Kabanata #8

80 2 0
                                    

*Kabanata #8*

[ Zinnia's POV ]

 Ilang linggo na rin ang nakakalipas at hindi ko pa rin nasasabi kay Minnie ang nakita ko. Natatakot ako sa magiging reaksyon niya. Natatakot akong masaktan siya dahil kay Stan. Natatakot ako na maulit sa kanya ang nangyari dati sa kanila ni BJ. Nasasaktan kami ni Aileh kapag nakikita naming nasasaktan si Minnie. Siguro hahayaan ko na lang na si Minnie mismo ang makatuklas. Ayokong makisali sa kanila.

 Napapansin ko rin si Aileh na kapag kasama namin si Rainier, umiiwas siya. Bakit kaya? At dahil pinag-usapan na natin si Rainier, ayun. Makulit pa rin. Palangiti kaya di mo maiiwasang mahawa sa ngiti at tawa niya. Yung tawa niya, parang musika sa tenga ko. Ay ano ba yan. Ang corny ko. Pero totoo naman talaga. Tska nagiging malambing na rin siya. Hindi na niya ako inuutusan kapag kami lang dalawa. At napapansin ko, kapag nakikita ko siyang ngumiti, tumawa, tumitig at maglambing, kinikilig ako. At dumodoble na ang tibok ng puso ko. Sa sobrang bilis, baka mahulog na.

 Linggo nga pala ngayon at nagyaya si Rainier ng date. Susunduin niya lang daw ako dito sa bahay. Kaya eto ako ngayon. Nag-aayos.

"Anak, nandito na si Rainier." sabi ni inay sa akin. Bumaba naman ako para puntahan siya.

"Tara?" tanong sa akin ni Rainier habang nakangiti.

"Hmm. Bee, pagupit kaya tayo?" tanong niya sa akin. Nasa tapat kami ng isang sikat na salon dito sa mall nina Rainier.

"Ikaw bahala." sagot ko habang nakangiti. Nginitian niya rin ako at hinawakan ang kamay ko. Hinila naman niya ako papasok.

"Gupitan mo kami tapos kulayan mo buhok namin." sabi ni Rainier. At ayun nga, ginupitan na kami.

"Aanhin naman natin ang salamin sa mata?" tanong ko kay Rainier. Hindi naman sira mata namin ah?

"Basta, Bee. Ako bahala." at ayan  na naman siya sa ngiti niya.

 Pagkatapos naming bumili ng salamin sa mata na walang grado, pumunta kami sa bear hugs. May pinakuha lang siya sa sales lady at nung pagbalik, may dala itong dalawang teddy bear na may damit. Yung isa, kulay rosas ang damit at may nakalagay na 'Princess Rainie'. Yung isa naman ay kulay asul ang damit at may nakalagay na 'Prince Zier'.

"Para saan naman ang dalawang ito?" tanong ko sa kanya. Ngumiti lang siya at niyakap ako.

"Sila ang mga anak natin. Si Rainie at Zier." nakangiti niyang sagot sa akin at hinalikan ako sa noo. Oo na. Kinilig ako sa ginagawa niya sa akin.

 Kinuha namin ang dalawang bear. Dala ko si Rainie habang ang dala naman niya ay si Zier tapos ang kaliwang kamay ko ay nakahawak sa kanang kamay niya kung saan nandoon ang singsing namin. Oo ulit. Kami na ang mukhang mag-asawa.

 Ang sunod namin na pinuntahan ay ang infant section ng department store nila. Ano na naman kaya ang tumatakbo sa utak ng isang 'to?

"Bigyan mo kami ng dalawang crib. Panlalaki at pambabae. Lampin, damit, lahat. Naiintindihan mo ba ako?"

"Opo, Sir Rainier." sabi nung sales lady at umalis.

"Para kanino naman ang mga yun, Rain?" tanong ko sa kanya. Sa pamangkin niya? Sa pinsan? Kanino?

"Sa mga anak natin." nakangiti niyang sagot. Ano ka ba naman Rainier. Ako kinikilig sa iyo eh >/////<

 Kumain lang kami sa karinderya. Oo, nahila ko siya doon. Enjoy naman siya kahit papaano.

 Oo nga pala, nakalimutan kong sabihin sa inyo na hindi na siya takot sa matataas. Niyaya ko ba naman siyang mag-ferris wheel at roller coaster. Hehe ^_____^v

 "Ano, masarap ba?" tanong ko sa kanya habang kumakain siya ng Bicol Express. Simula nung nagluto si Tita Michiko (nanay niya), paborito na niya ito.

"Bee, gusto ko ulit matikman ang luto mo." nakangiting sabi sa akin ni Rainier.

"T-talaga? *O*"

"Oo naman." g-gusto niyang matikman ang luto ko? Waaaaahh!

"Kailan mo gusto?" nakangiti kong tanong sa kanya.

"Hmm. Bukas sa bahay. Pwede?" nakangiting tumango ako sa kanya. Magluluto ako *O* Nung nasa Tagaytay kami, hindi ko siya pinagluto nun. Hindi naman kasi ako marunong kaya bumili na lang ako sa labas. Unang beses kong magluluto bukas. Sana magustuhan niya.

"Tadaa!!!" pinakita ko sa kanya ang adobong manok na niluto ko.

"Err. A-ano 'yan, Bee?"

"Adobong manok." nakangiti kong sagot sa kanya.

"Akala ko dinuguan." ano daw sabi niya? Di ko narinig. Binulong niya kasi.

"Ano yun, Bee?" tanong ko sa kanya. Alangan naman siyang ngumiti sa akin.

"W-wala. Sabi ko mukhang masarap ang luto mo, Bee ^___^" yihee. Masasarapan siya sa luto ko.

 Tinitigan niya muna ang adobo tska bumuntong hininga. Tapos naririnig ko pa siya na bumubulong. Ewan kung bulong ba o dasal.

"Matapos kong kainin ito, sana hindi ako malason. Hindi ko pa nabibigyan ng anak si Zinnia. Huwag naman sana akong mamatay ng maaga. Hindi ko pa kaya." 'yan yung bulong niya pero hindi ko alam kung bakit siya bumubulong at kung ano yun.

 Nakapikit pa niyang sinubo ang adobo. Para ba'ng dahan-dahan niya kung kainin? Ewan ko lang ah? Pero para sa akin, parang ang sakit sa loob niya na kinakain ang adobo. O baka ako lang yun?

"Masarap ba?" tanong ko sa kanya.

"Hindi." diretso niyang sagot. A-ano daw?

"A-ano?"

"H-ha...? Ah! S-sabi ko, hindi. K-kasi sobrang sarap! Oo tama sobrang sarap! Hmm. Ngayon ko lang natikman ang ganito kaasim--- este kasarap na adobo." tila nagningning naman ang mata ko sa sinabi niya sa akin. Ibig sabihin, pasado na ako? Pwede na akong maging chef? Sana pala nag-Cullinary ako hindi Business Ad kung magaling naman pala akong magluto.

"Ahmm. Bee, s-sino ang nagluto ng ulam natin sa Tagaytay?"

"Hmm. Binili ko lang yun eh." nakangiti kong sagot.

"Kaya pala."

"Ano yun?" ngumiti naman siya at umiling.

"CR muna ako Bee ah?" tumango naman ako at patakbo niyang pinunta ang CR. Anong nangyari doon?

 Tinitigan ko naman ang adobong manok at tinikman.

[ Rainier's POV ]

!@#$% lang! Tumagilid ata sikmura ko. Ang sakit naman. Sinasabi ko na nga ba na malalason ako kapag kinain ko yun eh. Pero ayoko namang malungkot siya. Ang saya-saya niya nga nung nalaman niyang magpapaluto ako sa kanya. Ayoko namang lumungkot ang magaganda niyang mata.

 Nagulat ako nung lumapit sa akin si Zinnia. Hinahagod niya ang likod ko at may dala siyang tuwalya at isang basong tubig. Pagtingin ko sa kanya, nakita ko siyang nakayuko habang kagat-kagat niya ang ibabang labi niya. Huwag mo'ng sabihin na---

"Hindi mo na lang sana kinain. Maiintindihan ko naman eh." sabi niya sa akin habang nakayuko. Nung tumingala siya, nakita ko ang lungkot sa mukha niya.

"A-ano ka ba. A-ayos lang yun." sabi ko  sa kanya habang nakangiti. Nagbabakasakali na mawala ang lungkot sa mukha niya. Pero wala. Mas lalong lumungkot ang mukha niya.

"Pasensya ka na ah?" sabi niya at lumabas.

His Fake Girlfriend (No Ordinary Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon