Gate No. 14

26 3 0
                                    

The Gatcrasher
Written by: autumnscarlet

--

S H E I R A


Napangisi nalang ako ng makita ko ulit ang dati kong kaibigan. Hindi ko inaasahan na dito kami muling magkikita. Psh! Do I deserve to be in this place?

"Now I'm impressed." Sabi ng matandang hukluban

Hindi ko parin inaalis ang tingin ko kay Asia. Seriously, what are they doing here?

"Our Mischievous witch who doesn't want to sluttish her hand is voluntered to fight you." Dugtong pa ng matanda, halata sa boses niya ang panunuya saamin. Ngunit hindi kami natinag sa pagtitigan. Mapangasar ang mga titig ni Asia at para bang naramdaman ko ulit yung mga panahong galit na galit ako sa kanya at gusto ko siyang ibaon sa lupa. "This will be very interesting." Sabi pa ng matandang hukluban at natawa nanaman ng pang mental hospital "Outsider has its strong faith but I'll be going to give my bet to Mischievous Witch." Dugtong niya na siyang ikinaingay ng madla

Nahiyawan sila at nagsimulang magpustahan.

"Mischievous Witch!" Paulit ulit na sigaw karamihan

"I'll bet with that outsider. Alam kong kaya niya 'yan!" Sigaw ng isa sa marami

Nilingon ko ang sumigaw na 'yon at napagtanto kong iyon yung lalaking kinagat ko kanina. Tsk.

So this is it all about? Paglalabanin nila kami at pagpupustahan?

Napaharap ako sa sinabi niyang 'yon. Gano'n ba kababa at kahina ang tingin niya saakin? "What if I win this battle?" Tanong ko na ikinahina ng hiyawan "Will you do me a favor?" Dugtong ko

Napangisi siyang muli sa naging tanong ko. "Who are you ask me that?" Tanong niya

Hindi ako sumagot sa tanong niya dahil hindi niya rin naman sinagot ang tanong ko. Stupid old man.

"Well to tell you my dear. Favor is not my thing but if it'll gave you a nerve to gave us a good scene, why not?" Sabi ng matanda

Napangiwi ako sa isinagot niya. Ngayon ay nararamdaman ko na ang maliit na kirot sa gilid ng labi ko na siya ang may gawa. Humigpit ang hawak ko sa baril. So this is the use of this gun? To show them a good fight?

"If I win you'll grant all my wishes." Nakangising sabi ko

Hindi sa minamaliit ko ang kakayahan ni Asia at hindi rin sa pagmamayabang pero gusto kong may dahilan ang gagawin ko. Hindi ako makikipaglaban ng wala lang. Hindi ko sasayangin ang lakas ko ng dahil sa kalokohan nila. Kailangan may mapapakinabangan din ako, that is the real meaning of gambling.

"I'll be your genie, then." Sabi niya "IF!" Binigyan niya ng diin ang salitang 'yon at tinignan ang babaeng makakalaban ko "You'll not be killed tonight." Sabi niya at ibinalik ang tingin saakin at ngumiti ng nakakaloko

Sino ba si Asia sa lugar na 'to? Isa ba siya sa magagaling makipaglaban? Kamatayan ba ang magiging kapalit ng pagkatalo ko?

Kinalibutan ako sa napagtanto ko. Walang puwang ang mahihina sa lugar na 'to.

"Then mark your words. I'll be sorry to dissapoint you." Sabi ko sa kanya "Let's begin!" Pagyaya kong simulan ang laban

Muli kong tinapunan ng tingin ang magiging kalaban ko. Hindi siya umimik sa naging usapan namin ng Pinuno nila. Your payment bitch is not yet enough. Ang mga sampal at masasakit na salitang binitawan ko noon ay down-payment pa lang. Ngayon labanan mo ako ng patas at hindi ng patalikod.

The GatecrasherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon