Ang tunay na pag-ibig ay hindi nasusukat sa kung gaano kahaba ang panahon ng pagsasama o pagkakilala sa bawat isa. Hindi rin nasusukat sa katayuan ng buhay. Dahil ang pag-ibig ay hindi nangsisino,datapwat, tinatanggap nito nang buo kung sino ang mahal mo.
At para kay Jack, si Yna ang inilaan ng tadhana para sa kanya kaya gagawin niya ang lahat para mapasakanya ang dalaga.
Kaya sa pananatili ni Yna sa kanyang condo, ang sayang nararamdaman niya ay walang katumbas. Ang mga pelikulang pinanood nila ay hindi namasok sa kanyang isipan, dahil ang dalaga ang tunay niyang pinanonood sa pamamagitan ng nakaw na tingin.
"Oy uwi na kaya ako, hatid mo ako!"sabi ni Yna pagkatapos nilang panoorin ang ikaapat na pelikula.
"Ha? Uuwi ka? Hoy, anong oras na?"si Jack.
Tumingin si Yna sa kanyang cellphone. Alas syete na ng gabi.
"Bilis ng oras!"hindi namalayan ni Yna ang oras dahil sa mga pelikulang pinanood nila. "May trabaho pa ako bukas."
"Sabay nga tayo bukas, di ba? Ako ang boss kaya ako....."hindi natapos ang sinasabi ni Jack.
"Dahil ako ang boss ako ang masusunod..."nakangiting tuloy ni Yna.
"Alam mo namam pala eh..."
Maya-maya ay narinig nila ang buzzzer mula sa pinto ng condo.
"Oh sakto, dumating na 'yong delivery."
"Delivery ng ano?"
"Pampabusog ng tiyan..."nakangiting sagot ni Jack habang hinihimas ang tiyan.
Sabay nilang inihanda ang delivered dinner nila.
"Parang hindi ko na kailangang kumain dahil binusog mo ako..."biro ni Jack habang kinikindatan ang dalaga.
"Paano naman kita binusog, aber?"
"Hindi ko alam. Basta feeling ko busog na ako!"
"Ewan ko sa iyo. Basta ako, kakain ako!"
"Sabayan kita para mas mabusog pa ako!"tuloy-biro ni Jack.
"Kumain na lang kaya tayo kaysa bulahin mo ako."
"Iyon nga ang sabi ko."
Ang mga ngiti ni Jack kay Yna ay parang isang napakasarap na bitamina na inihalo sa kanyang pagkain dahil ginaganahan siyang isubo ang mga ito. Hindi siya nagsisisi na pumayag sa alok ni Jack na magiging kunwaring girlfriend ng binata dahil hindi niya maipaliwanag ang tuwang nararamdaman sa tuwing nakasasama ito.
At sa gabing ito, sa sala na naman sila matutulog. At dahil sa panaginip na binanggit ni Jack, pinilit ni Yna na huwag na namanng nakawan ng sulyap ang binata lalo na ang balak niyang paghalik sa labi nito.
Nagkumot siya mula ulo hanggang paa para hindi makita ni Jack na nahihirapan siyang matulog hanggang sa nararamdaman niya ang paa ni Jack sa kanyang paanan.
"Hoy! Alam kong hindi ka pa tulog!"sabi ni Jack
Pero hindi pa rin nag-alis ng kumot si Yna. Nagkunwari siyang tulog talaga.
"Hoy!"ulit ni Jack. "Kunwari ka pa diyan."wika ni Jack habang pilit na tinatanggal ang kumot ni Yna.
"Hmmm..B-bakit ba?"nagkukunwaring nagising na tanong ni Yna.
"Kunwari ka pa diyan. Di ako makatulog!"
"Patulog na ako eh. Dinadamay mo pa ako."
"Alam ko namang hindi ka rin makatulog eh."
"Kahit na! Bakit mo ba ako ginising?"
"Para pareho tayong gising."
"Baliw!"
"Kasalanan ko ba kung baliw ako?"nakangising tanong ni Jack habang nakaupo sa baba ng sofa.
"Naku! Huwag kang mandamay, ha!"lihim na napapangiti si Yna sa huling sinabi ng binata.
"Matulog na tayo!"
"Nasaan ang good night kiss ko baka sakaling hindi mangugulo ang babae sa panaginip ko?"nakangusong tanong ni Jack. Inilapit pa nito ang kanyang mukha sa dalaga.
"E-ewan ko sa iyo. Hmmm! Matutulog na talaga ako!"
Bumalik nang ayos si Jack.
"Matutulog daw eh hindi rin naman makatulog. Kanina mo pa sinasabi na matutulog ka pero hindi mo magawa."
"Paano ako matutulog eh kinakausap mo ako,aber?"
"Sabi nga nila, kung gusto may paraan at kung ayaw may dahilan."namimilosopong sagot ni Jack.
"Kaasar ka talaga. Sige, sasabihin ko sa x mo na hindi totoong tayo."pagbabanta naman ni Yna.
"Subukan mong gawin iyan, ha! Makikita mong hinahanap mo!"
"Naku! Nagbanta!"
"Ibig ko lang namang sabihin, hindi kita titigilan sa halik pag gagawin mo iyan."
"Hmmmm! Matutulog na talaga ako!"sagot ni Yna pagkatapos ay muling nagkumot nang buong katawan. Pero ang totoo'y gusto pa niyang makipag-usap kay Jack kaya lihim siyang naghihintay ng susunod na gagawin ng binata hanggang sa wala siyang mahintay.
Ramdam niyang tulog na ang binata kaya kahit nahihirapan siyang matulog pinilit pa rin niya ang sarili.
BINABASA MO ANG
My Forever (Un-edited)
RomansaMahirap masaktan dahil masakit ngunit kung nandiyan na ang talagang para sa iyo, ang lahat ng nakaraang nagdulot ng masasakit na ala-ala ay kaya nitong burahin. Ika nga, forever exist! "Tandaan,ang kuwentong ito ay puro kathang isip lamang at kung i...
