Gate No. 17

29 4 0
                                    

The Gatcrasher
Written by: autumnscarlet

--

S H E I R A


Tahimik akong nakaupo sa gilid ng detention's office na 'to. Habang si Prince at Margo ay nag uusap sa gilid.

Bago ako makalabas ng Cafeteria kanina ay sinalubong kami ni President. Pinaratangan niya ako ng 3 oras na dapat ay dalawa lang dito sa loob ng DO at nahuli rin si Margo sa pagka-cutting classes. Si Prince naman pinarusahan dahil tinulungan niya ako sa parusa ko at dinamay niya pa ang ibang SC Officer.

He must be guilty kaya niya nagawang tulungan ako.

"Margo Medina, pwede ka ng lumabas." Sabi ng nagbabantay saamin

Para kaming nasa isang kulungan. Hype na 'yan.

Bakas sa mukha niyang ayaw niya pang lumabas dito. Go on girl, gusto mo ako nalang lumabas o maiwan ka dito?

Napairap ako sa kaartehan niya na tila may pa-background music ang bawat pagkilos niya. Tsk.

Halos hindi ako makakilos dito sa kinalulugaran ko. Hindi parin ako nagsasalita simula ng ipasok nila kami dito. Ang awkward at isa pa, hindi ko alam ang gagawin ko. Tngna!

Nang lumabas si Margo ay muling nanahimik ang loob ng DO. Sobrang layo ng agwat namin ni Prince at wala akong balak abutin siya at lalo na ang kausapin siya. 'Di ko alam, parang nagagalit ako sa kanya na ewan.

Maya maya ay lumapit siya saakin at tinabihan ako. Inabutan niya ako ng panyo kaya napataas ang tingin ko sa kanya.

"Para saan 'to?" Tanong ko

"Pinagpapawisan ka ata." Sagot niya

Ibinaba ko ang tingin sa panyong inaabot niya at agad itong hinablot. "Saakin 'to, a!" Sabi ko sa kanya

Ito yung panyong binigay sakin ni Mr. Taxi at yung panyong ginamit ko kagabi sa laban namin ni Asia.

Napangisi siya at tinabihan ako dito sa sulok. Muling nanahimik at muli siyang napangisi.

"Problema mo? " Inis na tanong ko

"Yung panyo. " Sabi niya

Napakunot ang noo ko. "Anong meron dito? " Tanong ko

Napakamot lang siya sa ulo at hindi maalis ang ngisi sa labi niya. Hindi niya sinagot ang tanong ko. Instead, kinuha niya ulit sa kamay ko yung panyo.

Nanlaki ang mata ko sa ginawa niya. Halos hindi ako makapag-react at hindi ko siya magawang pigilan.

Nakatingin lang ako sa kanya habang pinupunasan niya yung pawis ko.

"Sorry mainit talaga dito sa DO. Para kasi talaga 'to sa makukulit na estudyante na hindi sumusunod sa rules and regulation." Sabi niya habang pinupunasan ang mukha ko

Hindi parin maalis ang tingin ko sa kanya. Hindi ko na maramdaman ang puso ko. Parang tuluyan na akong nitong nilisan dahil sa lakas ng tibok nito.

Bigla akong napaiwas at napailing sa kawalan.

'This is wrong!'

Hinawakan niya ulit ang mukha ko at saka iniharap sa kanya. Pagkaharap ko naman ay itinabon niya sa mukha ko yung panyo.

"Psh!" Sabi niya

Inalis ko sa mukha ko yung panyo at saka siya sinapak sa balikat.

"Aray naman." Daing niya

The GatecrasherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon