CHAPTER NINE

1.4K 24 0
                                    

Naiinggit ang mga dalagang ka-trabaho ni Yna sa kanya dahil sa pagbabagong nagaganap sa kanyang buhay. Bata lamang ang hindi makaunawa sa ka-sweet-tan ni Jack sa dalaga, kaya maging si Dalla ay nagulat din.

Binalaan ni Dalla ang pinsan at nangako naman ito na hindi lolokohin si Yna.

"Nag-aalala si Dalla nang malaman na tayo na!"kuwento ni Jack.

"A-anong sabi mo?"nahihiyang tanong ni Yna.

Ngumiti si Jack.

"Of course, nanumpa ako sa harap niya na hindi kita sasaktan. And I mean to do that...."makahulugang sagot ni Jack.

Napakasarap pakinggan ang sinabi ni Jack ngunit hindi maiwasan ni Yna na manghina dahil alam niyang kabilang ito sa kanilang pagkukunwari.

"Mamaya, treat kita sa bench after nating magmerienda."

"H-hindi na kailangan...."

"Hon, tatanggihan mo ba naman ako? Please naman oh...."

Ramdam na ramdam ni Yna ang paglalambing ng binata. Sinusulit niya ang mga salitang nagpapasaya ng kanyang damdamin.

"S-sige, b-bahala ka! Balik na ako sa mesa ko. Salamat sa lunch."

"You're welcome hon..."

Isasara sana ni Yna ang pinto ng private office ni Jack nang magsalita ang binata....

"I'm waiting some words from you...."pahabol ni Jack.

"A-ano naman iyon?"pagkukunwari ni Yna. Naiintindihan niya ang nais sabihin ng binata.

"Hon....."naghihintay pa rin si Jack.

"I ..... I.... I l-love you!"mahina at nahihiyang wika ni Yna.

"Di ko narinig eh..."pagkukunwari ni Jack.

"I love you Jack Ibarra...."sabi ni Yna, at dahil nahihiya siya, nagmadali siyang iniwan ang binata. Pero narinig niya ang masarap na pagtawa ng binata.

"A-ano bang nangyayari sa akin?"tanong ni Yna sa kanyang sarili.

Kung tutuusin, parang hindi pagpapanggap ang lahat dahil kahit dalawa lang sila ni Jack, Hon pa rin ang tawag sa kanya at inaasar pa siyang sambitin ang I LOVE YOU.

Oras na ng uwian at kagaya ng sinabi ni Jack kanina sa kanya, magmemerienda sila sa labas, pagkatapos, ibibili siya ng suot sa bench.

Hindi niya alam kung ano ang magiging kabayaran ng kasalukuyang tuwang nararanasan. Parang hindi pagpapanggap kasi ang lahat, kagaya ngayon, asikasong asikaso siya ni Jack habang kumakain.

"Hindi ka dapat magbabawas ng timbang, okay lang na madagdagan, kaya kain ka lang."

"Grabe ka naman, tataba na ako nito."komportableng sagot ni Yna.

"I don't care!"

"B-baka wala ng magkakagusto sa akin nito pag patatabain mo ako."

"Don't talk about that matter. Kain ka na lang." biglang serysosong sagot ni Jack.

Ang dating hiyang nararamdaman ni Yna ay pinaglaho lahat ni Jack. Kaya, nadadala na rin siya sa tuwing nilalambing  ng binata.

At pagkatapos ng kanilang merienda, dumiretso sila sa bench.

Bilib na bilib si Yna kay Jack dahil alam ng binata kung ano ang mga damit na kakasya sa kanya.

"Kainggit ka naman ma'am. Alam na alam ni sir kung ano ang sukat mo...."may paghangang wika ng sales lady sa kanya.

My Forever (Un-edited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon