Kabanata #15

79 2 0
                                    

*Kabanata #15*

[ Amber's POV ]

"Stan akala ko ba iiwan mo na si Minnie?" hindi ito maaari. Akin lang si Stan. Mahal ko siya. Hindi ako papayag na mapunta siya kay Minerva. Ayoko!

"Amber, mahal ko si Minnie. Pasensya na." bigla ko siyang sinampal sa binitawan niyang salita.

"Ayoko! Sa akin ka lang, Stan! Akin ka lang!" sigaw ko at tumakbo palayo.

 Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan siya.

[napatawag ka, Amber?] tanong nung nasa kabilang linya.

[gawin mo na ang pinapautos ko] sabi ko sa kanya at binabaan siya. Makikita mo, Minerva.

[ Minnie's POV ]

 Habang naglalakad ko papuntang hardin, nagulat ako ng may humalik sa pisngi ko galing sa likod. Paglingon ko, di nga ako nagkakamali. Si Stan.

"Magandang umaga, mahal ko." nakangiti niyang bati sa akin habang nakayakap sa likod ko. Inaamin ko, kinikilig ako sa ginagawa niya sa akin. Hindi ko kasi lubos-akalain na ganito magseryoso ang isang Tristan Kitagawa.

"Saan ka papunta, mahal ko?" tanong niya sa akin. Ngumiti ako tinuro ang hardin.

"Ganun ba? Samahan na kita?" nakangiti niyang sabi sa akin habang ang baba niya ay nakapatong sa balikat ko.

"Ikaw bahala." sabi ko sa kanya. Hinalikan niya ako sa pisngi at pumunta kami sa hardin.

 Nung umupo kami, sinandal kaagad ni Stan ang ulo niya sa balikat ko. Napatawa ako sa kanya. Kasi parang baliktad diba?

"Mahal ko..."

"Hmm?"

"Patawad pero hindi kita mahahatid mamaya." sabi niya sa akin. Napangiti lang ako.

"Ayos lang. Kaya ko namang mag-isa eh."

"Basta, kapag kailangan mo ako, tumawag ka lang. I-speed dial mo ako para makasiguro akong walang mangyayaring masama sayo. Tska kapag nakauwi ka na, huwag mo akong kalimutang i-teks para hindi ako mag-alala." natawa ako sa pagiging maalalahanin ni Stan.

"Opo. Gagawin ko 'yun." sabi ko sa kanya habang nakangiti.

 Tiningnan niya naman ako saka niyakap ng mahigpit.

[ Amber's POV ]

 Magsaya ka na ngayon, Minerva. Dahil mamaya, masisira ang lahat sayo.

[ Minnie's POV ]

 Kasalukuyang nag-aabang ako ng taksi nang may sumulpot sa gilid ko.

"BJ?" nagulat ako sa presensya niya. Ang tagal na din naming hindi nakita ah?

"Musta na, Min?" nakangiti niyang tanong sa akin. Nginitian ko rin siya.

"Ayos lang naman. Ikaw?"

"Ayos din. Pauwi ka na ba?" tumango naman ako sa kanya, "sabay ka na sa akin."

"Naku, huwag na. Ayos lang." nakangiti ko'ng sabi sa kanya habang umiiling.

"Sigurado ka?" tumango lang ako sa kanya. Ginulo niya ang buhok ko at nagpaalam.

"Minnie..." napalingon ako kay Gino. Ang seryoso ng mukha niya.

"Bakit?" tanong ko. Nagulat ako ng hawakan niya ang kamay ko.

"Minnie, lumayo ka na kay Stan. Ako na lang." naguguluhan ako sa sinasabi niya. Kinuha ko ang kamay ko at umatras. Hindi ko siya maintindihan.

 Bumuntong-hininga siya at tiningnan ako ng taimtim. Napaatras ako sa takot. Kakaibang Gino ang nasa harapan ko ngayon.

"Patawarin mo ako, Min." sabi niya. Nagulat naman ako ng may naglagay ng panyo sa ilong ko. Hindi ko alam pero nahihilo ako. Ang nakikita ko lang ay may van na sa tapat namin at sumakay doon si Gino. At nawalan na ako ng malay.

 Naalimpungatan ako sa sinag ng araw. Uupo sana ako kaso naramdaman ko'ng sumakit ang ulo at katawan ko. Nakaramdam din ako ng lamig. Tiningnan ko ang kabuuan ng kwarto. Hindi ako pamilyar. Nilibot ko ang tingin ko at may nakita akong sulat.

"Patawarin mo ako, Minnie." ayan ang nakalagay sa sulat. At doon ko nalaman na wala na akong saplot sa katawan. Wala akong nagawa kundi ang umiyak. Bakit, Gino? Bakit?

[ Stan's POV ]

 Hindi ako mapakali. Hindi pa nagteteks sa akin si Minnie. 8:15 na ng gabi eh kanina pa'ng 6:00 ang labasan nila. Sinusubukan ko siyang tawagan pero cannot be reach. Minnie, anong nangyari sayo?

 Dali-dali ko'ng kinuha ang cellphone ko nung tumunog iyon. Nagbabakasakali na si Minnie iyon. At hindi naman ako nagkamali.

Minnie ko <3 <3

Stan, nandito na ako sa bahay. Ingat ka ah? Pasensya na kung ngayon lang ako nakateks. Na-low bat ako eh :)

~~

 Parang natanggalan ako ng tinik sa nabasa ko. Maayos na pala siya. Pero ba't ganun? Parang may mali?

 Isinantabi ko na ang pag-aalangan ko at pumunta sa sala.

 Kinabukasan, hinanap ko si Minnie pero hindi ko siya mahanap. Asan na ba ang mahal ko?

 Papunta ako sa silid-aralan ng makita ko'ng nagkukumpulan sila sa announcement board. Ewan ko pero lumapit ako at tiningnan.

 Halos mahulog naman ang puso ko sa nakitang nakakalat na litrato.

[ Amber's POV ]

"Grabe, ang sama mo pala talaga, Amber." di makapaniwalang sabi sa akin ni Riri. Siyempre, sinabi ko sa kanya ang plano ko'ng pagpapa-rape kay Minerva. Oo, 'yun ang gusto ko'ng gawin ni Gino sa kanya. Mabuti naman at sinunod niya. Siya naman din makikinabang eh. Naunahan niya pa si Stan. Ang galing diba? At oo ulit. Ako ang nagpakalat ng litrato nila habang tinatrabaho ni Gino iyon. Walang kamalay-malay si Minnie na sira na ang pangalan niya sa Ichigawa University. Kawawa naman siya. HAH! 'Yan ang nararapat sa mga mang-aagaw na gaya ni Minnie. Akin lang si Stan at wala ng iba.

 Pinagmamasdan ko si Minerva na tinitingnan ng mga tao at pinagbubulungan. Buti nga sa kanya. O ano, Minerva? Kaya ka pa ba'ng isagip ni Stan kung siya mismo ay nandidiri na sayo?

[ Minnie's POV ]

"Stan, nasasaktan ako." sabi ko kay Stan habang hila-hila niya ako papunta sa likod ng building. Naiiyak na ako dahil kumalat sa buong unibersidad ang nangyari. At ngayon, tinitingnan ako ng mga tao na punung-puno ng pandidiri. Tatanggapin ko naman eh. Pero ang hindi ko matanggap ay pati si Stan, mandiri sa akin.

"Minnie, bakit?" alam ko'ng nahihirapan siya. Pero ako ang mas nahihirapan. Ako ang nilapastangan dito.

"S-stan, maniwala ka. H-hindi ko ginusto iyon!"

"Hindi? HINDI?! EH KITANG-KITA DOON NA GUSTO MO RIN ANG NANGYARI! NGAYON, MINNIE. IPALIWANAG MO SA AKIN KUNG BAKIT MO AKO NILOKO. GANUN KA BA KAGALIT SA AKIN?! HA?!" umiling-iling ako. Natatakot na ako dahil galit na galit sa akin si Stan.

"S-stan, hindi ganoon. M-makinig ka..." akmang hahawakan ko ang kamay niya pero tinulak niya ako kaya napaupo ako.

"Lumayo ka sa akin, Minerva. Nandidiri ako sa'yo." nagulat ako sa sinabi sa akin ni Stan. A-ano?

 Tiningnan niya ako na puno ng pandidiri at tinalikuran ako. Ang sakit. Akala ko hahayaan niya akong magpaliwanag. Akala ko paniniwalaan niya ako. Ganun na ba ako kadumi sa tingin niya?

His Fake Girlfriend (No Ordinary Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon