Kabanata #17

74 2 0
                                    

*Kabanata #17*

[ Minnie's POV ]

"Aileh?" hinanap ko si Aileh. Wala kasi siya paggising ko. Asan na 'yun?

 Bumaba na ako at nagulat ako ng may nakaupo sa sala.

"M-minnie..." nagulat ako nang si Stan iyon.

"A-anong ginagawa mo dito?"

[ Stan's POV ]

 Nasasaktan pa rin ako sa nangyari. Hindi ko matanggap ang lahat. Alam ko'ng mali ang ginawa ko pero wala. Nadala ako ng galit ko. Dapat pala, pinagpaliwanag ko si Minnie.

 Bumalik ako sa likod ng building. Nagbabakasakali na nandoon siya. Pero imbes na si Minnie ang makita ko, si Gino.

"Akala ko si Minnie ang paniniwalaan mo." nagulat ako sa sinabi ni Gino. Ano ba'ng alam niya?

"Hindi ko ginalaw si Minnie. Hindi ko iyon tinuloy. Yung nakita mo sa announcement board? In-edit ko lang yun. Hindi halata diba? Magaling kasi ako." sabi niya sabay ngisi. Kahit gusto ko na siyang bugbugin, hinayaan ko na lang siyang magsalita. "Pero alam mo ba kung bakit ko ipinaskil sa board iyon? Hindi para siraan si Minnie. Kundi para matingnan ko kung may tiwala ka sa kanya na hindi niya magagawa iyon. Nagkamali ako. Maling-mali." inaamin ko'ng natamaan ako sa sinabi niya. Tama nga siya, parang wala akong tiwala kay Minnie.

"Ngayon? Paniguradong umiiyak si Minnie habang iniisip niya na may nangyari sa amin. Hanapin mo siya. Paki sabi na rin na kaya masakit katawan niya kasi may trangkaso siya. Kung bakit wala siyang saplot? Pinatanggal ko iyon kay Eris para akalain niyang nagahasa nga siya. Eh di mas maganda ang palabas diba?" sabi niya na ngiting-ngiti. Kakaiba takbo ng utak ng isang 'to =_______=

 Umiiyak na si Minnie sa braso ko. Kinuwento ko sa kanya ang buong pangyayari at napag-alaman namin na si Amber ang puno't-dulo ng lahat ng ito. Hindi na muna namin inisip si Amber. Ang mahalaga ay maayos na kami ngayon.

"Paano mo nga pala nalaman na nandito ako?" napakamot ako kilay ko sa tanong ni Minnie.

"Kay Drake." sagot ko. Oo, sinabi niya sa akin para daw maayos namin ni Minnie ang kung anumang gulo na iyon.

"Kuya Drake talaga. Tss." napatawa na lang ako kay Minnie at niyakap siya. Mahal ko talaga ang babaeng ito.

[ Zara's POV ]

 Kasalukuyan ko'ng hinahanap si Maikee. Ang sabi kasi ni Zinnia ay pumapayag na daw siyang iwan si Rainier para sa akin. Alam ko'ng makasarili akong desisyon ko pero mahal ko talaga si Maikee. Tama na ang walong taon na paghihintay.

 Nahanap ko na si Maikee na nakaupo sa bleachers. Lumapit naman ako sa kanya na ngiting-ngiti.

"M-maikee..." tawag ko sa kanya. Bagkus, tiningnan niya lang ako.

"Ikaw ang pinili ko." nakangiti ko'ng sabi sa kanya. Hinihintay ko ang reaksyon nya pero wala. Nakatingin lang siya sa akin.

"Huli ka na Zara. Mahal ko na si Roselyn." nakatingin siya sa mata ko habang sinasabi ang mga salitang iyon. Hindi ko namalayan na tumulo ang luha sa mata ko. Naiinis ako sa sarili ko. Naiinis ako dahil nasayang lang ang walong taon na pagmamahal ko sa kanya. Naiinis ako dahil sinakripisyo ng kapatid ko ang kaligayahan niya para sa wala.

"B-bakit?" ayan lang ang tanging salita na lumabas sa bibig ko. Sa dinami-rami ng tanong na bumabagabag sa utak ko, ayan lang ang kaya ko'ng itanong sa kanya.

"Zara, pagod na ako. Pagod na akong mahalin ka."

"Ganun? Eh ako? Maikee walong taon akong nagmamahal sa'yo ng patago. Tapos ano? Napagod ba ako? Hindi. Ni minsan hindi sumagi sa isip ko ang salitang pagod. Tapos ikaw ganun-ganun lang?" napasinghap ako sa nangyayari ngayon, "isinakripisyo ko pa kaligayahan ng kapatid ko para sayo. Tapos ito lang pala mapapala ko?"

"Nagsisisi ka? Sige, bawiin mo ang sinabi mo kay Zinnia." walang gana niyang sabi sa akin. Napailing na lang ako at umalis. Ang sakit lang. Sobrang sakit.

 Sa paglalakad ko, nakasalubong ko si Rence. Buti pa siya, di umaalis sa tabi ko.

"Siya na naman ba?" tanong niya sa akin. Tumango lang ako. Narinig ko siyang nagbuntong-hininga.

"Halika nga." hinila niya ako at niyakap. Sana pala si Rence na lang ang minahal ko. Kaso hindi pwede eh. Hinding-hindi.

"Sana ikaw na lang ang minahal ko." sabi ko sa kanya. Tinawanan naman niya ako.

"Eh di sana ikaw na lang ang ampon hindi si Zinnia para maging tayo." nakangiting sabi niya sa akin. Hinampas ko naman siya sa balikat.

"Pasalamat ka, pinsan kita." sabi ko sa kanya. Tumawa naman siya at niyakap ako ulit.

 Zinnia...

 Hindi pa kami handa na ibigay ka kina Ji Eun. Hindi pa.

[ Aileh's POV ]

"Kamusta ka na, Lee?" tanong sa akin ni Ji Eun.

"Ayos lang." naiilang ko na sagot.

"Asan si Zinnia?" alam ko naman na hahanapin niya ang kapatid niya eh.

 Aaminin ko na. Oo, ampon si Zinnia ng mga Ichigawa. May nangyari kasi na insidente at nawala si Zinnia noong bata pa lamang siya. At ang nakakakita ay si Tita Sakura (ina ni Ate Zara). Hindi nila alam na si Zinnia ay isang Jung. Zinnia talaga ang totoo niyang pangalan. Sinunod lang nila ang pangalan na nasa kwintas ni Zinnia. Sila na ang nagdagdag ng Fienne. Alam ito ni Zinnia. Nung una ay hindi niya matanggap kaya umalis siya. Ang alam namin ay pumunta siya kay Franzen --- na kanyang unang kasintahan --- pero nagulat siya ng hinalikan ni Franzen si Ji Eun. Doon niya nalaman na mahal ni Franzen si Ji Eun pero walang gusto si Ji Eun kay Franzen at alam niyang nobyo iyon ni Zinnia. Nasaktan si Zinnia sa nangyari kaya tumakbo siya palayo. At doon, nabangga siya ng trak. Dalawang buwan na-coma si Zinnia nun. At napag-alaman na nagka-amnesia siya kaya grabe ang galit ni Ate Zara kay Franzen. Kaya niya hindi pinapansin si Zinnia ay dahil nagagalit siya sa sarili niya kung bakit hindi niya natulungan si Zinnia. Wala naman siyang kasalanan eh. Sadyang tagilid lang utak ni Ate Zara.

"N-nasa eskwelahan." nakayuko kong sagot.

"Hindi niyo sana siya hinayaang pumasok." napatingin ako kay Ji Eun na nakatingin lang sa malayo, "nasa Ichigawa University si Franzen ngayon. Nandoon siya nung nalaman niyang doon nag-aaral si Zinnia." napatayo ako sa narinig. Hindi. Hindi pwede.

"Puntahan mo na siya." sabi ni Ji Eun. Kumaripas naman ako ng takbo papunta sa bahay at nadatnan ko si Minnie na kayakap si Stan. Nagulat ako pero wala akong panahon sa kanila. Ang importante ngayon ay si Zinnia.

"Minnie, nasa Ichigawa University si Franzen." sabi ko. Napatayo naman bigla si Minnie.

"ANO?!"

His Fake Girlfriend (No Ordinary Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon