Kabanata #7

88 3 0
                                    

*Kabanata #7*

[ Zinnia's POV ]

 Pagpasok ko kinabukasan, ang daming nakangiti sa akin. Ano namang nangyari sa mga tao ngayon?

 Pumasok ako sa silid-aralan at nakita ko si Rainier na papalapit sa akin habang nakangiti. Yung ngiti niya, yung kahapon.

"Magandang umaga, Bee." bati niya sa akin sabay halik sa pisngi ko. Nagulat ako sa inasal niya. Inabutan naman niya ako ng isang dilaw na rosas.

"S-salamat." sabi ko. Nagulat na naman ako dahil nung pagbitaw niya sa kamay ko, parang may anumang malamig sa palasinsingan ko, nung tiningnan ko, isang singsing ang bumungad sa akin.

"Nagustuhan mo ba?" tanong niya sa akin habang nakangiti. At, pinakita niya ang kanang kamay niya. Nakita ko naman doon sa palasinsingan niya ang kapares na singsing. Agad naman akong napangiti sa nakita. At siyempre, inulan kami ng asar ng mga kaklase ko. Tiningnan ko si Minnie na kinikilig. Nung tiningnan ko si Aileh, bakas sa kanya ang kalungkutan. Nung napansin niyang nakatingin ako sa kanya, agad namang napalitan iyon ng ngiti. Namamalikmata lang ba ako nun?

[ Zara's POV ]

 Wala pa ang aming guro kaya napagpasyahan kong mag-facebook gamit ang cellphone ko. Ang agad na bumungad sa akin ay ito:

 Rainier Yakuzawa is in a relationship with Zinnia Fienne Ichigawa

4,798 likes | 5,985 comments

 Napangiti ako sa nabasa. Masaya ako na nakikita ang kapatid ko na masaya. Hindi ko lang naipapakita pero mahal ko naman si Zinnia. Nahihirapan akong kausapin siya dala na rin ng hiya. Noon nga'ng hinatid siya ni Ren sa bahay namin na may sugat siya, sobra akong nag-alala kaya hinintay ko talaga siya sa pinto. Nung nakita ko'ng ayos naman siya, parang natanggalan ako ng tinik sa lalamunan. Kaya, pasimple akong umakyat sa kwarto ko.

 Inaamin ko, pabor ako kay Rainier para kay Zinnia. Matagal ko na silang kilala. Sila ni Ren at Stan dahil nga sa magkaibigan kami dati ni Maikee, Roselyn at BJ. Si Rainier? Masyado siyang tahimik. Gusto niya rin na palagi siyang nasusunod. Pero pagdating kay Yulia ---na kanyang unang naging kasintahan--- nagpapa-alila siya. Handang gawin ni Rainier ang lahat para lang mapaligaya niya si Yulia. Ganun niya kamahal yung babaeng 'yun. Pero isang araw, nakipaghiwalay si Yulia kay Rainier. Ang dahilan? Nagsasawa na daw siya sa kanilang relasyon. Parehong-pareho sila ng pinsan niya na si Roselyn. Oo, tama kayo. Magpinsan sila.

 Hindi matanggap ni Rainier na gusto nang makipaghiwalay ni Yulia. Ang masakit pa, pinagpalit siya sa kababata namin na si Trekk. Kahit sino naman siguro masasaktan diba?

 Simula noon, sumobra ang pagiging tahimik ni Rainier. Mainitin ang ulo at laging nakikipag-away. Pero nagbago yun nang maging sila ni Zinnia. Tumatawa na siya at ngumingiti. Matino na rin siyang kausap. Ibang-iba sa Rainier dati. Kahit na sila pa ni Yulia. Oo masasabi nating naging masaya si Rainier. Pero kakaiba ang hatak ni Zinnia sa kanya.

 Alam kong nagtataka kayo kung bakit ko nilalayuan si Maikee. Sa totoo lang, nasa elementarya pa kami, mahal ko na siya. Pero nasaktan ako nung naging sila ni Roselyn. Tinanggap ko na lang din dahil alam ko'ng sa kanya sasaya si Maikee. Nung naghiwalay sila, hindi ako umalis sa tabi niya. Kasi alam kong kailangan niya ako. Nung inamin niya sa akin na mahal niya ako, ang saya ko nun. Pero nahihiya ako kaya iniiwasan ko siya. Oo, alam kong ang t*nga ko dahil sa ginawa ko. Nahihiya kasi ako dahil kapag pinapansin niya ako, ngumingiti lang siya at naririnig ko lang na bigkasin niya ang pangalan ko, bumibilis ang tibok ng puso ko. Sa sobrang bilis, natatakot akong marinig niya kaya sinisigawan ko siya. Nagbabakasakaling mahigitan ng boses ko ang tibok ng nasa puso ko. Pero ngayon, ewan ko na lang kung may pag-asa pa kami. Lalo na ngayon na si Zinnia na at Rainier. Hindi pwedeng maging kami ni Maikee. Siguro nga, kailangan ko na naman maghintay ng ilang taon para maging kami ni Maikee. Yun ay kung magiging kami.

"Kamusta Zara?" bungad kaagad sa akin ni Maikee. Hindi ko na lang siya kinibo. Doon naman ako magaling eh. Ang sa pag-iwas.

"Pansin-pansin din Zara 'pag may time." sabi niya sa akin. Hinarap ko naman siya.

"Pwes wala akong time." sagot ko sa kanya at binaling ang tingin sa cellphone ko. Nahihiya ako. Sobrang lakas na naman kasi ng tibok ng puso ko.

"Zara, ano yung naririnig ko na tunog? Parang drums?" nagulat ako sa tanong ni Maikee. N-naririnig niya?

"H-ha?"

"Ay, tibok lang pala ng puso ko para sayo." sabi niya sabay ngiti.

"Alam mo, ang corny mo talaga. Sobra." sabi ko sa kanya at iniiwasan na mapangiti kahit sa loob-loob ko ay gusto ko ng magsisigaw dahil sa kilig.

"Uyy, kinikilig. Aminin mo na kasi Zara na may gusto ka rin sa akin. Alam mo naman na pareho lang tayo ng nararamdaman diba?" sabi ni Maikee habang sinusundot niya ang tagiliran ko.

"Magtigil ka nga Maikee!" kapag ako hindi makapagpigil. Mapapaamin ako ng wala sa oras.

"Bahala ka! Hindi kita titigilan!" sabi niya sa akin habang sinusundot pa rin ang tagiliran ko.

"Isa!" -ako.

"Dalawa!" -siya.

"Aba't ang kulit mo ah!" bulyaw ko. Nakakainis kasi eh. Kinikilig kasi ako sa mga simpleng bagay na ginagawa niya. Hanggang sa paghinga niya ata kikiligin ako. Oo na. Ako na ang mababaw.

"Sabihin mo muna na mahal mo ako!" sabi niya. Ayoko! Nahihiya ako! >____<

"Ayoko nga!"

"Sabihin mo na!" hinarap ko siya at halatang nagulat siya sa ginawa ko.

"Mahal kita, Maikee." sabi ko sa kanya. Kung para sa kanya sinabi ko yan para tigilan niya ako, para sa akin sinabi ko yan dahil yun ang sinisigaw ng puso ko.

 Natigilan siya sa ginawa ko. Halatang gulat na gulat. Maski ako naman gulat. Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang lakas ng loob ko para masabi sa kanya ang salitang yan.

 Tumayo na ako at lumabas. Nahihiya ako sa ginawa ko. Sa sinabi ko. Siguro iiwasan ko na naman siya. Tutal ganun naman talaga diba?

[ Zinnia's POV ]

 Naglalakad ako pauwi ngayon. Wala lang. Gusto ko lang maglakad. Hindi ko kasabay ang dalawa. Nag-mall kasi sila. Eh sa tinatamad akong sumama, umuwi na lang ako.

 Habang nasa daan ako, nakita ko si Stan na may kahalikang babae. Akala ko ba sila na ni Minnie at seryoso siya sa relasyon nila? Siya mismo ang nagsabi sa lahat. Pinagsigawan pa nga niya eh. Pero ano itong nakikita ko? Stan, niloloko mo ba kaibigan ko?

His Fake Girlfriend (No Ordinary Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon