Every Friday to Monday, pasukan at uwian, ay hatid-sundo na siya ng kasintahan. Nung una kasi ay minsan-minsan lang kaya kumpiyensa ang dalaga na hindi na siya sasaktan ni Anton.
"Thank you bhabe for the another chance. Don't worry,hindi na mauulit iyon. I love you so much."pamamaalam ni Anton mula sa pagkakahatid sa kanyang inuupahan.
"Thank you bhabe. I love you so much, too! Ingat ka ha!"
"Yes bhabe. Thank you again."
Love is not blind but lovers do!
Love do not hurt, it cures pain!
Love is pure, only man play with it!
Love doesnt know vengeance, man do it!
Love is love, nothing more!
Mahigit isang buwan na ang nakalipas simula nang patawarin niya si Anton ngunit muli na naman niyang nakikita ang babaeng dahilan ng muntik nilang paghihiwalay.
Ilang beses itong hinalikan ni Anton sa cafe.
"Ano Yna, susugurin ko na?"tanong ni Dalla. Ang kaibigan na naman niya ang nakakita kay Anton,tinawagan lang siya.
"No,please!...." kunti lang ang mga salitang lumalabas sa bibig ni Yna pero kitang kita sa mga luhang tumutulo ang sakit na nararamdaman habang pinapanood ang sweetness ng dalawa.
"Am I ugly? Am I not sexy like her? Anong kulang sa akin?"
"Walang kulang sa iyo, sobra nga eh dahil sa katangahan mo. Sinabi ko na sa iyo pero binigyan mo pa rin siya ng chance..."
"But we were inlove for six years. We spent happy moments...."
"Ang tanong, nakontento ba siya sa sayang ibinibigay mo? Malay mo, lagi siyang pinagbibigyan sa kama kaya binalikan ulit ang babaeng iyan. Eh ikaw, nung nauuhaw siya sa ligaya,pinagbigyan mo ba? Ikaw mismo nagsabi na never kaya ayun, nakikipaglokohan na naman. Kaya wake up ka,huwag kang tanga!"
"B-but I love him... I love him very much."
"Stupid! Tama na yan kung hindi iuuntog ko ang ulo mo sa mesa."
"Dalla, he is my first love. I love him so much."
"Stop it! Susugurin ko na talaga...."
"No Dalla. Mahal ko siya pero he broke again his promise. Masakit pero mas masakit kung patuloy ko siyang mamahalin...."wika ni Yna sabay dahan-dahang tumayo. "Just stay here! Please, huwag kang susugod. I can handle it!
Hindi agad naunawaan ni Dalla ang ibig sabihin ng huling sinabi ng kaibigan hanggang sa nakita niyang kalmadong lumapit sa kinauupuan nina Anton at ng babaeng kinalolokohan nito.
"Hi!"biglang bati ni Yna sa dalawang masayang nagkukuwentuhan.
Nagulat si Anton maging ang babae, parang kilala siya.
"Y-Yna....?"hindi makapagsalita si Anton.
Nakayungo naman ang babae.
"Don't worry, hindi ako manggugulpi or maninigaw dito. Gusto ko lang magpaalam sa iyo Anton. Alam kong mahal mo siya dahil dalawang beses na eh, so, malaya kitang pagbibigyan. Tatapusin ko na rito ang lahat ng sa atin. Thank you for the six years. Mahal kita pero hindi kita kailangan dahil mas kailangan ka niya." kalmadong nagsasalita si Yna kahit na gustong-gustong tumulo ng mga luha niya. Tumingin siya sa babae. "Siguro dahil sa kakatihan mo,pinatulan mo siya. Alam mo naman sigurong may girlfriend siya kasi nasa facebook pero nakisingit ka pa. Maganda at sexy ako pero hindi ko ibaba ang standard ko sa tulad mong babaeng nanglikingkis ng boyfriend ng iba. Till we meet again!"hindi na tumingin si Yna sa dalawa. Dali siyang lumapit sa kaibigan at sabay na lumabas sa restaurant na iyon.
Nang makasakay sa sasakyan ni Dalla,malaya ng pinatulo ni Yna ang mga luhang nais kumawala kanina pa.
"Hayop sila! Mga manloloko! Bakit sa akin? Tell me...."
"Sinabihan na kita pero matigas ang ulo mo. Hayaan mo na lang at darating ang araw,makakalimutan mo siya. They deserve each other."
"Sama ako sa condo mo..."
Ngumiti lang si Dalla, alam niyang hirap na hirap na ang kanyang kaibigan kaya dapat hindi siya mawawala sa side nito.
Nakailang tagay na si Yna ng beer pero hindi pa rin nito maalis sa isip ang sakit na dulot ng muling pagtataksil ni Anton.
"H-hoy babae...maganda ako di ba? P-pangit y-yong babaeng iyon di ba?"pautal-utal na tanong ni Yna dahil lasing na ito.
"Ay naku! Paulit-ulit kong sasabihin sa iyo, maganda kang malayo kaya umayos ka dahil may siguradong magkakagusto sa iyo. Kung gusto mo pa,maghahanap ako para sa iyo."
"Oh sige, game ako diyan pero siguraduhin mong kaya niyang pantayan si Papa P o kaya mga magkakapatid na Hermsworth."
"Ay ako pa! Marami akong kilala!"
Maya-maya ay may kumakatok sa pinto.
"Who's that?"paniniguro ni Dalla.
"Just open it!"sagot ng pamilyar na boses.
Excited itong binuksan ni Dalla, at hindi nga siya nagkamali dahil ang napakaguwapo niyang pinsan ang nasa pinto.
"Ano,papasukin mo ba ako o mangangalay lang akong maghihintay dito?"sagot ni Jack,ang kanyang pinsan.
"Pasok ka Kuya! Pasok ka...."
Nang makapasok si Jack,deretso ang mga mata niya sa babaeng sunod-sunod na tumatagay ng beer habang tumutulo ang mga luha.
"Who's that ugly?"tanong ni Jack kay Dalla.
Narinig ito ni Yna kaya mabilis na tumayo at paeki-ekis ang paglalakad patungo sa kinaroroonan ni Jack.
"Hey! Ikaw ang pangit. Maganda ako,gets mo?"lasing na wika ni Yna habang nagpo-pose sa harap ng binata.
"Oh? Guilty,lumapit kaagad!"buwelta ni Jack.
Dahil halatang walang magpapatalo sa dalawa,pumagitna si Dalla. Inalalayan niya ang kaibigan pabalik sa inuupuan nito.
"Oo,pangit talaga ang pinsan kong iyon kaya huwag ka ng makipagtalo sa kanya. Tama na iyan,lasing ka na...."hindi pa natatapos ang sinasabi ni Dalla ay lumupaypay na sa tulog ang kaibigan. "Pasenya ka na kuya,broken hearted eh, two times with same guy kasi...."
"Tinatanong ko ba..."supladong sagot ni Jack.
"Grabe ka naman kuya... nasaan na yong pasalubong ko..."
"Eto na nga eh,dinala ko na sa iyo..."
"Wow,touched naman ako.. love mo talaga ako kuya 'no?"tila batang paglalambing ni Dalla.
"Tets....Sige na at bantayan mo yang broken hearted na kaibigan mo, baka tumalon pa sa bintana..."wika ni Jack bago ito umalis.
"Kuya talaga eh.. Oh sige,salamat talaga kuya!"
Pagkatapos na umalis ng pinsan,inasikaso naman ni Dalla ang lasing na kaibigan.
Sana, hindi na naman aatakehin ng pagkatanga ang kaibigan pag lumapit si Anton sa kanya. Anton is not the right guy para sa kanyang kaibigan kaya hindi siya papayag na makipagbalikan ang kaibigan sa demonyong iyon.

BINABASA MO ANG
My Forever (Un-edited)
RomanceMahirap masaktan dahil masakit ngunit kung nandiyan na ang talagang para sa iyo, ang lahat ng nakaraang nagdulot ng masasakit na ala-ala ay kaya nitong burahin. Ika nga, forever exist! "Tandaan,ang kuwentong ito ay puro kathang isip lamang at kung i...