*Kabanata #4*
[ Minnie's POV ]
Asaan na ba ang dalawang 'yun?
Nalibot ko na ang buong Ichigawa University pero di ko pa rin mahanap sina Aileh at Zinnia. Nagpaalam ako sa kanila na pupunta ng CR at hintayin ako pero pag labas ko, wala na sila. Saan ba nagsusuot ang dalawang 'yun?
Napadaan ako sa gym namin. May nakita akong pigura ng dalawang tao. Isang babae at isang lalake na nag-uusap. Inatake na naman ako sa pagiging chismosa at lumapit. Siyempre dahan-dahan lang para di mahalata na may nakiki-echos diba?
"Mukhang masaya naman si Rainier sa piling ni Zinnia. Hayaan na lang natin sila." pamilyar ang boses ng babae na ito. Pero gusto ko'ng makita kaya lumingon ako at nagulat sa dalawang tao na nasa harapan ko.
"Akala ko ba mahal mo si Rainier? Hahayaan mo na lang ba na mapunta siya kay Zinnia?" tanong nung lalake. Tumataas na ang boses niya. Grabe. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Intense itetch!
"Mahal ko si Rainier! Pero kaibigan ko si Zinnia. Ayoko siyang masaktan." sabi naman ng babae. Nakakaloka na itey. Di na kaya ng utak ko na ipagpatuloy ang naririnig ko.
"Ikaw ang kailangan ko para makuha si Zinnia kay Rainier. Parang awa mo na. Pumayag ka na. Para naman ito sa atin diba?" may hula na ba kayo kung sino ang dalawang ito? Pwes, mali kayo. Oh, alam ko na kung anong nasa utak niyo noh? Siyempre naman. De biro lang.
Dahil ayoko ng pakinggan pa ang pinagsasabi nila, dahan-dahan akong naglakad palayo nang mabangga ko ang lata. Tae naman oh. Asan galing ang lata na 'to? Pahamak naman eh! >____<
"May tao ba diyan?" rinig ko na sigaw nung lalake. Patay tayo dito. Saan ako magtatago?
"Mukhang may nakarinig ng usapan natin." sabi naman nung lalake.
"Ano?! Hindi pwede 'to! Hanapin mo ang nakarinig! Hindi pwedeng may makaalam tungkol sa pinag-usapan natin!" galit na sabi ng babae. Nakupo. Anong gagawin ko?
Nagtago ako sa bleachers. Oo, ako na ang bobo. Eh sa wala na akong matakbuhan! Malayo pa ang pintuan dito kaya di ako basta-basta makakatakas.
"Lumabas ka! Alam ko'ng nagtatago ka lang!" sumilip ako sa may parang butas ng mga upuan. Eh sa nakahiga ako kaya ganun. Nakupo may hawak siyang pamalo! Anong gagawin ko?! Ayoko pa'ng mamatay! Di pa ako napapansin ni Stan! Di ko pa siya nabibigyan ng anak! Huwag muna! Utang na loob!
"Meow~ meow~ meow~" napalingon ako sa baba nang makakakita ako ng pusa. Nakatingin din doon ang lalake. At kitang-kita ko kung paano niya ipalo sa pusa ang kahoy. Napatakip ako sa bibig ko sa nakita. Naiiyak ako. Pusa ko 'yun dito eh. Tapos pinatay niya lang? Pero kahit gusto ko'ng sapakin yung lalake, di ko magawa dahil natatakot akong ako ang isunod kaya nanatili na lang akong tahimik.
"Pusa lang pala. Tara na bago pa may makakita sa atin." sabi nung babae at naglakad na palabas ng gym. Nakita ko naman ang lalake na tumingin sa direksyon ko--- DIREKSYON KO?!
Ngumisi lang siya at nagsimulang maglakad habang ako ay naiwan na ninenerbyos. Susme sana hindi na lang pala ako naki-echos kung ganito ang mangyayari sa akin.
Nanatili lang ako sa ganoong posisyon. Hindi pa rin ako gumagalaw. Natatakot kasi ako Paano kung balikan niya ako diba? Diba?
Nagulat na lang ako ng may humawak sa paa ko.
"Sabi ko na nga ba at ikaw 'yan."
"AAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHH!!!!!!!" napasigaw ako sa sobrang gulat. Nahuli niya ako! Natatakot ako! Zinnia! Aileh! Kuya Drake! Waaaaaaahhhh!!!!
BINABASA MO ANG
His Fake Girlfriend (No Ordinary Love)
Novela JuvenilNOTE: PROJECT KO PO ITO. HAHAHAHAHA. PERO MATAGAL KO NG NASULAT SA NOTEBOOK XDv MARAMING NAGSASABI NA ILAGAY KO 'TO SA WATTPAD KAYA SIGE! ILAGAY! XD PAUNAWA: SHORT LANG PO ITO. YUN LANG. LABYU!