Gate No. 3

45 16 0
                                    


The Gatecrasher
Written by: autumnscarlet

--

S H E I R A

Umuwi ako sa bahay ngayon para sana mag-practice ng basketball. Sa pagkaka alam ko kasi basketball ang sport na una naming pag aaralan.

Suot ko na kaagad ang jersey kong kulay fusia pink na may nakasulat na Abueva 27 sa likod. Actually I'm good at sports and I'm playing basketball– dahil narin siguro kay Dash at Dwayne. Past time kasi namin yun ni Dash at si Dwayne naman, niyaya ako para makipaglaro ng truth or dare. Who will ever win the game, nasa kanya yung authority na ipagawa o itanong lahat ng gusto niya. I don't want to lose, that's why I practiced a lot.

Nag warm up muna ako pagkarating ng small court sa loob ng bahay namin. Itinali ko si Ambrosia doon malapit sa skoran. Ipinagawa ni Dwayne 'tong court kay daddy. Ipinabaklas yung tree house kong nakatirik dito para lang pagbigyan yung gusto niya. What can I do? He's a spoiled jerk.

Sinimulan ko sa pag li-lay up. I dribble the ball and shoot it on the ring.

Umikot ikot yung bola sa ring pero nag shoot parin. Kinuha ko ulit yung bola at sinubukan kong mag shoot ng 3 points shot. Agad na nagshoot yung bola at ngumisi ako.

Arf! Arf! Arf!

Nilingon ko si Ambrosia at nakita kong may paparating dito. Nakasuot din siya ng jersey na may nakasulat na Abueva 19.

It's Dwayne.

Kinawayan niya ako sa malayo at inirapan ko lang siya. Nakita ko sa peripheral vision ko na napatigil siya sa pagkaway at kumunot ang noo. Itinakbo niya ang distansya niya saakin samantalang ako naman patuloy sa pag shoot ng bola.

"What are you doing here, ate?" Tanong niya

"Isn't it obvious? I'm practicing. Duh?" Sabi ko

"Hahaha! Burrrrn." Sabi niya na parang baliw. Inaasar niya ba sarili niya?

"I want to solo this court." Sabi ko

Tiningnan niya ako ng nagtataka. Slow naman. Loading?

"I said get out and leave me alone." Sabi ko
Napangisi siya sa sinabi ko. "Wala ka talagang pinagbago, ate. Mataray ka parin. Hahahaha!" Tawa niya

"Ikaw din walang pinagbago. Seventeen kana pero mongoloid ka parin." Sabi ko

Tinawanan niya lang yung sinabi ko. "At least ako *ehem* tumangkad." Sabi niya

Pinansingkitan ko siya ng mata. Nang aasar ba siya?

'Di ako makarecover sa sinabi niya. Did he just said that I'm small? 'Yun ba yung gusto niyang palabasin? Na minamaliit niya ako? WTH! 5'4 ang height ko, matangkad na yun kumpara sa ibang babae. Sadyang ipinaglihi lang talaga siya sa kapre.

Lumakad siya palapit dun sa mga rack ng bola at kumuha ng isa at ibinato saakin. Mabuti nalang at nasalo ko dahil kung hindi sapol ang mukha kong maganda pa sa mga diyosa ng greek mythology.

"Let's have a game." Pagyayaya niya saakin

"For what?" Tanong ko

Matagal narin akong 'di nakakapag laro. Huling laro ko pa ata ng basketball ay nung kami pa ni Dash.

Ayoko namang matalo sa magiging laro namin kung sakaling pumayag ako. The dare is not easy and the truth was too personal to spill.

"Wala lang. I know, gusto mong bumawi sa pangttrip ko sayo. Naligaw ka kasi ng venue and that was so embarrassing. Pffft." Sabi niya at nagpipigil ng tawa. "It's your chance to retaliate." Pagdurogtong niya

The GatecrasherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon