Uwian na pero may isa pang papel na hindi tapos kaya nagdadalawang-isip si Yna kung mag-o-overtime o hindi.
"Can you extend? Kailangan kasi iyan bukas!"wika ni Jack mula sa kanyang likod.
"O-opo sir! Kaya naman po..."
"Okay! Hihintayin na lang kita para ako na lang din maghatid sa iyo."
Kinilig na naman siya dahil ang kanyang napaka-guwapong boss ang maghahatid sa kanya. Lihim siyang nagpapasalamat sa secretary ng boss dahil nagkaroon siya ng pagkakataon na makasama si Mr. Ibarra.
Paalis na sina Jack at Yna sa kompanya nang may biglang humarang sa sasakyan ni Jack.
"Talagang hindi ako pipigilan nito ah..."galit na sambit ni Jack. "Yna, paglabas ko sunod ka tapos you will act as my girlfriend sa harap niya..."
"S-sir...?"
"Kung kinakailangan na magtaray ka, gawin mo! Or better kiss me infront of her..."hindi nakapagsalita si Yna sa winika ni Mr. Ibarra.
Lumabas nga si Jack sa kanyang sasakyan at nilapitan ang babaeng biglang pumagitna sa kalsada.
"Nababaliw ka na talaga 'no! Ayusin mo nga ang sarili mo."galit na wika ni Jack.
"No Jack! Aayusin ko lang ang sarili ko pag makikipagbalikan ka sa akin. I love you so much.... Lasing lang ako noon kaya nahalikan ko ang lalaking iyon," sagot ni Nena, ang X-girlfriend ni Jack.
"Matagal ko ng gustong makipaghiwalay sa iyo. Humanap lang ako ng tamang tiempo kaya huwag kang umasang makikipagbalikan ako sa iyo."sagot naman ni Jack habang hinihintay ang paglabas ni Yna.
"H-hindi iyan totoo. Sinasabi mo lang iyan dahil nasasaktan ka...."
"Ayaw mong maniwala? Okay, may gusto pala akong ipakilala sa iyo!"wika ni Jack.
Pinuntahan niya si Yna sa sasakyan. Pinagbuksan niya ito ng pinto.
"Kung ayaw mong masisante, gawin mo yong sinabi ko sa iyo. Maging mataray ka..."bulong ni Jack.
Paglabas ni Yna sa sasakyan ng boss, kitang-kita niya agad ang tila masungit na X ng boss. Kinakabahan siya ngunit mas ayaw niyang masisante kaya nilakasan niya ang loob.
"Hon, who's this girl?"taas-kilay na tanong ni Yna habang pinagmamasdan si Nena mula ulo hanggang paa. Nakita niyang nagustuhan ito ni Jack.
"H-hon, she is just...."hindi natapos ni Jack ang kanyang sagot dahil nagsalita si Nena.
"And who are you na tumatawag sa boyfriend ko ng Hon?"mataray ding tanong ni Nena.
"Y-you are my Hon's girlfriend? Are you sure? Oh come on, nahihibang ka ba? Kaharap mo ang maganda niyang girlfriend, it's me!" lihim na kinakabahan si Yna sa kanyang mga sinasabi.
"Nena, please stop! Nakita mo naman, may girlfriend na ako!" si Jack
"No! Nagsisinungaling ka lang. Look, bakit mo naman ako ipagpapalit sa isang babaeng katulad niya?"palabang wika ni Nena.
Tila isang bombang sumabog sa tainga ni Yna ang sinabi ni Nena. Hindi niya nagustuhan ito kaya lumabas ang natural na pagkasuplada niya.
"Shut up! Nakakahiya naman sa makapal mong make-up at halatang ikaw ay hindi natural na sexy! Bulag ka ba? Can you see? Mas malayong natural akong maganda at sexy kaysa sa iyo kaya kung ayaw mong isubsob ko yang mukha mo sa semento, lubayan mo ang boyfriend ko!"
Napansin ni Jack na natakot si Nena sa matapang na sagot ni Yna kaya dahan-dahan niyang inakbayan ang dalaga.
"Hon, just relax! Pumasok ka na sa kotse...."wika ni Jack habang inaakbayan si Yna na pumasok sa sasakyan.
Hindi naka-buwelo si Nena sa sa matapang na sagot ni Yna at bago pa pinaandar ni Jack ang sasakyan, nagmamadaling umalis na si Nena!
Isang sunod-sunod na palakpak ang pinakawalan ni Jack sa harap ni Yna.
"Wow! Galing ah, parang totoo...."
"S-sir, kinabahan nga ako sa kanya. A-akala ko sasabunutan niya ako."
"Kailangan mong mag-ready, sigurado babalikan ka!" pananakot ni Jack pero ang totoo'y gusto lang niya talagang makasama ang dalaga.
"H-ha?"
"Kailangan mo pa ring magpanggap na girlfriend ko infront of all para maniwala siya."
"S-sir? K-kahit k-kay...."
"Kahit kay Dalla and sa parents ko."
"S-sir b-bka...."
"Dont worry, ako ang bahala sa iyo basta sakyan mo lang ang mga sinasabi ko."
Hindi makapagsalita si Yna. Dahil sa totoo'y hindi siya makanapaniwala sa nangyayari, ang tulad niya'y magiging girlfriend ni Jack Ibarra.
Gagampanan niya ang pagiging girlfriend ni Jack. At hindi niya alam kung ano-ano ang mga maaaring mangyari dahil dito, pero katulad nga ng sinabi ng binata, huwag siyang mag-alala!
Bagong araw na naman at panibago na namang hamon ang haharapin niya dahil sa pagpapanggap niya bilang girlfriend ni Jack. At hindi niya inaasahan na hinihintay pala siya nito sa labas ng apartment.
"Bakit hindi mo sinabi na nandito ka? At saka...."
"Kabilang ito sa dapat nating gawin, ang pagsundo at hatid ay isang gawain ng boyfriend kaya gagampanan ko. Kaya mahal kong girlfriend, sakay na!" nakangiting sabi ni Jack.
Hindi maiwasan ni Yna na mapangiti sa ginawa ng binata ngunit nanghihinayang din siya dahil ito lamang ay pagkukunwari.
"Gusto ko ng ipaalam sa iyo ng maaga ang isang bagay na puwede kong gawin sa iyo...."tila nahihiyang wika ni Jack.
"H-ha? A-ano iyon s-sir?"
"Yna, from now on stop calling me sir. Sanayin mo ang iyong bibig na tawagin akong Hon."
"S-sige po H-hon!"
"That's good!"
"A-ano po 'yong sinasabi mo kanina?"
"Baka kasi darating ang araw na tayo'y gipitin ng tadhana kaya kung kinakailangan kitang halikan...."
"Hahalikan niyo ako?"agad na tanong ni Yna.
"C-can I do that?"
"K-kailangan ba iyon?
"Si Nena kasi ang iniisip ko kaya...."
"B-basta h-hindi po m-matagal...."nahihiyang pagsang-ayon ni Yna.
Napangiti lang si Jack sa sinabi ni Yna.
A kiss from Jack Ibarra?
Maaaring maituring na katangahan ang kanyang pagpayag dahil kagagaling lamang niya sa break-up na nagbigay sa kanyang ng paghihirap sa ilang araw. At ipinangako sa sarili na hindi na magpapaloko pa ngunit ang lahat ng ito'y bigla na lang nagbago dahil sa pagdating ni Jack Ibarra sa kanyang buhay.
Hindi niya alam kung ano ang magiging kapalaran niya sa ngalan ng pag-ibig lalo na at pagpapanggap lamang ang gagawin nila ng kanyang boss. Hindi niya alam kung makakaya niya ang nagbabadyang sakit sa hinaharap dahil kahit anong oras puwede siyang itapon ni Jack. Ngunit hindi niya mintindihan ang sarili mismo dahil walang kahirap-hirap siyang nagdesisyon hinggil sa sinabi ng binata.
Pero susugal pa rin siya kahit walang kasiguraduhan na mamahalin siya ni Jack nang tunay. At pipilitin niyang paghandaan ang sakit na maaari niyang maranasan pag darating ang araw na kinatatakutan niya!
BINABASA MO ANG
My Forever (Un-edited)
RomansaMahirap masaktan dahil masakit ngunit kung nandiyan na ang talagang para sa iyo, ang lahat ng nakaraang nagdulot ng masasakit na ala-ala ay kaya nitong burahin. Ika nga, forever exist! "Tandaan,ang kuwentong ito ay puro kathang isip lamang at kung i...