The Gatecrasher
Written by: autumnscarlet--
S H E I R A
Lumapit yung dalawang lalaki sa kanya at nag fist bump sila.
Yung isa naman ay daladala niya ang beatbox at umupo ulit do'n habang manghang nakatingin saakin.
Yung isa naman ay medyo nakakunot ang noong nakatingin saakin. Problema dude?
"Bakit naman dinala mo pa siya dito?" Tanong nung lalaking medyo nakakunot ang noo
"Ano bang problema mo kay Sheira? Wala namang ginagawa sa'yo yung tao." Sabi nung nakaupo sa beatbox na may pagkakulot ang buhok
*Ehem* Prince cleared his throat
"These are my friends." Sabi niya at humarap saakin
"He is Javier." Sabi niya at itinuro yung lalaking pakiramdam ko ay ayaw saakin "And this is Ali." Sabi niya sabay pat sa balikat nung nakaupo sa beatbox
Ngumiti saakin 'yong lalaking kulot na Ali ang pangalan. Mabuti pa siya at nginitian ako samantalang yung isa na Javier ang pangalan ay wala man lang emosyon sa mukha.
"I know that you already know her. She's Syerra my girlfriend." Sabi ni Prince at inakbayan ako
I slightly roll my eyes. Ayan nanaman siya sa maling bigkas niya sa pangalan ko.
I sigh! He should have told me his plans. Hindi yung siya lang ang may alam. Oo nagalit ako sa kanya kahapon dahil sa mga sinabi niya but what is this?
Ano 'to Prince? Ano yung mga sinabi mo kanina? Para saan 'yon? 'Cause to tell you frankly hindi kita maintindihan.
"He-hello." Maiksing tugon ko dahil sa hiya pakiramdam ko pa'y nakatingin ang ilan sa mga kaklase nila
Nilingon ko siya. Tiningan ko siya ng nagsasabing 'Sasakyan ko Prince hanggat kaya ko. Pero mamaya mag uusap tayo.'
"Yieee!" Tukso ng ilang nakatingin
Pakiramdam ko talaga halos lahat siya nakatingin na. Hiyang hiya na ako.
"Bro, wala pang isang buwan ang break up niyo ni Margo!" Sabi ni Javier
"Bro, I moved on. Sana ikaw din. Wala na kami ni Margo at sana tanggapin mo na rin 'yon." Sabi ni Prince
"Kaibigan ko rin si Margo at naapektuhan din ako pagnakikitang..." Hindi na niya naituloy ang sasabihin niya "Respeto naman kay Margo, bro. Wala pang isang buwan pinagpalit mo na agad siya." Sabi ni Javier
Tumayo si Ali at pumagitna. "Javier hayaan na natin si Prince. Ganon naman ang pagibig, e. Hindi natin alam kung kailan darating." Sabi niya pa na medyo natatawa
Dafaq. Seryoso kami samantalang siya nakuha pang matawa? Unbelievable.
"Kung nakuha mong respetuhin si Margo sana makuha mo ring respetuhin si Syerra." Sabi ni Prince "Siya na ang mahal ko ngayon and please respect also my decision."
Nag aaway na ba sila? Kaya ba ayaw akong ipakilala ni Prince bilang girlfriend niya dahil alam niyang ito ang mangyayari? How about Ysable? Naguguluhan ako.
"Love? Tss. Siguro kayo palang ni Margo nakahanap kana ng kapalit." Sabi niya at tumingin saakin "Ano miss? Saan ka nakuha ng lalaking 'to? Anong sinuhol niya sayo para sumama ka sa kany–" Sinampal ko siya
Hindi ako ganong klaseng babae tulad ng sinasabi niya.
"Beware of your words!" Mariing sabi ko sa kanya
BINABASA MO ANG
The Gatecrasher
Teen FictionDalawang kwento ng mga pusong nagmamahal. Dalawang bida na nagmula sa magkaibang kwento. Mga bidang nasaktan, nasasaktan at patuloy na masasaktan. Tinadhana nga ba sila para masaktan o maling tao lang ang patuloy nilang minamahal? Paano kung magtagp...