Gate No. 8

31 7 0
                                    

The Gatecrasher
Written by: autumnscarlet

--

S H E I R A

Pinunasan ko ang luha sa pisngi ko. Tiningala ko ang langit at napagtanto kong malapit ng dumilim.

Kailangan ko ng umuwi.

Tumayo ako at lumakad pabalik. Halos wala ng tao school ground at nakakatakot ang daan papuntang building 1.

Pero binalewala ko ang takot dahil mas nangingibabaw ang sakit na nararamdaman ko ngayon. 

Nang makarating ako sa classroom namin ay may naaninag akong lalaking naka sandal sa pader malapit sa pinto.

Habang papalapit ako ay nakikilala ko na kung sino siya.

"Syerra!" Sabi niya

Hindi ko siya pinansin kahit na mali ang bigkas niya sa pangalan ko. For goodness - It is Sheira (Sheyra) not Syerra.

Nilagpasan ko na lang siya. Binukasan ko ang pinto at pumasok sa loob. Kinuha ko ang bag ko at sinundan niya ako.

"Sorry tungkol do'n sa kanina." Sabi niya na parang nahihiya pa

"Okay lang." Simpleng sagot ko

It's also my fault.

"Hi-hindi ko alam." Mahinang sabi niya

Selfish ka kasi.

"Uuwi na ako." Sabi ko

"A-ako din." Sabi niya "Gusto mo sumabay?" Pag aaya niya

Bakit ba parang ang bait naman yata niya ngayon? Dahil ba sa pag iyak ko sa harap niya kanina?

"Stop being so kind. Kung ayaw mo saakin, it's okay. Be true to yourself. Hindi mo kailangang magbabaitbaitan dahil may kasalanan ka. I said it's okay. You don't have to worry." Sabi ko at agad na tinalikuran siya

"Hindi naman sa ganon. Gusto ko lang nama-" Napahinto siya sa pagsasalita ng huminto ako sa paglakad

"Please..." Sabi ko "I want to be alone."

Lumakad na ako at hindi na narinig pa yung footsteps niyang sumusunod saakin.

Habang papalabas ako ng Campus ay sinalubong agad ako ng nag aalalang mukha ni Jestine.

"Bunso!" Tawag niya saakin

Hindi ako sumagot sa tawag niya.

"Ba't ngayon ka lang?" Tanong niya

"I want to go home." Sabi ko sakanya

"Ihahatid na kita." Sabi niya saakin

"Jestine..." Tiningnan ko siya "Gusto ko mapag-isa. I'm not okay."

"Then I'll-" Pinutol ko yung sasabihin niya

"I can manage." Sabi ko at iniwan siya

Hindi na siya nagpumilit pa. Kilala niya kasi ako. Pagkaganitong magulo ang isip ko, mabilis mag init ang ulo ko and trust me. Pagka nagsimulang nag init ang ulo ko, hindi na ako nakakakilala ng tao. Pagsusungitan ko ang lahat ng taong mangungulit saakin. Kaya habang kaya ko pa silang iwasan iniiwasan ko at hindi ko iniimikan.

Nagbabad ako sa banyo at hindi ko napansing mahigit isang oras na akong nandoon. Ibinagsak ko ang katawan ko sa queen size bed ko na kulay royal blue.

Napapikit ako ng mariin at bumuntong hininga. Paniguradong bukas haharap nanaman ako sa iba't ibang usapan tungkol saakin. Nasaakin nanaman ang tingin ng mga tao sa hallway at laman ng tsismisan nila. Minsan nakakapagod na. Pero hindi ako dapat magpaapekto dahil wala silang alam at walang katotohanan ang mga sinasabi nila.

The GatecrasherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon