*Kabanata #6*
[ Zinnia's POV ]
"Asan ka galing kahapon?" tanong ko kay Aileh pagkapasok ko sa silid-aralan. Siya kasi ang nauna sa amin.
"Diba sabi ko sa inyo ni Minnie, pupunta ako sa canteen?" sabi ni Aileh. Sinabi niya 'yun? Ba't di ko narinig? Ay ano ba yan.
"Weh?"
"Oo nga. Ang kulit din ng lahi nyo---" di na natuloy ni Aileh ang sasabihin niya dahil pareho kaming nakanganga. Paano ba naman, pumasok si Minnie at Stan NA MAGKAHAWAK-KAMAY. Totoo ba ang nakikita namin?
"Hi!" nakangiting bati sa amin ni Minnie pagkalapit niya.
Di pa rin kami makapaniwala ni Aileh. Anong nangyari? Bakit magkahawak-kamay sila? Sila na ba? Kailan lang? Bakit di namin alam? Ang daming tanong sa utak ko pero di ko matanong dahil gulat na gulat pa rin ako sa pangyayari.
"Oy, anyare sa inyo?" tanong ni Minnie sa amin.
"K-kayo na?" sabay na tanong namin ni Aileh. Namumula namang tumango si Minnie.
Magsasalita pa sana ako nang nagbukas ang pintuan. At, alam na. Tilian na naman ang mga babae. Pero di na kasama si Minnie dahil, 'yun nga. Sila na ni Stan. At si Aileh ay di rin dahil halatang gulat sa mga pangyayari.
"Kamusta, Bee?" at eto na naman po tayo sa mapang-asar na ngiti ni Rainier. T-teka, di na siya affected sa nangyari kagabi?
AT BAKIT, ZINNIA? AFFECTED KA?
Di ko na lang siya pinansin dahil di ko pa rin makalimutan ang ginawa niya sa akin kahapon. H-HINDI YUNG NANGYARI SA SALA AH?
"Galit ka pa rin ba, Bee, dahil sa nangyari kagabi?" at eto po ulit ang kanyang simangot. Teka, anong nangyari kagabi pinagsasabi nito?
Hindi ko pa rin siya pinapansin. Eh sa ayaw ko eh. Basta ayoko.
"Ano ka ba naman, Bee. Normal na sa mag-syota ang maghalikan. Huwag ka ng magtampo oh."
"YIIIIIIIIEEEEEE!!!!!" bigla akong namula sa sinabi niya. Tae siya. Pinaalala niya pa ang nangyari kagabi. Kainis talaga siya kahit kailan.
"H-hindi kaya! L-lumayo ka nga s-sa akin! L-layo!" pagtataboy ko sa kanya. Kainis naman oh -//////-
"Ikaw talaga, Bee." sabi niya sa akin sabay akbay. Ugh. Pasikat talaga ang lalakeng ito.
"Saan mo ba gustong magdate?" tanong sa akin ni Rainier. Oo, ako ang nagyaya. Babawi ako sa ginawa niya sa akin kahapon. Napag-alaman ko na takot siya sa matataas. Kaya, dito ko siya dinala.
"Amusement Park?" di makapaniwala niyang tanong sa akin.
"Oo ^____^" ngiting-ngiti ko'ng sagot sa kanya. HAH! Tingnan natin kung hanggang saan ka dadalhin na katapangan mo'ng kumag ka. Lintek lang ang walang ganti. BWAHAHAHAHAHAHAHAHA >:D
"Kuha mo ako nun, Bee!" sabi ko sa kanya sabay turo sa may baril-baril. Yung kapag nanalo ka, makakakuha ka ng teddy bear (^^,)
Oo nga pala. Bilang kapalit daw sa pagpayag niya sa date namin, tatawagin ko daw siyang Bee. Ang daming arte sa katawan ng lalakeng ito =_____=
"Tss. Kahit kompanya pa ng teddy bear, ibibili ko sayo. Tara na nga. Nag-aaksaya lang tayo ng oras dyan." sabi niya at tinalikuran ako. Ayaw mo ah.
"*sniff *sniff" -ako. HAHAHAHAHA.
Napansin niya ata na di ako sumusunod kaya lumingon siya. Nilakasan ko pa ang pag-iyak ko 'kuno'. HAHAHA. Magaling kaya akong magdrama. Ako pa ;D
BINABASA MO ANG
His Fake Girlfriend (No Ordinary Love)
Teen FictionNOTE: PROJECT KO PO ITO. HAHAHAHAHA. PERO MATAGAL KO NG NASULAT SA NOTEBOOK XDv MARAMING NAGSASABI NA ILAGAY KO 'TO SA WATTPAD KAYA SIGE! ILAGAY! XD PAUNAWA: SHORT LANG PO ITO. YUN LANG. LABYU!