CHAPTER 13

1.2K 25 0
                                    

Ang pag-ibig ay hindi nananakit!

Ang pag-ibig ay makatotohanan at hindi naninira, tao ang mapanira!

Ang pag-ibig ay hindi makasarili!

At sa ngalan ng pag-ibig, walang mahirap at walang mayaman. Kundi,  pantay-pantay lamang ang lahat!

Ang pag-ibig ay kayang tanggapin kung sino ka! Hindi inuungkat ang masakit na nakaraan at hindi naniningil ng pagiging imperfect, ika nga,lahat ng tao ay perfectly imperfect!

At dahil sa pag-ibig, nagkakaroon ng lakas ang isang tao na harapin ang anumang kinatatakutan dahil ito ay nagbibigay ng motibasyon para labanan ang anumang hamon ng buhay.

Ang pag-ibig ay tunay na nakapagpapabago ng  buhay dahil ito ay makapangyarihan.


Sa paglipas ng mga araw, walang kaalam-alm si Yna na lihim na nakikipag-ugnayan si Jack sa kanyang pinsan na kaibigan ni Yna para kausapin ang kanyang mga magulang tungkol sa engagement party.

Matapang na inamin ni Jack ang katotohanan sa kanyang mga magulang maging sa pamilya ni Yna. Nagalit nung una ang mga magulang ni Yna pero hindi tumigil si Jack na suyuin ang mga ito kaya pinatawad din siya.

Mahal na mahal niya ang dalaga at kahit wala pang isang taon o maraming buwan na sila ay magkakilala ni Yna, ramdam niyang ang dalaga ang kanyang makasasama sa magpakailanman.

Bumili siya ng isang napakagandang dress na babagay sa dalaga. Kailangan niyang paghandaan ang araw na iyon dahil para ito sa babaeng mahal na mahal niya.

Ang mga pagkain na ise-serve sa party ay may nag-aasikaso na. Ang bandang aawit, ang magrerecord ng engagent, lahat ay handa na.

Nandito na rin sa Maynila ang pamilya ni Yna at walang kaalam-alam ang dalaga na may naghihintay na surpresa sa kanya.

Pabali-baliktad sa kama si Yna. Ibinigay kasi sa kanya kanina ni Jack ang isang mamahalin at napakagandang dress na mala-prinsesang kasuotan. May gaganapin na family gathering daw sina Jack sa Sabado ng gabi at ipapakilala siya bilang girlfriend.

"Kunwari ang lahat pero bakit niya ako ipapakilala sa kanyang pamilya bilang girlfriend? Oh no, Jack! Sabihin mo naman kung ano talaga tayo, nahihirapan na ako."wika ng isip ni Yna

Hindi niya maiwasang maalala ang mga oras na binibigyan siya ni Jack ng magandang ngiti. Ang mga I Love You nito ay parang totoo, masarap pakinggan at tila musikang naglalaro sa kanyang tainga.

"I love you so  much Jack. Mahal na mahal kita!"

Hindi namalayan ni Yna kung anong oras siya nakatulog dahil sa pangugulo ni Jack sa kanyang isip. Ngunit hindi niya sinisisi ang binata dahil tunay namang naghahatid ito ng magandang ngiti araw-araw!

My Forever (Un-edited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon