The Gatecrasher
Written by: autumnscarlet--
S H E I R A
Napabuntong hininga ako at para bang kusang nag flashback ang alalaala namin ni Dash. Hindi ako makaka move on hanggang sa hindi ko narerealize ang sakit ng pagpapakatanga ko noon. Kailangan kong balikan yun para makapagmove on ako. Dahil kahit sobrang sakit ng mga alala alang iyon, naging masaya parin akong nakasama ko siya nang mga panahong iyon.
Flashback
Hinahanap namin ni Mecca ang seat number namin at laking gulat ko ng iba ang makita ko.
Kitang kita ko ang paglapat ng labi ng best friend kong si Asia sa labi ng boyfriend kong si Dash. Hindi ako nagkakamali. Kahit na madilim dito sa sinehan ay alam kong silang dalawa yun. Hindi ako sinamahan ni Dash sa sine dahil sa may dinner daw sila ng family niya. Nang yayain ko naman si Asia ay tumanggi din siya dahil sa may date daw siya sa hindi ko kilalang lalaki. Ang walang hiya ay ang boyfriend ko pala ang hinaharot.
"D-Dash!" Tawag ko sakanya sa dilim
Hindi ko alam kung mahina ba ang pagkakasabi ko o talagang hindi lang sila madistorbo sa paghahalikan.
Hindi ko sila matignan ng matagal. Si Dash na kahalikan ang best friend ko? At ang best friend kong inahas ang boyfriend ko? Hinding hindi sumagi sa isip ko na magagawa nila 'yon.
Mas lalong hindi ko masikmura nang nakita ko na kung saan na gumagapang ang kamay ni Dash.
Gusto kong masuka sa kababuyan nila. Gusto ko silang pag untugin. Gusto kong sampalin si Asia ng kaliwa't kanan at bigyan si Dash ng super kick sa pinakamamahal niyang pagkalalaki. Gusto ko silang sigawan at ipamukha sa kanina ang pagkakamaling ginagawa nila.
Ang dami kong gustong gawin ngunit ni isa wala akong magawa. Hindi nga ako makagalaw sa kinatatayuan ko, e. Ang gawin pa kaya lahat ng nasa isip ko?
"Sheira number 118 at 119 tayo. Doon ata banda yun." Sabi ni Mecca at hindi parin ako natitinag sa kinatatayuan ko
Nilapitan niya ako. "Sheira umiiyak ka ba?" Tanong niya at sinundan ng tingin ang tinitingnan ko
Ang tanga ko para panuorin sila. Pero anong magagawa ko, kotang kota na ako sa sakit. Manhid na ako.
"For heavens!" Narinig kong sabi niya at nag sign of the cross pa ang gaga "Walang hiya ka!" Sigaw niya kay Dash at hinila palayo kay Asia para bigyan ng sampal
Nagulat si Dash sa bilis ng pangyayari at ganon din si Asia.
Agad akong nakita ni Asia sa likuran ni Mecca at tinangka niyang lapitan ako.
"She-Sheira!" Utal niya
Humakbang siya ngunit humakbang din ako palayo. Humihikbi lang ako at walang masasakit na salitang lumalabas sa bibig ko. Pasalamat siya at wala akong mahanap na salita para sakanya dahil ang salitang malandi at makati ay kulang pa.
Napansin rin ako sa wakas ni Dash.
Mabilis pa sa alas kwatrong tinabig niya si Mecca at hinabol ako. Tinakbuhan ko siya at lumabas ako ng sinehan. Dumiretso ako sa CR ng mga babae para hindi niya na ako masundan.
Iyak ako ng iyak sa loob ng CR. Mabuti nalang at walang ibang tao dito kundi ako lang.
"Sheira!" Sigaw niya sa labas ng CR "Buksan mo ang pinto."
Humihikbi parin ako. Hindi ko nga alam kung bakit ko siya tinataguan, e. Sa pagkaka alam ko ay siya ang may atraso saakin.
Nakikita kong gumagalaw na ang door knob. Napatayo ako at lumayo sa pintuan. Ano bang kailangan niya saakin? Magpapaliwanag siya? Para saan pa?
BINABASA MO ANG
The Gatecrasher
Teen FictionDalawang kwento ng mga pusong nagmamahal. Dalawang bida na nagmula sa magkaibang kwento. Mga bidang nasaktan, nasasaktan at patuloy na masasaktan. Tinadhana nga ba sila para masaktan o maling tao lang ang patuloy nilang minamahal? Paano kung magtagp...