CHAPTER FOUR

1.7K 30 0
                                    

Hindi makapaniwala si Yna sa sinabi ni Dalla. Bigla tuloy siyang napahiya sa sarili nang ma-imagine ang hitsura niyang nakikipagtalo kay Mr. Ibarra nung lasing siya.

"Ba't di mo sinabi na sa mga pinsan mo pala 'yong kompanyang iyon?"nahihiyang sambit ni Yna habang nagkakamot ng ulo.

"Kaipapasa lang sa kanya ng malaking share kasi nga yong dating nagmamay-ari ay lilipat na ng Canada."

"Di kasi sinabi sa amin."

"Siguro,sa ibang employee alam 'yun. Pero mabait 'yong pinsan ko, love na love nga ako nun eh."

"Para namang nakakatakot...M-may sinabi siya nung malaman niya na dun ako nagtatrabaho?"

"Wala naman! At saka huwag mo ng intindihin yong nakaraan. Sabihin mo lang sa akin kung aawayin ka,susugurin natin sa condo niya."

"Para kasing nangangain ng tao..."

"Grabe ka naman...."

"M-may g-girlfriend?"pag-iiba ni Yna.

Ngumiti si Dalla!

Tiningnan siya mula ulo hanggang paa bago sumagot.

"Wala! Bakit ha? Gusto mo siya?"

Namula si Yna.

"Tumigil ka nga diyan! Tinatanong lang kasi parang walang lovelife,napakasuplado!"

"Ay naku! Basta ang alam ko,hiniwalayan niya yong babaeng inaway ko dahil kung ano-anong pinadalang mensahe sa akin. Di ba naman niya alam na pinsan ako ni Jack, pinagseselosan pa ako kaya ayun, inaway ko nang todo. Kaya ako ang sinunod ni Kuya."

"Oy ah! Very close kayo ah."

"Oo. Sa ibang bansa lumaki pero lagi niya akong pinadadalhan ng mensahe kaya ayun parang immediate brother ko na talaga...."

"Ah...Okay!"maikling sagot ni Yna.

Sa mabilis na paglipas ng mga araw, unti-unti ng nababaon sa limot ang  ala-ala niya kay Anton. At kung kailan nakakapag-move on na siya, siya namang pagbabalik-ngulit ni Anton.

Lasing ang binata na nag-aabang sa kanya sa labas ng apartment. Tuloy-tuloy siyang naglakad nang bigla siyang hinablot ni Anton. Dahil dito,sunod-sunod na sampal ang kanyang pinakawalan.

"You deserved that! Para iyan sa pangingisturbo mo sa paglalakad ko ngayon..."nakangiting wika ni Yna bago tumalikod.

Maya-maya ay bumalik siya.

"Ay, wait!"wika ni Yna sabay punas ng kanyang kamay sa T-shirt ni Anton. "Baka kasi nahalikan yan kanina nung girlfriend mo,madumihan mo pa kamay ko..."taas-noong wika niya bago  tuluyang iniwan ang hindi pa nagsasalitang Anton.

Nang bubuksan sana niya ang pinto,bigla na namang sumulpot si Anton. Lumuhod na naman ito.

"Give me another chance please,l-last chance. I- I p-promise...."hindi pa natatapos ni Anton ang kanyang sinasabi ay agad na nagsalita si Yna.

"Stop it! Kung inaakala mong mauuto mo ako,it's a BIG NO! Wala na akong nararamdaman sa iyo kaya puwede ba,tigilan mo ako sa luhod-iyak effect na iyan...."

"No! No! No! No! I-I d-do, p-romise. I-I broke up with her last week,so,please give me another chance...."

Dahil sa pangungulit ni Anton,tinawag ni Yna ang guard. Nagwawala si Anton ngunit hindi pumayag ang guard na manggugulo ang binata kaya pinaalis talaga niya ito.

Pagkapasok sa loob , uminom siya ng tubig.

"Hindi mo na ako mauuto. Wala ka na sa akin kaya hindi ka nararapat na pansinin..."sambit ni Yna sa kanyang sarili.

Gusto niyang matulog pero malakas ang epekto ng kapeng ininom kaya naman nilibang niya ang sarili sa panonod ng palabas. Hanggang sa di niya namalayan na nakatulog na siya sa sofa.

Abot-tainga ang ngiti ni Yna na pumasok sa kanyang trabaho kaya naman biniro siya ng kanyang mga ka-trabaho.

"Inlove yata eh. Ganda ng ngiti eh.."wika ng mga ka-trabaho niya.

"Masama bang ngumiti ng ganito?"nakangiti pa ring sagot ni Yna.

Maya-maya ay nakikita niya si Mr. Ibarra mula sa entrance. Nakangiting nakatingin sa kanya kaya naman biglang namuo ang kakaibang kaba sa kanyang dibdib.

"In my office...."nakangising wika ni Mr. Ibarra nang dumaan ito sa kanyang mesa kaya naman mas lalong bumilis ang kabog ng kanyang dibdib.

Walang dalawang minuto ay sumunod na siya sa private office ng kanilang  boss.

Nang makapasok sa loob ay nakangising nag-aabang ang kanilang boss.

"G-good....."hindi pa natatapos ang sinasabi ni Yna ay sinugod na siya ni Mr. Ibarra ng sunod-sunod na halik kaya hindi niya alam kung ano ang gagawin.

Itutulak sana niya ang lalaki ngunit hindi magawa ng kanyang mga kamay. Nanatili siyang nakatayo habang malayang ginagawa ni Mr. Ibarra ang panghahalik sa kanya.

Unti-unting nanghihina ang kanyang mga tuhod hanggang sa hindi na niya namamalayan na pumulupot na sa baywang ng binata ang kanyang mga kamay. At ang kanyang labi ay tila uhaw na uhaw na sumasagot sa mga maalab na halik ni Mr. Ibarra.

Hanggang sa.......

Magkasunod na aray ang nasambit ni Yna nang mahulog mula sa sofa.

Panaginip lang pala ang halik na iyon. 

Napahiya siya sa kanyang sarili nang mapansing yakap-yakap ang unan at nakitang basa ang gitnang bahagi nito. Binasa ng kanyang labi dahil sa halik na nasa panaginip niya.

"Bakit siya ang nasa panaginip ko? May halik pang kasama...."wika ng kanyang isip.

Pinipilit niyang iwaksi ang panaginip na iyon pero pilit na sumisiksik sa kanyang isip ang ngiti at mga halik ni Mr. Ibarra. Dahil dito, bigla na lamang namahay sa kanyang guni-guni ang feauture ng boss.

At kahit na medyo nahihirapan siyang matulog, pinilit pa rin niya itong gawin dahil hindi puwedeng ma-stress. Kailangang blooming at maganda siyang tingnan araw-araw para lalong pagsisihan ni Anton ang ginawa nitong panloloko!

My Forever (Un-edited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon