Kabanata #5

102 2 0
                                    

*Kabanata #5*

[ Zinnia's POV ]

"Ahmm. A-ano, R-rainier. Mm. K-kain na." sabi ko kay Rainier pagkapasok ko sa kwarto niya.

"S-sige."

 Alam ko'ng nagtataka kayo kung nasaan ako. Pwes, nandito lang ako sa bahay-bakasyunan nila sa Tagaytay. Malayo diba? Paano ba naman, kinidnap niya ako. Kung ano ang buong pangyayari? Ito kasi 'yun.

**kanina

 Iniwan ako ni Kuya Maikee na nagtataka. Eh sa hindi ko maintindihan kung ano ang pinagsasabi niya. Sorry naman.

"Kanina pa kita hinahanap. Nandito ka lang pala." at ito na naman po ako. Nagulat sa presensya ng magiting na Rainier Yakuzawa.

"Ano na naman ba ang kailangan mo sa akin?" pagsusungit ko sa kanya. Kahit ayokong magsungit, di ko maiwasan. Nakakainis kasi siya eh. Masisisi niyo ba ako?

"Sungit mo naman, girlfriend. Haha. Ay, Bee pala." sabi niya sabay ngiti. Err. Nakakailang. Nakakakilabot kasi ngiti niya eh.

"Ewan ko sayo." sabi ko sa kanya at nagsimula ng maglakad palayo. Uuwi na ako. Baka umuwi na ang dalawa eh. Ang daya, iniwan ako.

"At talagang inuubos mo ang pasensya ko?" napalunok ako ng wala sa oras. Kahit di ko siya tinitingnan, alam ko'ng galit na siya. Sa tono pa lang ng pananalita niya eh. Naku naman. Pero hindi. Hindi ako papatinag.

"Alin ba sa salitang ayoko ang hindi mo maintindihan?" tanong ko sa kanya ng di lumilingon. Eh sa natatakot akong harapin siya. Baka mautal ako. Patay tayo dyan >___<

"Sa ayaw at sa gusto mo, susundin mo ako. Baka nakakalimutan mo'ng ako ang amo mo lalo nang tayo lang dalawa." hindi ko naman yun nakalimutan eh >__< natatakot lang talaga ako. Tska di naman ako pumayag doon sa magiging alipin niya ako diba?

"Sabi ng ayo---KOOOOOOOO!!!!" SINO BA NAMAN ANG DI MAPAPASIGAW KUNG BUHATIN KA AKALA MO NAGBUBUHAT LANG NG SAKO! OO TAMA KAYO NG BASA. BINUHAT LANG NAMAN PO AKO NI RAINIER!

"Ano ba Rainier! Bitawan mo nga ako!" pinaghahampas ko ang likod niya pero wa epek pa rin sa kanya. Ano ba naman ang lalakeng ito.

 Sapilitan niya akong pinasok sa kotse niya. Masyadong mabilis ang pangyayari. Ang alam ko lang, nasa daan na kami. Ano ba yan. Saan ba ako dadalhin ni Rainier? Kidnapping ito diba?

"Isusumbong kita sa pulis! Kidnapping ata ito baka nakakalimutan mo, Rainier!" bulyaw ko sa kanya kahit alam ko'ng di niya ako pakikinggan.

"Magsumbong ka. Anong gusto mo, idaan kita sa istasyon ng mga pulis?" nag-init ang ulo ko sa sinabi niya. At talaga namang hindi siya natinag doon? Anong klaseng tao ito? O kung tao ba talaga ito? Elyen ata ito eh. Teka, ang gwapo naman atang elyen ni Rainier? Saan ba siyang planeta galing? Baka makahanap ako ng gwapo. Hohoho.

 Dahil di ko na kaya ang pambabara sa akin ng lalakeng ito, pinili ko na lang na manahimik. Teka, malayo na pala ang narating namin, di ko pa natatanong sa kanya kung saan kami pupunta.

"Oy lalake. Saan mo ba ako dadalhin?" tanong ko sa kanya para mabasag ang katahimikan. Hindi kasi ako sanay. Alam niyo naman, mga kasama ko maiingay sa pangunguna ni Minnie na wala ng ibang binanggit kundi ang pangalan ni Stan. Sa bahay naman, sina inay at itay ang maiingay. Oo, alam ko. Ganyan katahimik ang buhay ko.

"Tagaytay." haba ng sagot mo, dre. Bilib ako eh. Pramis.

 Nanahimik na lang ako. Ulit. Nakakawalang gana kausap ang isang 'to eh.

[ Rainier's POV ]

"Hoy payat. Gumising ka na." panggigising ko sa kanya. Aba naman. Ako na ang amo, ako pa ang taga-gising niya.

"Ayaw mo'ng magising ah." kinuha ko ang tubig ko at akmang bubuhusan siya.

"OO NA. ITO NA NGA OH. GISING NA!" sigaw niya at nagmamadaling bumaba. Kikilos din pala eh. Kailangan pa'ng tinatakot.

 Pagbaba ko ng kotse, nakita ko siyang nakatingin sa palibot habang nakangiti.

"Nagustuhan mo ba?" tanong ko sa kanya. Parang wala sa sarili naman siyang tumango. Halata sa mata niya na namangha sa paligid. Siyempre, pinabili ko ang lugar na ito sa mga magulang ko. Maipapangalan lang ang lupain na ito sa akin kapag 21 na ang edad ko. Eh 20 pa ako. Sa susunod na taon na maipapangalan sa akin itong bahay.

 Siguro nagtataka kayo kung bakit ko siya dinala sa bahay-bakasyunan ko noh?

"Bakit nga ba tayo nandito, Rainier?" tanong niya sa akin.

"Hmm. Dahil di ka pumayag sa date natin, paparusahan kita."

@______@        <----- mukha niya

"Lilinisin mo ang BUONG BAHAY NA ITO." ako sabay ngisi. Ang sama ko ba? Haha. Alam ko. At nasisiyahan ako sa ginagawa ko.

"ANO?!" gulat na gulat siya sa sinabi ko. Pasensya siya. Bakit niya inayawan ang date na gusto ko. Wala akong magawa eh. Kaya gusto ko siyang pahirapan.

"Gawin mo na ang pinapagawa ko. Kung hindi, hindi ka makakauwi. Pasensya ka." ako sabay ngisi ulit. Pero ang ngisi na ito ay nakakaloko. Haha.

 Halatang naiinis na siya pero wala siyang nagawa kundi ang maglinis.

"Oh ito ang pinapahanap mo. !@#$% alam na may ginagawa ako, utos ng utos." sabi niya sabay tapon sa akin ng pamunas sa mukha.

"Nagrereklamo ka?" pang-aasar ko na tanong sa kanya. Ngumiti naman siya ng sarkastiko sa akin.

"Ah hindi. Nasisiyahan ako sa pinag-gagawa mo sa akin. Leche matilaukan ka sanang kumag ka." sagot niya sa akin sabay irap at labas ng kwarto ko. Haha. Kaya ang sarap asarin eh. Nakakatuwa ang ekspresyon niya.

 Bumaba na ako dahil alam kong natapos na niyang linisin ang buong bahay. Nakatulog kasi ako tska 7:30 na rin ng gabi. Malamang, tapos na 'yun.

 Pagbaba ko, naabutan ko siyang nakaupo sa sahig habang nakasandal sa sopa. Nakabukas pa ang bibig. Oo, natutulog siya kahit na hawak pa niya ang walis tambo.

 Umupo ako sa tabi niya at pinagmasdan siya ng malapitan.

 Ewan ko kung ano ang nag-udyok sa akin na gawin iyon pero nakita ko na lang ang sarili ko na nakapikit habang palapit ang mukha ko sa kanya. At ang sunod na nangyari? Nagdampi ang labi namin. Kainis kasi ang labi niya. Masyadong mapang-akit. Di ko tuloy napigilan ang sarili ko. Tsk.

 Nung bumitaw na ako sa halik, nanlaki ang mata ko. Sobrang nanlaki. Dahil di ko inaasahan na nagising siya at nanlalaki din ang mata gaya ko. Anong gagawin ko? Eottokhae? Eottokhae? (Anong gagawin ko? Anong gagawin ko?) >______<

*dub.dub.dub.dub.dub.dub*

 B-bakit ang bilis? A-ah wala 'to. Bumilis lang ang tibok nito dahil ninenerbyos ako. Oo, tama. Teka, bakit naman ako ninerbyosin?

**ngayon [ Zinnia's POV ]

 Kumakain na siya sa hapagkainan at ako naman ay nasa CR. Asan ako pupunta? Sa sala? Eh maaalala ko lang ang pangyayari kanina. Unang beses ko yun. Malamang sa alamang, maiilang ako. Pero uyy ah. Malambot 'yun. Haha. De, biro lang. Kayo naman.

 Lumabas na ako at nagulat ako dahil nasa tapat siya ng pintuan ng CR >_____< ano na naman ang kailangan nito?

"Ahmm. A-ano, k-kumain ka na. B-bukas ka na lang u-umuwi. G-gabi na rin. S-sa bakanteng kwarto k-ka na lang m-matulog. S-sige." sabi niya at nagmamadaling umalis. Ewan ko pero napangiti ako. Hehe. Nahahawa na ako sa pagiging baliw ni Minnie.

His Fake Girlfriend (No Ordinary Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon