*Kabanata #16*
[ Zinnia's POV ]
Yakap-yakap namin ni Aileh si Minnie ngayon. Nasasaktan kami sa nangyayari sa kanya. Hindi namin inakala na kayang gawin iyon ni Gino. Nagbago na siya. Hindi na siya ang Gino na minahal ko dati.
Nagagalit din kami kay Stan. Siguro nga nabigla siya sa nangyari pero sana naman hinayaan niyang magpaliwanag si Minnie diba? Akala ko ba mahal niya ang kaibigan ko? Pero bakit hindi niya ito kayang paniwalaan? Ganun ba kababa tingin ni Stan kay Minnie?
Hindi muna namin pinapasok si Minnie. Masyado pa'ng sariwa sa kanya ang nangyari. Masyado na siyang nasasaktan sa nangyayari.
Nandito kami sa bahay-bakasyunan nina Aileh sa Batangas. Sinadya talaga naming ilayo si Minnie sa Maynila. Simula nung lumapit siya sa amin hanggang ngayon ay umiiyak pa rin siya. Kahit sino naman siguro diba?
Hindi pa alam ng mga magulang ni Minnie ang nangyari. Lalo na kay Kuya Drake. Pero alam namin na alam na niya ang nangyari at paniguradong binubugbog na niya si Gino ngayon.
"Naaawa ako kay Minnie." sabi sa akin ni Aileh. Tama siya. Hindi madali ang nangyari sa kanya. Masyadong mahirap yun sa parte niya lalo na't naging kaibigan niya ang gumawa nun.
"Kamusta ka na, Lee?" tanong ko sa kanya. Halata namang hindi niya inaasahan ang tanong ko.
"Ayos lang naman. Ikaw?" nakangiti niyang sagot sa akin. Pero alam ko'ng peke iyon.
"Ayos lang? Kayo ni Ren?" nanlaki ang mata niya sa tanong ko. Oo, alam ko na mahal ni Aileh si Ren. Sinabi sa akin ni BJ. Madaldal kasi 'yun. 'Kala niyo ba?
"A-ano namang tanong 'yan, Zinnia." sabi niya sa akin at umiwas ng tingin.
"Pasensya ka na ah? Nang dahil sa akin, nasasaktan ka." sabi ko sa kanya. Napatingin naman siya sa akin.
"Hindi mo naman kasalanan kung minahal ko si Ren." sabi niya sa akin at binigyan ako ng matamlay ng ngiti. Ang ganda nga naman ng buhay diba? Kaming tatlo ay parehong nasasaktan.
**kahapon
Nandito na ako sa kwarto ko. Nagulat ako ng may kumatok. Binuksan ko iyon at laking gulat na si Ate Zara iyon.
"A-ate?" ngumiti siya ng mapait sa akin.
"Mahal ko si Maikee. Pero ngayon, ewan ko lang kung mahal niya pa ako. Hindi naman kasi pwedeng maging kami dahil kayo ni Rainier. Bawal yun diba?" kahit naguguluhan ako kung bakit nakikipag-usap sa akin si ate, pinabayaan ko na lang iyon.
Nagulat ako nung umiyak siya at hinawakan ang kamay ko.
"Zinnia, alam ko'ng mailap ako sa iyo. Pero gusto ko'ng sabihin sa iyo na mahal kita. Mahal na mahal. Sa totoo lang, boto ako kay Rainier para sayo," kahit hindi ko alam ang gustong sabihin ni Ate Zara, bigla na lang tumulo ang luha ko at pakiramdam ko ay unti-unting nadudurog ang puso ko, "ilang taon ang hinintay ko. Ilang taon ko'ng minahal ng patago si Maikee. Alam ko'ng mali ito pero Zinnia, gusto ko maging masaya. Hinayaan ko na maging kayo ni Rainier. Ngayon Zinnia, humihingi ako ng pabor sa'yo. Pwede ako na naman? Pwede ba'ng ako na naman ang sumaya?" natigilan ako sa tanong ni Ate Zara. Hinihiling niya ba na hiwalayan ko si Rainier?
"A-ate..." umiiyak na si Ate Zara sa harapan ko. At nagulat ako nung lumuhod siya sa akin.
"Zinnia, parang-awa mo na..." hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Hindi ko alam kung ano ang pipiliin ko. Si Rainier na mahal ko ng totoo? O si Ate Zara na walong taon ng nagmamahal kay Kuya Maikee ng patago?
**ngayon
Hanggang ngayon, hindi ko pa alam kung ano ang desisyon ko. Ano nga ba?
"Aileh..."
BINABASA MO ANG
His Fake Girlfriend (No Ordinary Love)
Teen FictionNOTE: PROJECT KO PO ITO. HAHAHAHAHA. PERO MATAGAL KO NG NASULAT SA NOTEBOOK XDv MARAMING NAGSASABI NA ILAGAY KO 'TO SA WATTPAD KAYA SIGE! ILAGAY! XD PAUNAWA: SHORT LANG PO ITO. YUN LANG. LABYU!