Masarap ang tulog ni Jack at dahil gusto niyang pagsilbihan si Yna, sinigurado niyang mauuna siyang gumising kaysa sa dalaga. Pero nararamdaman niyang may nakapatong sa kanyang hita. Nang magtanggal siya ng kumot, nakita niya ang nakatatawang posisyon ni Yna habang mahimbing na natutulog.
Ang kumot ng dalaga ay nahulog sa sahig, at ang dalawang paa nito'y hiwalay. At ang kanang paa nito ay nakapatong sa kanyang mga hita.
Kung siya ay babalikwas, siguradong magigising ang dalaga kaya dahan-dahan siyang bumangon at hindi naiwasang tuluyang mahulog nga si Yna mula sa sofa. Buti na lang at kotson ang ipinatong niya sa carpet kaya hindi tumunog ang pagkakahulog ng dalaga.
At mas nakakatawa, dahil sa halip na magising ang dalaga mula sa kanyang pagkakahulog, tuloy pa rin ang himbing ng tulog nito. Hindi sinasadyang nakita niya ang magandang hita ng dalaga kaya dahan-dahan niya itong kinumutan bago tinungo ang kusina.
At habang inihahanda ang pang- almusal, hindi maiwasan ni Jack na mapangiti sa sarili habang inaalala ang kalokohan ni Yna kagabi. Ang alam ng dalaga, natutulog siya sa oras na iyon ngunit ang totoo'y hirap na hirap din siya dahil sa damdaming isinisigaw ng kanyang puso.
Nais pang matulog ni Yna ngunit nang maalalang wala siya sa kanyang apartment, bigla siyang bumangon. At isang nakahihiyang pagtakip sa mukha ang ginawa nang makitang sa tinutulugan ni Jack siya nakahiga.
"No! No! No! What happened?" di makapaniwalang sambit ni Yna habang nakaupo sa sahig.
"Napandagan ko kaya siya? A-ano kayang nangyari? B-baka tumaas ang T-shirt na suot ko. B-baka nakita niya ang underwear ko. B-baka nakita niya puwitan ko. No way!" sunod-sunod na sambit ni Yna sa kanyang sarili. "Hindi! Ayoko! Nakakahiya!"
Napabaluktot si Yna sa sahig habang tila nagdadasal dahil sa maaaring kahihiyan na dulot ng kanyang tulog-mantika!
"Oh you're now awake Hon. Get up! Let's have our breakfast!" masiglang wika ni Jack.
Biglang napatigil si Yna sa ginagawa.
Masigla ang boses ng lalaki.
Ahah!
"Nakita niya yata! Ayoko nga....."wika ni Yna na nakabaluktot pa rin habang nakadumog sa unan.
"Hey!What are you doing?"natatawang tanong ni Jack.
Hindi pa rin umaayos si Yna. Ayaw niyang makita si Jack. Pero nang hawakan ni Jack ang kanyang balikat, bigla siyang napaharap at muntik pang mapasubsob si Jack sa kanyang dibdib dahil napatid nito ang paa ng binata.
"Oh woooo...wooo... Muntik na 'yon ah! Ano bang ginagawa mo kasi? Nagdadasal ka ba?"
"H-hindi ah! G-ganun talaga ako pag kagigising ko lang. Exercise ko na iyon tuwing umaga."sagot ni Yna habang inaayos ang pag-upo sa kotson.
"Lets eat na!"
"Eh...m-mama...."
"'Come on! Ayusin na natin ito at kumain na tayo. Gutom na ako..."
Walang nagawa si Yna kundi tumayo at tulungan si Jack na ayusin ang ginamit nilang kumot.
At habang nasa kainan sila, hindi pa rin naaalis ang hiyang nararamdaman ni Yna. Hindi niya maiwasang ma-imagine ang sarili sa kung paano siya nahulog mula sa sofa.
"Oh bakit hindi mo pa ginagalaw ang pagkain mo?"nakangiting tanong ni Jack.
"Nakangiti na naman siya. Iba yong ngiti niya. Nakakahiya.....nakita yata niya ang kulay ng underwear ko. Ano ba yan...."wika ni Yna sa kanyang sarili.
BINABASA MO ANG
My Forever (Un-edited)
RomanceMahirap masaktan dahil masakit ngunit kung nandiyan na ang talagang para sa iyo, ang lahat ng nakaraang nagdulot ng masasakit na ala-ala ay kaya nitong burahin. Ika nga, forever exist! "Tandaan,ang kuwentong ito ay puro kathang isip lamang at kung i...