One of my story has been mention. It was entitled as Why can't it be? Try to read it guys. For those na hindi pa nababa 'yon, may brief preview naman siya sa POV ni Prince 😊
Why Can't it Be?
Link: https://www.wattpad.com/user/autumnscarletThe Gatcrasher
Written by: autumnscarlet--
S H E I R A
Tiningnan ko ang repleksiyon ko sa salamin at hindi ko talaga maipagkakaila ang kagandahang ipinagkaloob saakin.
Isang araw na ang nakalipas at ngayon na nga gaganapin ang party na tinutukoy ni Prince.
Hindi ko alam pero parang kinakabahan ako. I have a bad feeling at hindi ko alam kung bakit. Dahil baka magkaroon ng gulo sa party dahil saakin? I don't know. Basta kinakabahan ako.
Malapit ng pumatak sa alas otso ang oras kaya naisipan ko suotin ang damit na pinili ni Prince para saakin. Noong araw na mamimili sana kami ng damit ay hindi ako tumuloy at nagpahatid ako sa bahay kaya si Prince ang namili ng susuotin ko at ipinadala dito sa Condo ko. Not bad, magaling naman siyang pumili. Simple lang at hindi revealing yung napili niyang gown pero ang sexy tignan pag sinuot and not to mention na royal blue ang gown dahil 'yun daw ang theme ng party.
Pagkatapos ko magbihis ay nagselfie muna ako at nagpost sa IG, maya maya ay tumawag na saakin si Prince at sinabing nasa labas na daw siya.
Sinilip ko siya sa bintana at nakita kong nakasandal siya sa kotse niya habang nasa kanang tenga ang cellphone at nakatingala saakin.
"I'll go down." Sabi ko at ibinaba ang tawag
Hindi maalis sa labi ko ang ngiti. This night, hindi na ako gatecrasher.
"Hoy!" Bungad ko sa kanya dahil mukhang malalim ang iniisip niya
Ibinaling niya ang tingin saakin at tinignan ako mula ulo hanggang paa saka binuksan yung pintuan ng kotse niya.
Medyo nakaramdam ako ng disappointment.
Diba pag sa mga movies, pag nakakakita ang mga boys ng magandang babae napapanganga sila, natutulala at pinupuri ang babae? Pero bakit hindi man lang ako pinansin ni Prince?
Tinignan ko siya ng hindi makapaniwala bago padabog na sumakay ng kotse niya.
Nakabusangot ako at tumingin sa bintana at hindi siya pinansin hanggang sa maka sakay na siya sa drivers seat.
Gusto ko pa naman sanang sabihin na bagay sa kanya yung suot niya. Mas gwapo pa siya ngayon sa suot niya kaysa noong huling beses ko siyang nakitang nakasuot ng tuxedo. Nakataas ang buhok niya ngayon na very unusual niyang ginagawa.
Tahimik lang ako at hindi parin siya nililingon, hindi rin naman siya nagsasalita kaya mabuti pang 'wag ko nalang din siyang kausapin. Mukhang may malalim siyang iniisip.
"Ehem!" Sa wakas ay basag niya sa katahimikan
Binuksan niya ang radio at tumugtog ang kantang Maybe.
"The gown suits you so well." Sabi niya na nakapagpalingon saakin
Hindi siya nakatingin saakin at nakatuon ang tingin niya sa daan. Hindi siya nakangiti pero he's slightly smiling.
Bigla nanamang nagkakarera sa puso. Damn.
"You look beautiful with it." Sabi niya pa at nilingon ako
Nagtama ang mata namin at ngumiti ako. Uminit ang pisnge ko and I don't have any idea kung gaano na kapula ang mukha ko.
"Th-thankyou." Sagot ko sa kanya at umiba ng direksyon ng tingin
BINABASA MO ANG
The Gatecrasher
Teen FictionDalawang kwento ng mga pusong nagmamahal. Dalawang bida na nagmula sa magkaibang kwento. Mga bidang nasaktan, nasasaktan at patuloy na masasaktan. Tinadhana nga ba sila para masaktan o maling tao lang ang patuloy nilang minamahal? Paano kung magtagp...