No Ordinary Love
*Kabanata #1*
[ Zinnia’s POV ]
“Zinnia, bilis!” pagmamadali sa akin ni Minnie. Paano ba naman, nandito na daw ang lalakeng nakatadhana sa kanya. Err.
“Oo, saglit lang!” sigaw ko habang dala-dala ang teleskopyo. Ewan ko ba sa babaeng ito. Pa’no ba naman. Sisimulan na daw namin ang lihim na pagbuntot kay Tristan Kitagawa. Yung sikat na babaero dito. Nakuuuu ka talaga Minerva!
Ako nga pala si Zinnia Fienne Ichigawa. Pero ang tawag nila sa akin ay Zinnia o Zin. Sabi ng aking ina, ang pangalan ko daw na ‘Zinnia’ ay galing sa isang bulaklak. Ako ay 19 na taong gulang na at nag-aaral sa Ichigawa University na pagmamay-ari namin. Meron akong isang kapatid. Ang ate ko na si Zara Jade Ichigawa. Pero di kami magkasundo sa di malamang dahilan. Mailap siya sa mga tao kahit sa amin na pamilya niya. Wala siyang mga kaibigan o kasa-kasama dahil gusto niyang mapag-isa. Pero mabait naman yan si Ate Zara.
Oo nga pala. Nandito kami ng mga matalik ko na kaibigan na sina Minerva Wu na mas kilala sa tawag na Minnie o Min at si Aileh Mitsuzaki sa subdivision nina Tristan o mas kilala sa tawag na Stan.
Matagal na naming sinusundan si Stan. Pa’no ba naman, gusto daw malaman ni Minnie ang lahat-lahat tungkol sa kanyang mapapangasawa. Haay. Ganyan niya kamahal si Stan.
“Zinnia, tara. Kanina pa naghihintay si Minnie. Tuwang-tuwa ang babae dahil makikita na niya daw si Stan.” salubong na sabi ni Aileh sa akin. Natatawa na lang kami kay Minnie. Iba na talaga tama niya kay Stan.
“O, Tristan ko. Ako’y pansinin mooooo~” tila nahihibang na sabi ni Minnie habang pinagmamasdan si Stan sa malayo. Bale ang pwesto namin ay: nakatago kami sa may halaman pero ang ulo namin ay nakasilip.
“Kailan~ Kailan mo ba mapapansin ang aking lihim~ Kahit ano’ng aking gawin, Di mo pinapansin~” damang-dama ni Minnie ang pagkanta ng Kailan ng MYMP. Yun ba’ng nakapikit habang nakanta? Tapos ang kamay pa niya ay nasa may bandang dibdib niya na para ba’ng nasasaktan siya. Yung totoo Min? =___=
“AAAAAAAACCCCKKKK!!!!” nagulat kami sa sigaw ni Aileh. Lilingunin ko sana sya pero ang nahagip ng mata ko ay si Stan na nakatingin sa direksyon namin!
“Papunta sya dito! Tara na!” bulong ko na sabi sa kanila. Todo takbo naman kami ni Minnie habang si Aileh ay paika-ika kung tumakbo. Sinuot namin ang sumbrerong dala at salamin sa mata at pumunta kay Manong na nagtitinda ng Selecta Ice Cream.
“Ahmm. Hi..?” napalingon kami sa nagsalita sa likod. Laking gulat namin na si Stan pala ang nagsalita.
“Ahh.. Ha.. Ha.. H-hi din.” tila nahipnotismo si Minnie sa presensya ni Stan habang kami ni Aileh ay parang namutla. Baka nahuli kami.
BINABASA MO ANG
His Fake Girlfriend (No Ordinary Love)
Teen FictionNOTE: PROJECT KO PO ITO. HAHAHAHAHA. PERO MATAGAL KO NG NASULAT SA NOTEBOOK XDv MARAMING NAGSASABI NA ILAGAY KO 'TO SA WATTPAD KAYA SIGE! ILAGAY! XD PAUNAWA: SHORT LANG PO ITO. YUN LANG. LABYU!