Kabanata #18

166 2 1
                                    

*Kabanata #18*

[ Rainier's POV ]

"R-rain..."

"Masaya ka na ba?" tanong ko kay Yulia at hinarap siya, "masaya ka na ba dahil iniwan ko ang babaeng mahal ko para sa'yo?"

 Yumuko lang siya at naririnig ko ang hikbi niya. At ngayon iiyakan niya ako. Matapos niyang sabihin sa akin na kailangan ko'ng iwan si Zinnia. Kung bakit? Mahal niya pa daw ako at gusto niyang makipagbalikan sa akin. Oo nung pagdating ni Yulia nagiging mailap ako kay Zinnia. Tinutukoy ko pa kasi kung ano ang nararamdaman ko para sa kanya. At ngayon, alam ko na, na si Zinnia ang mahal ko. Iiwan ko na sana si Yulia kaso nagmatigas siya. Sinabi niyang mapapahamak si Zinnia kapag itinuloy ko pa iyon. Ang nangyaring pagbangga kay Zinnia noon ay hindi aksidente. Si Yulia ang nag-utos at si Amber ang gumawa. Sa sinabi niya, parang gusto ko siya'ng patayin. Hindi pa naman kami magkakilala noon pero bakit niya iyon ginawa? At ang sagot niya?

"Siya ang kababata mo'ng si Nina na pinangakuan mo'ng pakakasalan. Nung nalaman ko'ng si Zinnia iyon, kumilos na kaagad ako at gumawa ng paraan. Mahal kita Rain simula pa noong mga bata pa tayo. Ayokong makuha ka sa akin ni Zinnia nang basta-basta."

 Kaya pala. Kaya pala ang gaan ng pakiramdam ko kay Zinnia noong una pa lang. Kasi siya si Nina na una ko'ng minahal. Sana pala, matagal ko na siyang nakita. Sana, kami na hanggang ngayon.

"Anong niyuyuko mo diyan? Diba dapat magsaya ka na ngayon kasi nakuha mo na ang gusto mo? Para sabihin ko sa'yo, ang galing mo dahil nakuha mo na ako. Napakahusay mo, Yulia." sabi ko saka umalis. Di ko maatim na makasama ang babaeng 'yan. Sa lahat ng ginawa niya, hindi ko alam kung kaya ko pa ba siyang makita. Dahil kapag nakikita ko si Yulia, ang naaalala ko lang ay ang ginawa niya sa Zinnia ko. Hindi ko nga alam kung paano ko minahal ang babaeng 'yun. Napabuntong-hininga na lang ako sa mga nangyayari. Sumali pa si Kuya Maikee.

**kahapon

"Rainier, alam ko'ng mali pero sana hiwalayan mo na si Zinnia." nagulat ako sa sinabi ni Kuya Maikee. A-ano?

"Kuya Maikee naman. Ikaw na nga ang nagsabi sa akin na huwag ko'ng pakakawalan si Zinnia. Tapos ngayon gusto mo'ng hiwalayan ko siya?" di makapaniwala ko'ng tanong sa kanya.

"Intindihin mo sana ako, Rain."

"Intindihin mo rin sana ako, Kuya Maikee. Mahal ko si Zinnia at ayoko siyang mawala sa akin." sabi ko at umalis. Nakakawalang-gana kausap kuya ko.

**ngayon

 Ewan ko ba sa nangyayari ngayon.

[ Yulia’s POV ]

“AKALA KO BA TAYO ANG MAKIKINABANG DOON?! TINGNAN MO ANG KAPALPAKAN MO, AMBER! ARGH!” inis ko’ng nasabunot ang sarili ko.

“Tumigil na kasi tayo. Pagod na ako eh.” sabi naman ni Roselyn.

“Mahina ka talaga! Sa tingin mo, paano mo makukuha si Maikee kung susuko ka na?” inis ko na sigaw sa kanya.

“Hindi naman ako ang mahal niya eh! Si Zara!”

“Wala akong pakialam! Kahit patayin pa ang dalawang Ichigawa na ‘yan para lang mawala sa landas ko, gagawin ko!” sigaw ko.

“Huwag naman ganyan, Yulia. May pinagsamahan naman tayo kahit papaano. Hayaan na lang natin sila kasi.” sabi ni Riri.

“Argh! Ang hihina niyo! Mga walang kwenta! Kung ayaw niyong dalawa ni Roselyn, pwes kami na lang ni Amber!”

“Yulia, itigil na natin ito. Hindi ka pa ba napapagod? Makukulong tayo kapag pinagpatuloy pa natin ang balak mo.” sabi sa akin ni Amber. Sa sobrang kunsumisyon, sinira ko ang lahat ng bagay na makita ko.

His Fake Girlfriend (No Ordinary Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon