CHAPTER 12

1.2K 16 0
                                    

Makikita sa ngiti ng mga kapwa empleyado ni Yna ang pagkamangha dahil sa kung paano alalayan ni Jack ang dalaga.

"Sweet naman ni boss!"
"Kainggit naman si Yna, nakajackpot. Mayaman na nga si boss, guwapo pa!"

Naririnig ni Yna ang mga bulungan pero hindi niya ito pinansin.

At para hindi siya masira sa mga mata ng katrabaho, ginawa pa rin niya ang kanyang trabaho tulad ng dati. Kahit na espesyal siya sa boss nila, normal pa rin ang ginagawa niya bilang empleyado ni Jack.

Nagulat ang mga empleyado ng marinig ang boses ng isang babae na tila nag-eeskandalo. Sinundan ito ng guard pero nanlalaban ito.

Halos lahat ng empleyado ay nakatingin kay Yna dahil ang X ni Jack ang sumugod, si Nena!

Nagmamadaling lumapit si Nena kay Yna habang pilit siyang pinalalabas ng guard!

"Hayaan niyo siya kuya!" Utos ni Yna. "Bumalik ka na sa binabantayan mo!"

Nag-aalangan ang guard pero nang ulitin pa ito ni Yna ay wala na siyang magawa.

"Ang tapang mo 'no? Alam kong piniperahan mo lang ang boyfriend ko?"nakamapameywang na sumbat ni Nena.

Ang mga nasa paligid ay nag-aabang sa gagawin ni Yna dahil kitang-kita na handang sumugod si Nena.

"Wala kang pakialam kung matapang ako! Pero gusto kong i-tama 'yong sinabi mo na piniperahan ko ang X mo na boyfriend ko naman ngayon, kasi maling mali ka diyan. Tingnan mo naman, naka-formal ako na ginagawa ang trabaho. Kaya kung wala kang matinong gagawin, umalis ka na!"mahinahon ngunit madiing wika ni Yna.

"Wala kang karapatan na paalisin ako."

"Bakit? Dahil kung si Hon ang gagawa, baka kaladkarin ka palabas kaya umalis ka na lang kasi oh, pinapanood ka nila!"

Tumingin si Nena sa paligid. Ang nga mata nila ay halatang kay Yna kampi.

"Anong tinitingin-tingin niyo, ha?"

"Huwag mo silang pagalitan kasi ikaw ang nanggugulo dito. Umalis ka na bago ko tawagin ang boyfriend ko!"

"Boyfriend?"nakangising sambit ni Nena. "Hindi ka ba nahihiya sa sarili mo? Wala ka sa kalingkingan ko."

"Talaga? Gaano kakapal yang make-up mo? May tinatakpan ka ba sa mukha? Kasi yong akin,kunting polbo lang ang inilagay ko! Kumbaga, natural lang ang ganda!"matapang na sagot ni Yna habang sinasadyang ilapit nang kunti ang kanyang mukha.

Namula si Nena lalo nang makitang ngumiti ang mga nasa paligid.

Maya-maya ay nakita nila ang paglabas ni Jack at nagulat ito nang makita si Nena.

Mabilis namang lumapit si Nena sa binata na tila batang magsusumbong.

"Bhabe...tingnan mo ang babaeng iyan, inaaway ako!"naglalambing na wika ni Nena habang ipinupulupot ang kamay sa katawan ni Jack.

Mula sa likuran ni Nena, madiing hinila ito ni Yna.

"Stop flirting to my boyfriend!"wika ni Yna. "Hon, palabasin mo ma siya dahil kung hindi, hindi kita papayagang dalawin ako gabi-gabi!"

"Hon, di na kailangang magbanta kasi kusang lalabas si Nena!"nakangiting sagot ni Jack.

"Bhabe....."si Nena

"Nena, get out bago kita ipapulis sa pang-eeskandalo sa opisina ko lalo na sa girlfriend ko."

Kitang-kita ang takot ni Nena lalo ng akmang may tatawagan sa cellphone ang binata kaya masakit nitong tiningnan si Yna bago umalis.

"Are you okay, hon?"nag-aalalang tanong ni Jack.

"Yes hon, okay lang ako!"

Pagkatapos na masigurado ng binata na okay talaga si Yna, bumalik na ito sa kanyang private office.

Talagang hindi pipigilan ni Nena si Yna kaya dapat lamang na totohanin niya ang pakikipagrelasyon kay Yna para mabigyan niya ito ng tunay na proteksyon.

At dapat niyang paghandaan ang araw na alam niyang tunay na magpapasaya kay Yna.

My Forever (Un-edited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon