Sheira, nagkamali nga ba ako sa naging desisyon ko? Ganito pala kasakit ang naramdaman mo noon– para akong unti unting pinapatay.

"You saw her?" Biglang tanong niya sa gilid ko

Napalingon ako sa kanya at kahit na dim ang paligid ay nakikita ko ang natatago niyang emosyon.

Ibinalik ko ang tingin ko sa daan at hindi umimik. Ibig sabihin nakita na rin niya si Sheira?

"Usap-usapan siya sa buong Stygian. Ang bilis niya talagang pumukaw ng atensiyon." Sabi niya

Sheira is Sheira. Ayaw niya ng atensiyon pero mabilis niyang nakukuha 'yon. 

Ngayon, hindi na siya makakalabas dito kagaya ng paglabas ko sa kanya sa unang pag tapak niya rito.

Pinindot ni Asia ang tagong button at bumungad saamin ang maingay na Stygian.

"Guess what?" Tanong niya saakin sa kabila ng maingay na paligid

Tiningnan ko lang siya para ituloy niya ang sasabihin niya. "She's with Dauntless Knight." Sabi niya at agad na naglaho sa harap ko

Mas lalo akong nagngitngit sa galit. Wala namang bago sa sinabi niya, lahat ay nasaksihan ng dalawa kong mata. Kitang kita ko ang pagliwanag ng mata ni Sheira ng makita siya pati narin ang mahigpit na yakapan nilang dalawa.

Umupo ako sa isang stool bar at um-order ng Burgundy. Hindi maalis sa isip ko ang isang batalyong alaala na bigla nalang bumalik pagkakita ko sa kanya.

The GatecrasherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon