*Kabanata #12*
[ Zinnia's POV ]
"She's my Black Pearl~" natawa ako kay Rainier. Damang-dama niya kasi ang pagkanta ng Black Pearl ng Exo K eh. Kahit na mali-mali ang lyrics niya, kanta pa rin siya ng kanta.
"Ganda ng boses ko, Bee, noh?" sabi ni Rainier habang tinataas-baba niya ang kilay niya. Haha. Nakakatawa talaga siya.
Nandito kaming dalawa sa field. Malapit na kasi ang midterms namin kaya eto kami at nag-aaral. Pero itong si Rainier ay kumakanta lang ng mga kanta ng Exo. At ngayon, Wolf na naman ang kinakanta niya.
"Geurae wolf~ naega wolf~ awoo~ nae saranghaeyo~" kanta niya. Pero nung doon na sa saranghaeyo ay nakatingin siya sa akin. At ito naman po'ng puso ko ay bumibilis na naman ang tibok.
"Mahal kita." nakangiti niyang sabi sa akin. Nakayakap kasi siya sa akin. Pero nung sinabi niya ito ay tumingin siya sa akin. Ilang beses na niyang sinasabi sa akin na maha kita pero parang laging unang beses iyon para sa akin. Ang sarap kasi pakinggan.
"Mahal din kita." nakangiti ko'ng sagot sa kanya. Hinalikan naman niya ako sa pisngi at niyakap ako ulit. Oo na, ako na ang kinikilig sa ginagawa ni Rainier sa akin. Sino kaya ang hindi kikiligin kung ang taong mahal mo ay ginagawa ito sa iyo, diba? Oo na ulit, inaamin ko na mahal ko na si Rainier. Ganun naman din siguro ang nararamdaman niya sa akin diba?
Hinigpitan niya ang yakap niya sa akin. Ako naman gumanti ng yakap at hinahaplos ang buhok niya. Wala lang. Ito talaga ang madalas ko'ng gawin sa kanya. Gustung-gusto rin naman niya eh.
"Bee..."
"Hmm?" ano naman kaya ang kailangan nito sa akin?
"Matutulog muna ako ah? Inaantok ako eh." sabi niya.
"Nye. Sige, mahiga ka muna." sabi ko pero hinigpitan niya ang yakap niya sa akin.
"Kumportable na ako sa posisyon ko." napatawa naman ako sa sinabi niya. Sigurado siyang matutulog siya na nakaupo? Iba rin talaga takbo ng utak ng isang 'to.
"Zinnia-Bee...." naalimpungatan ako nung may gumigising sa akin. Nagulat naman ako ng makita ko ang mukha ni Rainier na nakangiti sa akin. Pero ba't ganun? Hindi naman ako nakahiga, diba?
Umupo ako at tiningnan ang mga tao sa paligid.
"Anong oras na?" tanong ko kay Rainier.
"Oras na para mahalin mo ako." nakangiting sagot niya sa akin. Napatawa ako sa pinagsasabi ni Rainier. Teka, nabasa ko na 'to ah?
"Eya, ikaw ba 'yan?" tumawa naman siya at hinalikan ako sa noo.
"4:15 na po." sabi niya sa akin. Nanlaki naman ang mata ko. 4:15? Eh nung tumambay kami ni Rainier dito, 1:45 eh. Hindi naman kami maaarawan dahil nasa lilim kami. Marami kasing puno dito sa field atska presko ang hangin.
"Bakit di mo ako ginising?" tanong ko.
"Natutuwa kasi akong pagmasdan ka na natutulog eh." nakangiti niyang sagot sa akin.
"Mais mo." nagulat siya sa sinabi ko. Hindi ko na lang siya pinansin at kinuha na ang gamit ko.
"Hindi ka ba uuwi, Rain?" tanong ko sa kanya. Parang napabalik naman siya sa realidad at biglang ngumiti.
"Ibig sabihin, pumasa na sayo ang banat ko?" tanong niya. Nagkibit-balikat lang ako at naglakad palayo.
"SA WAKAS!" narinig ko'ng sigaw ni Rainier. Napatawa naman ako sa kanya. Haha. Naka-drugs ata sya eh.
"Sa akin na 'to?" tanong ko kay Rainier. Nakangiti naman siyang tumango sa akin.
"Waaaah! Salamat!" sabi ko sa kanya at niyakap ang tuta na bigay niya.
"Anong pangalan niya?" napa-isip naman ako dun. Ano ba'ng magandang ipangalan sa aso?
"Rainier! ^_____^" nakangiti ko'ng tugon sa kanya. Ngumuso naman siya kaya natawa ako.
"Bee naman. Mukha ba akong aso?" tanong niya habang nakanguso.
"Hindi naman. Pero gusto ko Rainier para kapag nakikita ko ang tuta, ikaw kaagad ang unang papasok sa isip ko. Ayaw mo ba nun?" ngumiti naman siya at niyakap ako.
"Mahal po kita." kinilig naman ako sa sinabi niya. Ano ba 'yan. 'Di nakakasawa pakinggan lalo na kapag sa kanya galing.
Niyaya niya akong pumunta sa parke. Sa parke kasi namin, pwede ka'ng mag-arkila (renta) ng bisikleta kaya nag-arkila kami.
"Hawak ka ng mabuti, Bee. Pero huwag ka'ng mag-alala, kapag nahulog ka nandito ako para saluhin ka." nakangiti niyang sabi sa akin.
"Oo na, sige na. Dami mo'ng alam." sabi ko sa kanya at humawak sa bewang niya. Gusto niya kasing salo kami sa isang bisikleta. Ayaw niya daw kasing mahiwalay sa akin. Ay ewan ko sayo, Rainier.
Kinukunan ko ng litrato ang bawat dadaanan namin. Minsan naman, kumukuha din ako para sa aming dalawa. Pero ngayon ay nakasandal lang ako sa likod niya habang nakayakap sa kanyang bewang. Ang bango naman ni Rainier. Ano kayang pabango ang gamit niya?
Nung natapos na naming ikutin ang buong subdivision, sinauli na namin ang bisikleta pero di kami umalis sa parke. Nanatili lang kami doon at naglaro. Oo, para kaming mga bata. Nakikipaglaro nga kami sa mga bata eh. Tapos ngayon, eto ako, nakaupo sa swing habang siya ay nagtutulak. Nakakatuwa nga eh.
"Isa nga po." sabi ni Rainier sa nagtitinda ng ice cream.
Kinuha ni Rain ang ice cream at nagbayad. Salo naman kami sa isang tsokolateng ice cream na binili niya. Gusto niya daw ng ganito. Ewan ko ba kung bakit sobrang lambing ni Rainier. 'Yan tuloy, nahulog ako sa kanya. Pero wala naman akong pinagsisisihan eh. Sana.
Ang sunod namin na pinuntahan ay dagat. Pumunta lang kami doon pero hindi kami naligo. Wala kasi kaming dalang damit eh. Sayang naman. Gusto ko sanang maligo.
Pinanood lang namin ang alon habang magkahawak ang kamay. Kanina pa magkahawak ang kamay namin. Simula nung kumain kami ng ice cream, ayaw na niya bitawan kamay ko. Ako rin naman eh. Hehe.
Nagulat naman ako ng bigla niya akong hinila at niyakap. Pssssh~ gusto lang pala akong yakapin eh. Ayaw pa'ng sabihin. Kaya ayun, gumanti ako ng yakap sa kanya.
"Ang saya-saya ko ngayon." sabi niya sa akin. Di ko naman naiwasang mapangiti.
"Ako rin naman ah." sabi ko sa kanya. Naramdaman ko naman na mas lalo niyang hinigpitan ang yakap niya sa akin.
"Mahal kita, Zinnia Fienne Ichigawa-Yakuzawa." sabi ni Rainier at hinalikan ang buhok ko.
"Mahal din kita, Rainier." sabi ko naman.
Magkahawak-kamay kaming naglalakad papunta sa sasakyan niya nang may babaeng humarang sa daanan namin. Maganda siya, aminado ako doon.
"Rain..." kilala niya si Rainier? Sabagay, sikat nga pala ang boyfriend ko. Huehue.
"Y-yulia...?"
T-tama ba dinig ko?

BINABASA MO ANG
His Fake Girlfriend (No Ordinary Love)
Teen FictionNOTE: PROJECT KO PO ITO. HAHAHAHAHA. PERO MATAGAL KO NG NASULAT SA NOTEBOOK XDv MARAMING NAGSASABI NA ILAGAY KO 'TO SA WATTPAD KAYA SIGE! ILAGAY! XD PAUNAWA: SHORT LANG PO ITO. YUN LANG. LABYU!