Road to Forever- Finale

1.8K 43 10
                                    


Ang pag-aasawa at pagpapakasal ay hindi para sa mga taong naghahanap ng makasasama sa buhay. Hindi rin ito para sa mga naghahanap ng gamot ng kanilang mapait na karanasan.

Huwag kang mag-asawa dahil maganda o guwapo ang kasintahan mo. Lalo na kung ikaw lang ay naiinggit sa mga kaibigan mong may asawa na.

Huwag kang magpapakasal dahil mag-isa ka lang o dahil walang mag-aalaga sa iyo pagtanda mo. Huwag kang papasok sa estado ng pag-aasawa kung dahil lang gusto mong magkaanak.

Nararapat lamang na magpakasal ka dahil mahal mo siya, dapat iyon lamang ang dahilan para ang mga araw na pagsasamahan ninyo ay hindi magdudulot ng malaking pagsisisi. At kaya niyong harapin ang bawat umaga na magkasama, may problema man o wala.

Ang pag-aasawa ay hindi pinipilit, hindi hinihintay dahil kusa itong nagpaparamdam sa tamang panahon at para kina Yna at Jack, dumating na ang tamang panahon para sa kanila.

Lumipas ang mga araw!

Dumating na ang araw na pinakahihintay ng lahat. Ang araw kung saan bibigayn ng bendisyon ang pagsasama nina Jack at Yna.

Lahat ay handa na sa pagsisimula ng kasal.

Sa pagsisimula ng kasal, unang nagmartsa ang mga sampung pares na principal sponsors na sinusundan naman ng mga bride's maid at groom's men. Nanggigigil naman ang mga tao sa loob ng simbahan sa pagpasok ng mga flower girls, ring bearer at bible bearer.

Sumunod namang pumasok si Jack kasama ang kanyang mga magulang. Siya ay pinapagitnaan at guwapong-guwapo siya sa kanyang toxedo.

At ang pinakaaabangan nila ay ang pagpasok ng  bride suot ang pinakananais ng isang babae.

Kasama ang mga magulang, pumasok sina Yna sa loob ng simbahan. Natatanaw niya si Jack na pinupunasan ang mga mata, umiiyak ito habang siya ay pinagmamasdan.

Lahat naman ay nagpalakpakan ng nasa gitna na ng aisle ang bride. Napakaganda ni Yna sa wedding gown nito na lalong nagpalabas sa taglay natural niyang ganda.

Naiiyak na iniabot ng mga magulang ni Yna ang kamay niya kay Jack.

"Alagaan mo ang aming anak."wika ng ina ni Yna.

"Opo  Inay!"naluluhang sagot ni Jack

"Huwag mo siyang pababayaan."wika naman ng ama ni Yna.

"Pangako po."

"Again, welcome to the family."wika naman ng ina ni Jack.

"Salamat Mama."masayang sagot ni Yna

"Oh sige punta na kayo sa harap, naghihintay na si Father."nakangiti namang wika ng ama ni Jack

Sabay na naglakad ang dalawa patungo sa altar. Unti-unti ring nalalaglag ang mga luha ni Yna dahil magiging asawa na siya ng lalaking pinakamamahal.

Nagsimula na ang seremonya at lahat ay masayang sumasaksi sa dalawang nagsusumpaan sa harap ng Diyos.

PARI: Kayo na ay haharap sa bagong yugto ng inyong  buhay. Tandaan niyo na ang pag-aasawa ay hindi laruan na kung ayaw na ay puwedeng palitan o itapon. Hindi rin ito parang damit na kung nagsawa na ay bibili ng bago, saka isusuot na naman pag gusto.

Ang pag-aasawa ay hindi puro sa kama lang. Dapat magkatuwang kayong haharap sa mga hamon ng buhay. Kung may problema, mag-isip kayo ng solusyon at huwag maghanap ng butas para siraan ang bawat isa o awayin ang bawat isa.

Huwag kayong papayag na problema, maliit o malaki man iyan, ang sisira sa pagmamahal ninyo. Tandaan ninyo, hindi lang sa amin kayo nanumpa o sa inyong magulang kundi sa ating Maykapal.

Dapat walang mataas o mababa sa inyong dalawa. Tandaan, kayo ay bubuo ng sarili niyong pamilya kaya huwag kayong papayag na ang mga magulang ninyo ang magdidikta sa kung ano ang dapat ninyong gawin, bagamat, hindi masamang humingi ng payo o tulong sa kanila.

Dapat wife o husband ang unang pagsilbihan bago ang iba dahil kayo ang bagong magkapamilya. Lahat ng  bagay ay dapat niyong pag-usapan nang maigi at mahalin niyo bawat isa hindi lang ngayon kundi hanggang sa huling hininga ninyo.

Pagkatapos ng salita ng pari sumunod naman ang sumpaan ng ikinakasal.

JACK: Simula noong makita kita, inaamin ko ikaw na ang babaeng pinakamagandang nakilala ko. At nangako akong mapapasaakin ka kaya gumawa ako ng paraan para matupad iyon. Una pa lamang, alam kong ikaw ang inilaan ng Diyos para sa akin kaya lahat ay ginawa ko para tuluyang makasama ka. Mahal na mahal kita at hindi ako nangangako na laging masaya ang ating araw pero nanunumpa ako sa harap ng Diyos na lagi akong nandiyan para sa iyo sa oras ng problema man o tuwa. Mahal kita hindi dahil maganda ka kundi mahal kita dahil mahal kita.

YNA: Jack, alam ng Diyos kung gaano kita kamahal. Kung paano mo ako dinala sa bagong pag-asa. Hindi ako nag-aalangan na tanggapin ang alok mo noon dahil mahal na mahal kita. Tulad ng sinabi mo, lagi akong nandiyan para sa iyo at nangangako akong gagamitin ko ang pagmamahal ko sa iyo para samahan ka na harapin ang mga umagang darating sa atin. Nangangako akong ikaw lang ang lalaking mamahalin ko hanggang sa kabilang buhay. Mahal na mahal kita at patuloy kitang mamahalin. Pangakong kahit kailan ay hindi ako mapapagod na mahalin ka dahil ikaw ay bahagi na ng aking puso. Mahal na mahal kita, Jack!

Lahat ay nagpalakpakan sa matatamis na pangako ng dalawa sa bawat isa.

Sa pagtatapos ng kasal, hindi nawala ang unang legal kiss nila.

PARI: Jack, you may now kiss your bride!

Pagkatapos na marinig na ito, ay dahan-dahang naglapat ang kanilang mga labi.

Humirit pa ang mga tao ng isa kaya pinagbigyan nila ang mga ito. At lahat ay nagtungo sa reception area. Doon nila itinuloy ang pagdiriwang sa kasal nina Jack at Yna.

Sa paglipas ng mga araw, hindi kinakalimutan nina Jack at Yna ang pangako nila sa isa't isa.

"Mahal na mahal kita and I wanna thank you for being my wife and for always giving sunshine to my life."nakangiting wika ni Jack habang magkasama silang nakahiga na nakatingala sa kalangitan  sa labas ng kanilang sariling tahanan.

"It si my duty to love you and it is your right to love. Mahal na mahal din kita Hon and Thank you also for your love."nakangiti namang sagot ni Yna.

"Tingnan mo ang mga tala, napakahirap sabihin kung ilan ang bilang. Parang ang pagmamahal ko sa iyo, walang salitang kayang magpaliwanag kung gaano kita kamahal. Ang tanging masasabi ko lang ay mahal na mahal kita kaya pangako ko, hinding-hindi kita iiwan at mabubuhay ako na pangalan mo lang ang nakaukit sa puso ko."si Jack

"Salamat Hon. Ako din, nangangako akong hindi ako magsasawa na mahalin ka."

Sabay na hinalikan sa labi ang bawat isa bago muli sila tuminga sa kalangitan.

Alam nilang nagbabantay ang Diyos sa kanila at lagi nilang ipinapanalangin na gabayan sila sa araw-araw. Kaya alam nilang hanggang sa kabilang buhay ang pagmamahal na sinumpaan nila sa bawat isa.

Naniniwala silang marami pa ang pagdadaanan nila ngunit katulad ng pangako nila noong kasal, hinding-hindi nila pababayaan ang bawat isa at nangangakong lagi silang nandiyan para sa bawat isa.


                     WAKAS!!!!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 09, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Forever (Un-edited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon