Tumawag ang pinsan ni Jack, lahat ay handa na at nag-aabang sila sa pagdating nila ni Yna. Hindi naman maiwasan ng binata na magmadaling makita ang kinalabasan ng pag-aayos sa dalaga.
"Sir tapos na po!"wika ng babaeng make-up artist na lumabas mula sa pinag-aayusan kay Yna.
"Nasaan na siya?"tanong ni Jack habang nag-aabang sa sofa ng front desk area ng salon.
"Palabas na po!"
Hindi mapakali si Jack sa paghihintay. Napapahigpit ang hawak niya sa kanyang pantalon na ipinasok sa bulsa hanggang sa makita si Yna sa napakaganda nitong kasuotan.
Hindi naman maiwasan ni Yna na mag-alala dahil hindi niya alam kung nagugustuhan ni Jack ang hitsura niya ngayon.
"Hon, o-okay lang ba?"nag-aalangang tanong ni Yna. Wala siyang mahintay na sagot ng binata, nakatingin lang ito sa kanya. "H-hon?"
"O-oo naman! Bagay na bagay!"abot-taingang ngiting sagot ni Jack. "Mas lalong tumingkad ang ganda mo."
Bago sila sumakay ng kotse ay nagbayad si Jack sa cashier at buong-pusong nagpasalamat sa mga empleyado ng salon.
Habang lulan naman ng sasakyan ay hindi pa rin maiwasan ni Yna na mag-alala dahil hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon ng pamilya ni Jack pag nagkaharap-harap na sila.
Nahalata naman ito ni Jack.
"Just relax hon. Magiging okay ang lahat!"
"Pero hindi ko pa rin maiwasang mag-alala kasi.....alam mo naman ang dahilan, hindi totoong tayo ay...."
Agad na nagsalita si Jack.
"Hon, just trust me okay! Everything will be okay!"
"Nag-aalala pa rin ako!"
"Shhh...Masasayang yang ayos sa iyo pag sisirain mo ng pag-aalala kaya just sit and relax. Ako na ang bahala sa iyo pagdating natin sa gathering."
Kahit na anong sabihin ni Jack na pagpapakalma, hindi pa rin maiwasan ni Yna na mag-aalala. Hanggang sa makarating nga sila sa isang mansion.
Inalalayan siya ni Jack na makalabas. Napakaganda ng pag-aayos sa harden na paggaganapan ng family gatherings nina Jack.
May banda ring kumakanta at kitang-kita na talagang pinaghandaan ito.
"Muntik na hindi kita makilala."salubong ng pinsan ni Jack na kaibigan ni Yna. "Ang ganda mo!"
"S-salamat!"namumulang sagot ni Yna.
"Don't worry, you are very welcome to our family!"
Medyo nabawasan ang pag-aalala ni Yna dahil sa winika ng kaibigan hanggang sa magpaalam ito na may aasikasuhin muna.
Hanggang sa sabihin ni Jack na ipapakilala na siya sa magulang nito kaya kinakabog na naman ang kanyang dibdib.
Hinawakan niya nang mahigpit ang kamay ni Jack.
"Nanlalamig ang kamay mo Hon. Just relax, hindi ka kakainin nina Mama at Papa."
"Ewan ko ba kung bakit ako pumayag sa ganito. Pinapakaba mo ako eh."
Hindi pinansin ni Jack ang kanyang sinabi. Nilapitan nila ang tila isang babae at lalaking may edad na. Makikita sa kanilang mukha ang pagiging maawtoridad nila.
"Ma, Pa! I want you to meet my girlfriend, Yna!" pagpapakilala ni Jack pagkatapos na besohan ang magulang.
Mas lalong bumilis ang tibok ng kanyang puso nang sabay na mataan siya ng dalawa mula ulo hanggang paa.

BINABASA MO ANG
My Forever (Un-edited)
RomantizmMahirap masaktan dahil masakit ngunit kung nandiyan na ang talagang para sa iyo, ang lahat ng nakaraang nagdulot ng masasakit na ala-ala ay kaya nitong burahin. Ika nga, forever exist! "Tandaan,ang kuwentong ito ay puro kathang isip lamang at kung i...