The Gatecrasher
By: AutumnscarletEvil Queen's Point of View
"Nakarating na sila." Sabi ni Deuterium sa kabilang linya
"Idiots." Sabi ko at napangisi nalang sa katangahan nila
Gaano ba kahalaga ang babaeng ito sa kanila para isugal nila ang kanilang buhay?
"Wait me there. I'm on my way." Utas ko at ibinaba ang tawag
Bago ako umalis ng warehouse ay pinuntahan ko muna ang munti kong bilanggo.
"Have you heard a codename Death Dealer?" Tanong ko
Lumingon siya saakin ng walang pakialam. This is what I hate about her– her eyes. Yung mata niyang walang pakialam sa kahit na anong marinig. Pero ewan ko nalang kung anong magiging reaksiyon niya sa sasabihin ko.
"How about Dauntless and Tartarus? Because you see, they are trying to save you now." Sabi ko sa kanya pero hindi parin siya umimik "I tried to help them by sending maps but the thing is the destination of the map is not you." Sabi ko
Tinignan niya ako ng nagtataka.
"Mamatay na sila ngayong gabi sa ilalim ng malungkot na buwan." Sabi ko sa kanya upang tuluyan na siyang magsalita
"You bitch kung ano man ang binabalak mo, sinasabi ko sa'yo hindi mo yan ikakatuwa." Sabi niya
Napahalakhak ako sa narinig ko mula sa kanya.
"Bloods is my happiness. Seeing them bleed and begging for life makes my heart skip in a beat." Sabi ko
"You demon. Lumaban ka ng patas. Alam mo kung anong klase ng tao ang tingin ko sa'yo?" Tanong niya "Isa kang ligaw na damo na hindi alam kung bakit nabubuhay." Mariing sabi niya
"At masamang damong matagal mamatay." Dugtong ko sa sinasabi niya "Kahit ano pang sabihin mo, hindi mo sila maliligtas. Mamatay sila dahil sa'yo."
Bumuka ang bibig niya at gusto niyang magsalita pero walang siyang mahanap na salita para sabihin ang gusto niya.
Kung miserable ako, dapat kayo rin.
"'Wag kang gumawa ng bagay na pagsisihan mo huli." Sabi niya "Hindi mo alam ang ginagawa mo, 'wag kang magpapakain sa emosyon mo." Sabi niya
Natawa ako sa naging sagot niya.
"At sino ka para sabihin saakin 'yan? Wala akong bagay na pinagsisihan. Dahil wala na akong konsensya, wala na akong pakialam sa mundo. Kung sa tutuusin kayang kaya kitang patayin." Sabi ko at hinawakan siya sa leeg
Alam kong hindi siya makahinga sa ginagawa kong pananakal sa kanya, pero hindi siya nagpupumiglas o kahit na sumigaw.
"Don't act like you can beat me. I'm an evil queen and you are just a damsel in distress." Sabi ko at tinulak siya bago bitawan
Napayakap siya sa sahig habang umuubo at lumalanghap ng hangin.
"Pipirmahan mo ang kontratang 'yon at wala kang magagawa pag sinabi kong iyon ang gusto kong mangyari." Sabi ko at tinalikuran siya
Nagmaneho ako papuntang AA. Naroon ang secret passage papuntang bahay ni lola. Ang lugar na iyon ay ang lihim na lugar kung saan kami parating naroon, noong panahong buhay pa siya. Ngayon ay madudungisan na ito ng dugo –dugo ng mga taong pumatay sa kanya.
Pagkarating ko ng AA ay naabutan kong tulog ang mga hangal na security guard. I know they will kill me for those tricks I made. Pero uunahan ko na sila, dahil bukas ng umaga ay hindi na sila sisikatan ng araw.
BINABASA MO ANG
The Gatecrasher
Teen FictionDalawang kwento ng mga pusong nagmamahal. Dalawang bida na nagmula sa magkaibang kwento. Mga bidang nasaktan, nasasaktan at patuloy na masasaktan. Tinadhana nga ba sila para masaktan o maling tao lang ang patuloy nilang minamahal? Paano kung magtagp...