CHAPTER SIX

1.5K 18 0
                                    

Inaamin ni Yna sa kanyang sarili na si Mr. Ibarra ang laging hinahanap ng kanyang mga mata, minsan pa'y napapasok na ng binata ang kanyang panaginip.

Tila ba may kakaibang damdaming namumuo sa kanyang puso ngunit dahil sa karanasan kay Anton, habang maaga pa'y nilalabanan na niya ang damdaming unti-unting gumugulo ng kanyang gabi.
Ngunit tuwing pumapasok siya sa kanilang opisina, hindi niya maiwasang si Mr. Ibarra ang hanapin, tulad na lamang ngayong araw.

Pasulyap-sulyap siya sa entrance at sa pinto ng private office ng boss. Nagbabakasakaling makita ang bagong lalaking nagpapahirap sa kanya. At di nagtagal, nakita niyang palabas ng opisina ang kanina pa hinihintay ng kanyang puso.

Unti-unti siyang kinakabahan dahil sa kanya nakatingin ang boss. Hanggang sa marinig ang tinig nitong tila musika sa kanyang pandinig.

"Hoy! Ibili mo ako ng kape diyan sa starbucks. Double time..."utos ni Mr. Ibarra, pagkatapos ay iniwan ang perang pambili niya.

Pagkatalikod ng lalaki, agad niyang dinampot ang pera. Katabi lang kasi ng gusaling pinagtatrabahuan nila ang starbucks.

"Bakit kaya ako ang inuutusan niya  eh nandiyan naman ang secretary niya? Hindi kaya....."nakangiting tanong ni Yna sa kanyang sarili habang inaalala ang halik ng binata sa kanyang panaginip.

Buti na lang, walang gaanong tao sa starbucks kaya hindi siya nagtagal.

Dahan-dahan niyang tinungo ang opisina ng boss. Huminga muna siya nang malalim bago kumatok. Nang marinig ang pahintulot ng boss, dahan-dahan siyang pumasok.

"S-sir eto na po yong kape niyo," kinakabahang wika ni Yna sabay dahan-dahang lapag ng mainit na kape.

Aalis na sana siya pero nagsalita si Mr. Ibarra.

"Aalis ka agad? Hey, titikman ko muna 'tong kape baka mamaya eh kung ano ang inilagay mo rito,"seryosong wika ni Mr. Ibarra!

Ganoon nga ang ginawa ni Yna. Nakatayo siyang pinapanood ang ginagawa ni Mr. Ibarra.

Nakailang tikim na ito ng kape pero hindi pa siya pinaaalis. Nangangalay na ang kanyang mga tuhod, naka-heels kasi siya.

Gusto niyang magsalita ngunit seryosong seryoso ang mukha ng boss. Abala kasi ito sa pagbabasa ng papel na ibinigay ng secretary nito.

Ngunit nangangalay na talaga ang kanyang mga tuhod kaya naglakas-loob siyang magsalita.

"S-sir...."

"Psssttt..."pigil ni Mr. Ibarra sa kanya.

Kitang-kita sa mukha ng kanyang boss na nasasarapan ito sa kape ngunit hindi niya alam kung bakit hindi siya pinaaalis.

Nang mapansin niyang wala ng laman ang kape. Nagsalita muli siya.

"S-sir... b-baka...."

"Eto,  ibasura mo muna bago ka umalis!"seryosong utos ni Mr. Ibarra.

Kung hindi lang niya boss ang naturang lalaki, baka kanina pa niya ito ginulpi. Ramdam niyang sinasadya ni Mr. Ibarra ang ginagawa nito sa kanya.

Kinuha niya ang paper cup ng kape nang walang ngiti. Alam niyang hindi iyon nakita ng boss dahil iba ang gawi ng mga mata nito.

"Bat ang tagal mo?"tanong ng kanyang katabi.

"Ang daming utos ni Sir...."pagsisinungaling ni Yna.

"Guwapo si Sir 'no?"kilig na tanong ng katabi.

Ngumiti lang siya. Ayaw niyang isipin ang pagtayo niya kanina. Tinanggal niya ang kanyang heels habang ginagawa ang trabaho. Nangalay kasi ang tuhod dahil sa trip ni Mr. Jack Ibarra.

My Forever (Un-edited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon