Gate No. 5

36 15 0
                                    

The Gatecrasher
Written by: autumnscarlet

--

S H E I R A

"Long time no see." Sambit ni Jestine

Hindi ko siya pinansin. Nakatulala parin ako sa bintana ng kotse habang nakangiti. Ganon pala yung pakiramdam na sabihan ka ng tatay mo na proud siya sayo. Sobrang sarap sa pakiramdam.

"Hey!"

Napalingon ako sakanya dahil sa pagkalabit niya.

"What?" Inis na sabi ko

Ngumisi at ibinalik ang tingin sa daan. "'Di mo ba ako na miss?" Tanong niya

"Miss? Diba babae yun? So babae ka?" Sarcastic kong sabi

Napanganga siya sa sinabi ko at humagalpak ng tawa. "Hahahahahaha! Ibang klase ka rin, 'no?" Natatawang sabi niya

"I know right." Sabi ko at nag roll eyes

"Seriously, naisingit mo pa yung joke mo na yun? Hahaha!" Sabi niya pa

"Shut up. Mag-drive ka nalang, okay?"

"Alam mo? Ganun ka parin, noh? Mataray ka parin." Sabi niya

"At maganda." Pag-co-correct ko sakanya

Umiling siya at itinuon ulit ang pansin sa daan ng hindi nawawala ang ngiti sa mukha.

"Hoy! Sinasabi mo ban–"

"Mas lalong gumanda." Sabi niya at humarap siya saakin sabay kindat

Me be like, ewwww.

"Hoy! Tigil tigilan mo yan, ah." Sabi ko "Baka ma-inlove ka nanaman saakin. Nako, mahirap na."

"Tch!" Tanging sagot niya

"But you still have a point, mas lalo nga naman akong gumanda." Sabi ko and I flip my hair

"Yabang." Sabi niya "'Di naman 'to mabiro, na-miss lang kitang asarin. Tsaka ako? Ma-iinlove sayo?" He grin "That's an old story."

Natawa nalang ako sa sinabi niya.


May crush ako noon kay Jestine. Way back 5 years ago. Thirteen years old ako nung mga panahong 'yon at fourteen naman siya.

Grade 6 palang ako at 2nd year high-school naman siya. Dapat ay 1st year high-school na rin ako nun ang kaso na huli ako ng isang taon dahil sabay kaming in-enroll ni Dwayne sa kindergarten, bale ako ang nag-adjust. Inis na inis ako nun dahil ang layo ng building ng high school sa grade school. Hindi ko tuloy siya makita parati. Magkikita lang kami pag dinala siya ni Ninong– daddy niya sa bahay.

Pero bawing bawi naman tuwing inihahabilin ako ni Daddy sa kanila tuwing may out of the country sila kasama si Dwayne. Minsan hindi ko nararamdamang mag isa ako pag nandiyan siya. Mga one week or minsan tumatagal sila ng 15 days sa ibang bansa. Sabay kaming pumasok noon sa School at tinutulungan niya rin ako sa mga assignments ko. Nung mga panahong yun– kuya pa ang tawag ko sakanya. He is 1 year older than me. Ganon pa man nagka crush parin ako sakanya. Maybe because he's protective and caring. 'Yon kasi yung pakiramdam na sakanya ko lang nararamdaman. Sobrang maalalahanin siya pagdating saakin, yung tipong aakalain mong may gusto rin siya sayo. Pero hindi, e. Bunso kasi ang tawag nun saakin, kaya imposibleng magustuhan niya ako at alam ko naman talagang kapatid lang ang turing niya saakin. Isa pa, bata pa naman ako noon. Natural lang naman sigurong magkagusto ako sa isang tao.

The GatecrasherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon