Gate No. 6

44 15 0
                                    

The Gatecrasher
Written by: autumnscarlet

--

S H E I R A

Tinantiya ko ng mabuti ang lahat. Para saakin ang pagbitaw ay pinag iisipang mabuti. Dahil sa larong ito, wala kang ibang pagpipilian kundi ang bumitaw. At kapag bibitaw dapat tiyantiyado mo ang lahat.

"Bulls eye!" Sabi ng Mapeh teacher namin na nanunuod at nagpalakpakan naman ang ibang nanunuod

Nasa gym ako ngayon at ngayong araw ang try out para sa archery. Inabutan ako ng lunch dahil sa dami ng nag try out at eto nga, ang daming naunuod. Kinabahan pa tuloy ako. Mabuti nalang at sakto ang pag tantiya ko sa lahat.

Pagkalingon ko sa kanan nandoon si Jack na sumisigaw ng pangalan ko. Anong ginagawa niya dito? Wala ba siyang klase?

"Ang galing mo, Idol." Sigaw niya at napangiti ako

Idol huh?

Ngumiti rin siya ng nakita niyang ngumiti ako. I roll my eyes on him habang nakangiti parin at lumakad na ako para kunin yung tubig na inaabot ni Myca saakin. Gusto niya raw kasi akong samahan at panuorin kaya siya narito. Kahit ilang beses ko siyang i-down at sabihang feeling close ayaw niya parin akong tantanan. Goodness. 'Di kaya tibo siya?

Kinuha ko yung tubig sa kanya na parang nandidiri. Hello? I don't like lesbians. Mas okay pa saakin ang gays.

"Ang galing mo, Sheira!" Bati niya saakin "Matagal ka na bang naglalaro, nun? Ang hot mong tingnan habang seryoso ka sa pagtantiya." Sabi niya

Umiinom parin ako ng tubig.

"Kaya 'di ko rin masisisi si Jackson kung mas nagustuhan ka niya."

Napahinto ako sa pag inom at tiningnan ko siya ng nagtatanong. Pahina kasi ng pahina ang boses niya kaya naman hindi ko narinig ng buo yung sinabi niya.

"Ano ulit yun? 'Di ko naintindihan." Sabi ko

Napailing lang siya at may kinuha sa bag. Inabot niya saakin yung towel. "Oh! Mukhang kahit gaano ka ka-relax tingnan kanina, tumatagaktak parin ang pawis mo." Sabi niya

Nakatingin parin ako sakanya at tinanggap ang inaabot niyang towel.

Oo nga at pawis na pawis ako. Masyado akong kinabahan kanina dahil dumarami ang mga taong nakikinuod.

Pinupunasan ko ang pawis ko ng biglang may sumigaw ng pangalan ni Myca.

"MYCAAA!"

Napalingon kaming dalawa sa mga tumawag sakanya. Yung mga kaibigan niya.

"C'mon!" Tawag sakanya ng babaeng naka pony tail na pinapagitnaan ng dalawang babae. Matangkad at may wavy na buhok. Naka Jersey siya ng volleyball. Marahil ay mag ta-try out din siya.

"Wait lang Jas!" Sagot ni Myca at tiningnan ako

Eto yung part na ayaw ko sa lahat. Hindi naman sa sinasabi kong 'wag siyang sumama. What am I telling is, mahirap talagang ma attach sa isang tao because there are always a tendency na iiwan ka nila for a reason at wala ka ng magagawa don. Papalayain mo nalang sila tulad ng pagbitaw sa palaso ng pana at tulad ng pagbitaw ko kay Dash, sumaya lang siya.

"You can go." Sabi ko na para bang tono ng amo na nagpapaalis sa katulong

Okay lang kahit sumama ang tingin niya saakin. Kahit na sabihin niya masungit ako or what so ever. Ang mahalaga ay tatantanan niya na ako. The friendly me is gone.

Parang wala lang sakanya yung sinabi ko. Nakangiti parin siya. "Ah! Sige ah. May try out nga rin pala kami sa volleyball. Nawala sa isip ko." Sabi niya at tumakbo sa mga kaibigan niya at nag wave saakin

The GatecrasherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon