CHAPTER THREE

1.7K 24 0
                                    

Dahil sa  beer na ininom kagabi,ramdam ni Yna ngayon ang masamang dulot nito. Kahit may hangover,pinilit pa rin siya ni Dalla na humigop ng mainit na sabaw.

"Salamat talaga Dalla, lagi kang andiyan para sa akin."nakangiting wika ni Yna habang humihigop ng sabaw.

"Ay naku,tumigil  ka nga diyan. Humigop ka na lang ng sabaw para mainitan yang sikmura mo."

"Seryoso...salamat talaga..."

"Tatanggapin ko lang ang thank you  mo pag tuluyan mong kakalimutan ang Anton na iyon..."

"Mahal ko siya Dalla pero tama ka,hindi   ako dapat magpakatanga sa tulad niya. Dalawang beses na kasi at sa iisang babae pa...."

"Hay sa wakas,natauhan ka na rin... Ipakita mo sa kanya na kaya mong mag move-on and you're not stupid..."

"Tanga ba talaga ako?"malungkot na tanong ni Yna
"Masakit pero Oo....."

Hindi kumibo si Yna!

"Nasa sa iyo naman yan kung patuloy kang magpapakatanga o mag-move on na lang at maghanap ng mas better sa kanya...."

"Parang ayoko na...ang hirap makahanap ng isang lalaking mapagkakatiwalaan..."

"Tatay mo?"nakangiting tanong ni Dalla.

Nakakunot ang noo ni Yna sa tanong ni Dalla, di niya maintindihan ang ibig sabihin ng kaibigan.

"Tatay mo,mapagkakatiwalaan ba?"paglilinaw ni Dalla.

"Oo naman! Sobrang bait ng Tatay ko at mahal na mahal niya ang Nanay ko."agad namang sagot ni Yna nang marinig ang paglilinaw ng kaibigan.

Ngumiti si Dalla.

"Iyon naman pala eh. Oh di makakahanap ka rin ng tulad niya basta hindi ka lang magmumukmok sa isang side lang."

"Dinamay mo pa Tatay ko talaga. Ibang usapan naman iyon...."

"Ay naku...."

Sa pagtatalo ng magkaibigan,hindi maiwasan ni Yna na muling alalahanin ang nakaraan. Ang nakaraan kung saan ang puso niya ay naakit kay Anton. Napakabait ng lalaki,matulungin sa mga teacher at sa mga babaeng nabu-bully kaya naman tuluyan siyang nahulog sa binata ngunit ang lahat naman pala nito ay may nakatagong itim na dahilan  ng kanyang sakit na pinagdadaanan ngayon!

Lumipas ang mga araw......!

Hindi maiwasan ni Yna na maalala ang mga masasayang nakaraan na pinagsaluhan nila ni Anton. Sinasayang niya ang mga ito dahil hindi ito pinahalagahan ng lalaki. At nakapagtataka dahil hanggang ngayon wala pa ring Anton na lumalapit sa kanya,sa madaling salita, tuluyan na siyang pinalitan ng kasintahan.

Sinunod niya ang mga sinabi ng kaibigan na dapat niyang burahin lahat ng larawang magpapaalala sa kanila ni Anton ngunit hindi niya magawang i-block ang binata sa kanyang mga social media account.

Sinamanatala niya ang kanilang break time, tiningnan niya ang fb account ni Anton ngunit naka-private na ang nga larawan. Kaya mas lalo siyang nag-isip na wala ng pag-asa na lumapit muli sa kanya ang binata para humingi ng kapatawaran, kaya naman nagtaas-noo siyang i-block ito at tuluyan ng kakalimutan ang lalaking dalawang beses na nanakit ng kanyang puso.

Maliban sa pag-ba-block kay Anton sa social media, nagpaturo rin siya kay Dalla ng pagme-make up kaya naman hindi maiwasang mas lalong humanga ang ilang mga binatang ka-trabaho. Hindi siya papayag na maapektuhan ng break-up niya ang kanyang buhay.

At sa pag-usad ng araw,hindi na niya namamalayan na unti-unti siyang nakakapag-move  on sa pagiging broken-hearted!

Kasabay ng kanyang gumagandang araw, dumating naman ang isang lalaking hindi niya inaasahang sisira ng kanyang araw.

"I want you to meet our boss, siya na ang hahawak ng kompanya dahil ako ay ililipat na sa ibang branch."wika ng kanilang dating boss. "He is Sir Jack Ibarra...."

"Ibarra?"mahinang sambit ni Yna. Kaapelyido kasi ito ng kanyang kaibigang si Dalla.

"Why?"biglang tanong ni Mr. Ibarra,nakatingin ito kay Yna kaya naman halos lahat ng kanyang kapwa staff ay napapatingin rin sa kanya.

"W-wala po sir..."namumulang sagot ni Yna.

Hindi siya pinansin ng binata.

Sa pagpapakilala kay Mr. Ibarra,biglang pumasok sa kanyang isipan na pamilyar sa kanya ang bagong boss kaya naman lihim niyang dinalhan ng mensahe ang kaibigan kung may kilala itong Jack Ibarra.

Walang reply ang kanyang kaibigan kaya naman hindi pa rin maalis sa kanyang isipan ang tanong kung saan niya ito nakita.

Kaya pagkatapos ng trabaho,agad niyang tinawagan ang kaibigan.

DALLA: Why?

YNA: May kilala ka bang Jack Ibarra....?

DALLA : (Tumawa nang bahgya) You met him already...nagkita na kayo, pinsan ko iyan eh. Siguro na-meet mo na siya kasi siya na ang bagong boss niyo 'no?

YNA: Bakit hindi mo sinabi? At kailan ko naman siya na-met?

DALLA:  Lasing ka nun eh. Muntik nga kayong mag-away eh...ikaw kasi...

YNA: (Hindi makapaniwala sa sinasabi ng kaibigan.) Usap na lang tayo pag weekend. Baka mahuli pa niya ako, mukhang suplado eh!

Pagkababa nga ng telepono ay siya namang pag-ikot ni Mr. Ibarra. Ang mga tingin nito sa kanya ay parang  naniningil pero hindi siya nakipagtigasan dahil baka masisante pa siya.

"Baka hangover ka?"biglang bulong ni Mr. Ibarra mula sa kanyang likod kaya ganoon na lamang ang kanyang gulat.

"H-ha? H-hindi po sir! Hindi po!"

"Good! Wala akong pakiaalam kung heartbroken ka basta ang importante do your job responsibly dahil kung hindi,pahihirapan kita..."nakangising wika ni Mr. Ibarra bago ito lumipat ng ibang table.

Dahil sa nangyari,hindi maiwasang mapasulyap sa kanya ang ilang mga ka-trabaho!

Pilit niyang inaalala ang nangyari nung naglasing siya sa condo ng kaibigan pero wala talagang lumalabas sa kanyang ala-ala kaya tanging si Dalla lang ang makapagsasabi kung ano ang nangyari.

My Forever (Un-edited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon