Hindi mapakali si Yna sa kanyang mesa. Sa pinto lagi ang gawi ng kanyang mga mata, iisa lang ang inaabangan ng mga ito, ang pagdating ni Mr. Jack Ibarra!
Hanggang sa nakikita nga niya ang pagpasok ni Mr. Ibarra. Napakaguwapo ng binata,bagay na bagay ang suot na toxedong pinarisan ng medyo fit na Levis pant. Ang sapatos nito'y makinang na makinang kaya talagang makikitang malinis itong lalaki.
"Papasok ang lamok..."wika ng kanyang ka-trabaho na nasa kabilang mesa lang.
Sa pag-aantay niya sa pagdating ng kanilang boss, hindi niya namalayan na nakanganga pala siya. Buti na lang at narinig niya ang winika ng katrabaho, dahil kung hindi, baka kung ano ng salita ang narinig niya mula sa dumaang boss.
Naalala niya ang nilalaman ng kanyang panaginip kung saan pinasunod siya ng kanilang boss pero hindi nangyari ngayon kaya parang nakaramdam siya ng pagkadismaya.
Lumipas pa ang mga oras pero wala pang Mr. Ibarra na nagsasabing pumunta siya sa opisina.
"Ay naku, panaginip lang kasi iyon....."wika ng kanyang isip.
At sa oras ng uwian, hindi niya inaasahan ang kanina pa niya hinihintay. Pinatatawag daw siya ni Mr. Ibarra.
Bago tumungo sa opisina ng boss, tumingin siya panandali sa salamin, pagkatapos, mabilisang nag-spray ng kanyang perfume.
Itinago niya ang kanyang kaba sa pamamagitan ng ngiti.
"M-magandang hapon po sir...."kinakabahang bati ni Yna.
Parang walang narinig si Mr. Ibarra dahil sa cellphone ang pokus nito.
"M-magandang hapon po sir...."pag-uulit ni Yna nang walang mahintay na sagot mula sa kanyang boss.
"Hindi ako bingi!"seryosong sagot ni Mr. Ibarra habang busy ito sa paglalaro sa kanyang cellphone.
Nangangalay na ang mga tuhod ni Yna pero hindi man lang siya pinauupo ng kanyang boss.
"P-pinatawag niyo daw po ako," lakas-loob na sambit ni Yna.
"Nagmamadali ka?" Mataray na tanong ni Mr. Ibarra.
"Ah...h-hindi po!"
"Linisin mo tong opisina ko bago ka umuwi!"
Hindi makapagsalita si Yna.
"Nagrereklamo ka?" ulit ni Mr. Ibarra habang tinititigan siya na parang nananakot kaya naman bigla na lang kinuha ni Yna ang nakikita niyang walis.
"H-hindi po sir! E-eto na po, maglilinis na po ako."
Gustong magreklamo ni Yna pero baka sisantehin siya kung gagawin niya iyon.
Nang makapagwalis na siya, inayos niya ang table ng kanyang boss kahit na nanatiling nakaupo pa rin ito sa kanyang puwesto.
"Tapos ka ng magwalis? Are you sure?" tanong ni Mr. Ibarra habang naka-dekuwatro ito.
"O-opo sir!"
"Not yet! Dito sa ilalim ng upuan ko, walisan mo!" utos ni Mr. Ibarra!
Hindi nakasagot pa si Yna, baka mas lalong maraming iuutos ang kanyang boss kung magrereklamo pa siya.
Pagkatapos na mawalisan ang sinabi ng boss, agad niyang isinunod ang pag-aayos ng mesa.
"S-sir, t-tapos na po!" wika ni Yna nang matapos na siya.
"I don't care!"
"S-sir, k-kung puwede na s-sana pong umalis?"
"Sa akin ka ba uuwi at bakit sa akin mo itinatanong?" supladong tanong ni Mr. Ibarra
Sa halip na sumagot si Yna, iniligpit na lang ang mga ginamit sa paglilinis. At nang paalis na sana siya, hindi niya inaasahang magkakasabay sila ni Mr. Ibarra sa pinto kaya naman nasagi ng kanyang kamay ang malambot na kamay ng boss.
"Sinasadya mo ba?"nakangising tanong ni Mr. Ibarra
"H-hindi po sir," agad na sagot ni Yna. Nagulat na lang siya nang makitang wala na ang mga katrabaho niya, tanging sila lang na dalawa ang huling umuwi.
Dire-diretso na lang siyang lumabas. Ayaw niyang tumingin sa kanyang boss dahil baka makita nito ang pamumula ng kanyang mukha.
Sa kanyang pag-aabang ng taxi, nakita siya ni Mr. Ibarra habang minamaneho nito ang kotse.
"Hoy!" tawag sa kanya ni Mr. Ibarra
"S-sir, b-bakit po?" agad na tanong ni Yna nang huminto sa kanyang tapat ang boss.
"Sakay na!"maikling wika ng boss.
"S-sige lang po sir! M-mag-aabang po ako ng taxi!"
"Sabi ko, sakay na! Boss mo ang nag-uutos, ha!"
Agad na lumapit si Yna nang makitang pinanlakihan siya ng mata.
"Saan ka ba nakatira?"
"N-nakakahiya naman po s-sir!"
"I am not asking kung nahihiya ka o hindi! Ang tinatanong ko Ms. Yna Sanches ay kung saan ka nakatira kasi hindi alam ng kotse ko kung saan iyon!"
Napahiya siya sa sagot ng boss kaya sinabi niya kung saan siya nakatira.
"Baka gusto mo, ihatid kita sa bar. Baka gusto mong lumaklak ng alak!"biglang wika ni Mr. Ibarra
Hindi siya makasagot! Siguradong pinaaalala ni Mr. Ibarra ang pangyayari nung lasing siya sa Condo ng kaibigang si Dalla na pinsan pala nito.
"H-hindi po sir!"namumulang sagot ni Yna.
"Sinasabi ko lang, baka kasi nag-expire na sa katawan mo 'yong beer na nilaklak mo. Baka kailangan mo ng bago...."seryosong wika ni Mr. Ibarra habang tinititigan siya sa salamin ng kotse na nasa harap.
"H-hindi naman po sir!"
"D-dito na po ako sir!"wika ni Yna nang makarating na sila sa kanyang tinutuluyan.
"Okay!"sagot ni Mr. Ibarra, pagkatapos, inihinto ang sasakyan.
"S-salamat po sir!"wika ni Yna nang makababa na siya.
"Huwag kang magpasalamat, sisingilin kita" walang-ngiting sagot ni Mr. Ibarra bago umalis.
Naiwan si Yna na nagtataka sa huling sinabi ng boss.
Bigla tuloy niyang naalala ang napanood niyang palabas kung saan nagkaroon ng utang na loob ang bidang babae sa bidang lalaki. Ang hiniling ng bidang lalaki na kabayaran ay halik sa labi.
Dahil sa palabas na iyon, rumehistro sa kanyang isip ang pangyayaring hinahalikan siya ni Mr. Ibarra. Para siyang nawawala sa katinuan habang nakatayong nakangiting iniisip na hinahalikan siya ng boss!
Natauhan lamang siya nang marinig ang tahol ng aso ng kanilang Landlord.
Tumingin siya sa paligid, baka may nakakita sa kanyang hitsura. Mabansagan pa siyang baliw! Nang makitang walang tao, agad siyang pumasok sa kanyang apartment at dire-diretsong humiga sa kanyang kama habang nilalaro sa kanyang imahinasyon ang sinabi ng kanyang boss!
BINABASA MO ANG
My Forever (Un-edited)
RomanceMahirap masaktan dahil masakit ngunit kung nandiyan na ang talagang para sa iyo, ang lahat ng nakaraang nagdulot ng masasakit na ala-ala ay kaya nitong burahin. Ika nga, forever exist! "Tandaan,ang kuwentong ito ay puro kathang isip lamang at kung i...