Takot siya muling masaktan ngunit paano ba niya mapipigilan ang pusong pilit kumakawala sa bagong lalaking laging hinahanap ng kanyang mga mata? Alam ni Yna na ang tulad niya'y hindi kayang mahalin ni Jack Ibarra kahit na sabihing kaibigan niya ang pinsan ng binata.
Sinusubukan niyang saktan ang kanyang sarili sa pamamagitan ng paglimot kay Mr. Ibarra ngunit habang ginagawa niya ito ay mas lalong bumibigat ang nararamdamang pagtingin.
At sa tuwing nakikita niya ang binata, isang hindi mapigilang ligaya ang lihim na namumuo sa kanyang puso kahit na ipinipilit ng kanyang isip na hindi niya gustong makita ang lalaki.
Tulad na lamang ngayong araw, isang nagpupumiglas na tuwa ang nararamdaman nang makita si Mr. Ibarra sa entrance.
"Baliw na ba talaga ako? Why? Bakit ikaw pa?"tanong ni Yna sa sarili habang pinapakiramdaman ang pagdaan ng kanilang boss.
"I need you in my office...."biglang bulong ni Mr. Ibarra sa kanya. Ang hangin na mula sa bibig ng lalaki ay kumiliti sa kanyang buong katawan, hindi niya tuloy maiwasang mamula.
"S-sige po sir..."lihim na natutuwa ang dalaga.
Ngayon, paano niya mapipigilan ang nararamdaman gayong ganoon na lamang ang tuwang nararamdaman sa tuwing nakikita ang binata? Imposible na talagang mangyari ito, tuluyan na talaga siyang umiibig sa kanilang boss!
Agad siyang sumunod kay Mr. Ibarra, at habang sinusundan ang boss, amoy na amoy niya ang nakakagigil na masculine scent ng binata.
At nang makapasok sila sa loob, isang makapigil-hiningang titig ang ipinukol ni Mr. Ibarra sa kanya kaya hindi maiwasang umakyat lahat ng dugo sa kanyang mukha, lalo na't lumapit sa kanya ang binata.
"Ano bang meron sa akin at bakit sa tuwing nilalapitan kita'y para kang nanghihina?"lakas-loob na wika ni Mr. Ibarra.
"S-sir...a-ano p-po k-kasi...."
Hindi makasagot nang maayos si Yna sa tanong ng boss, at buti na lang umupo na ito sa kanyang upuan.
Naka-dekuwatrong paikot-ikot si Mr. Ibarra sa kanyang upuan habang patuloy na tinititigan si Yna.
"How are you?"tanong ni Mr. Ibarra sabay kindat.
Hindi maintindihan ni Yna ang tanong ng boss.
"S-sir?"
"I said, how are you? You're boss is asking a question, so, it is your responsibility to answer me honestly!" seryosong wika ni Mr. Ibarra
"S-sir, O-okay lang po...."sagot ni Yna kahit hindi sigurado sa kanyang sinabi.
"Okay? What is that okay? I want honest answer!"
"S-sir...."
"I repeat, How are you?"
"Okay lang po talaga sir...." mabilis na sagot ni Yna nang pandilatan siya ng boss.
"So, you already moved on from him?"
Nabigla si Yna sa tanong ni Mr. Ibarra, kahit na hindi buo ang tanong nito, naiintindihan niya kung ano ang ibig sabihin ng kanyang boss.
"Oo naman sir...."lakas-loob na sagot ni Yna na sinamahan pa ng abot-taingang ngiti.
"Siguradihin mo lang dahil ayokong maapektuhan ang trabaho mo..."
"Trabaho talaga...."wika ng isip ni Yna.
"Sit!" wika ni Mr. Ibarra
"T-thank you po sir...."
"Ms. Sanches, nanginginig ka ba?"

BINABASA MO ANG
My Forever (Un-edited)
RomanceMahirap masaktan dahil masakit ngunit kung nandiyan na ang talagang para sa iyo, ang lahat ng nakaraang nagdulot ng masasakit na ala-ala ay kaya nitong burahin. Ika nga, forever exist! "Tandaan,ang kuwentong ito ay puro kathang isip lamang at kung i...