CHAPTER ONE

4K 58 3
                                    

Hindi matanggap ni Yna na ang boyfriend niya sa mahigit na anim na taon ay nagawang maghanap ng iba. Gusto niyang pumatay dahil sa tila gunting na pumupunit ng kanyang sugatang puso.

"Yna, I'm really sorry! Please give me another c
hance. Promise, I will not do it again! I love you so much. I love you my princess!"pagmamakaawa ni Anton habang nakaluhod sa harap ng kasintahan.

Hindi mapigilan ni Yna na humagulhol. Walang salitang lumalabas sa kanyang bibig.

"Yna, please talk to me! I love you my princess!"

"My princess? Hayop ka Anton. For six years, sa iyo lang naka-pokus ang mga mata ko. Ang puso ko, sa iyo lang tumitibok. Pero anong kapalit ng pagiging tapat ko? Ano?"sa wakas,nakapagsalita na rin si Yna. Gusto niyang tadyakan at sampalin si Anton ngunit tapos na rin ang panloloko nito. "Anong kasalanan ko? Anong mali sa akin?"

"None my princess! Walang mali sa iyo......"

"Then why? Bakit ako nasasaktan ngayon? Ha? Dahil hindi kita pinagbibigyan sa kama,ganun ba?"

"No Yna! Please forgive me...."

"You hurt me Anton..."

"I know my princess...just give me another chance, hindi ko na uulitin....Please...."sambit ni Anton habang nanatiling nakaluhod.

Kitang-kita ni Yna na desidido ang kanyang kasintahan sa sinabi nito.

"Paano pag buntis siya?"naluluhang tanong ni Yna.

"Ikaw ang mahal ko. Mahal na mahal kita and I promise puputulin ko lahat ng nag-uugnay sa amin."

Mahal na mahal niya si Anton kaya kahit gaano kasakit ang ginawa ng binata, binigyan pa rin niya ito ng chance. Sayang ang anim na taong pinagsamahan nila kaya muli na naman silang magsisimula.

At nang marinig ni Anton ang pagpapatawad ng dalaga,agad itong tumayo't masaya nitong mahigpit na niyakap ang kasintahan!

Nangako siyang hindi muli lolokohin ang dalaga kaya naman naniwala sa kanya si Yna. And because of this, muli silang nagsimula sa bagong momento ng kanilang buhay bilang magkasintahan.

Pinilit ni Yna na iwaksi ang minsang pagtataksil ni Anton at pinanghawakan ang pangako ng binata na hindi niya muli mararamdaman ang pait ng hindi pagiging tapat.

"You are really crazy! Niloko ka niya pero nagawa mo siyang patawarin. Come on!"naiinis na wika ni Dalla sa kanyang kaibigan. Siya kasi ang nakasaksi sa panloloko ni Anton, at dahil hindi siya pinaniwalaan,gumawa siya ng paraan para makita mismo ni Yna ang sinasabi niyang panloloko ni Anton pero manhid pa rin ang kanyang kaibigan.

"Alam mo kung gaano ko kamahal si Anton. Deserve niyang mabigyan ng another chance. Everyone deserves it!"

"Lintik na pag-ibig na 'yan! Tanga ka talaga. Inamin niya mismo sa iyo na one year siyang nakipagrelasyon sa harot na babaeng iyon pero another chance ka pa rin ng another chance. Iuntog ko kaya yang ulo mo!"

"Grabe ka naman. Maiintindihan mo rin pag mararamdaman mo...."

"Shut up! Alam mo ang mga pinagdaanan ko sa pag-ibig! Oo, I cried pero hindi ko sila hinabol. They don't deserve my love. Umayos kang babae ka!"

"Hindi nga raw niya uulitin eh."

"Bahala ka! Sinabihan na kita....Sana, hindi sa iyo ipinagkaloob ng Diyos ang gandang iyan para maiintindihan ko ang katangahan mo sa hindi naman kaguwapuhan. Kaya lang...ayaw kong magsalita,baka hmmmm!"

"Ikaw talaga. Kain ka na lang..."

"Talagang uubusin ko ang fries na ito. Bida raw ang saya eh pero sa iyo bida ang katangahan..."wika ni Dalla bago itinuloy ang kinakaing fries.

Ganoon magsalita si Dalla sa kanya pero kahit kailan hindi siya iniwan kaya naman nasanay na siya sa pamamaraan ng kaibigan sa pakikipag-usap.

Kung pagiging tanga man ang pagbigyan si Anton ng another chance,haharapin niya ito dahil naniniwala siyang mahal na mahal siya ng binata. And she is willing to wait kung kailan gusto ni Anton na sila'y magpakasal, basta ang importante, siya lang ang babaeng mamahalin ng kasintahan!

My Forever (Un-edited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon