*Kabanata #11*
[ Minnie's POV ]
Ilang buwan na rin ang nakalipas simula nung nag-away kami ni Stan. Siguro, hiwalay na nga kami. Napabuntong-hininga ako sa iniisip ko. Siguro nga. Ganun naman talaga ako kay Stan eh. Babae lang.
Naglalakad-lakad ako ng makasalubong ko si Gino.
"Minnie, ba't nag-iisa ka?" tanong niya sa akin.
"Masyado na kasing malambing sa isa't-isa sina Rainier at Zinnia eh. Sina Aileh at Ren naman ay madalas ng magkasama." nakangiti kong sagot sa kanya.
"Samahan na kita?" ngumiti lang ako at tumango.
Habang naglalakad kami, nagulat ako nang may tumulak kay Gino.
"Sino ka sa inaakala mo para solohin ang girlfriend ko?" di ako makapaniwala sa inasal ni Stan. Sa tingin niya ba, madadala na niya ako sa mga ganyan niya? Pwes nagkakamali siya. Lalo na ngayon na unti-unti ng nawawala ang nararamdaman ko para sa kanya.
"Bakit ba? Ano naman ngayon kung kasama ko si Minnie? Eh diba iniwan mo na siya sa ere dahil kay Amber?" sabi ni Gino. Natigilan naman si Stan.
"Wala ka'ng alam. Manahimik ka na lang. Walang kwenta."
"Ako? Sinasabihan mo'ng walang kwenta? Eh ikaw nga, pinagmamasdam mo lang na inaaway ni Amber si Minnie. Gawain ba 'yun ng isang boyfriend? Sino sa atin ngayon ang walang kwenta? Sabagay, ano naman ang alam mo sa pagiging isang mabuting boyfriend? Eh diba laruan lang sila sayo?" bigla na lang sinuntok ni Stan si Gino. Pumagitna na ako para pigilan ang away nila.
"Tumigil ka na nga, Stan!"
[ Stan's POV ]
"Tumigil ka na nga, Stan!" nagulat ako sa sigaw ni Minnie. Nung tinitigan ko siya sa mata, kung dati ay punong-puno ito ng pagmamahal, ngayon ay wala na. Para ba'ng wala na siyang nararamdaman sa akin. Iisipin ko lang na wala na siyang pakialam sa akin. Na hindi na niya ako mahal, ang sakit.
Nung mga panahon na hindi ko nakasama si Minnie, inaamin ko nalungkot ako nun. Madalas ko siyang hinahanap. At kung dati na sila ni Zinnia at Aileh ang sumusunod sa akin, ngayon ay ako na naman ang sumusunod sa kanya. Oo, matagal ko ng alam na sinusundan nila ako. Pero ngayon, hinahanap ko ang presensya niya. Ang magaganda niyang mata na kapag tumingin sa akin, sinasabi na ako lang ang mahal niya. Oo, mahal ko na siya. Mahal ko na si Minnie. Pero mukhang huli na ang lahat. Dahil ngayon, wala na siyang nararamdaman sa akin. Pero hindi ako susuko. Sisiguraduhin ko'ng mamahalin niya ulit ako.
"M-minnie.. M-mag-usap tayo. Aayusin natin ito." sabi ko sa kanya at akmang kukunin ko ang kamay niya pero tinulak niya lang ako.
"Ano pa ba ang pag-uusapan natin, Stan? Na hindi mo na uulitin? Na seryoso ka sa akin? Na mahal mo ako? Tama na, Stan. Nakakapagod na. Nakakasawa na. At ngayon, salamat at pinamukha mo sa akin kung gaano ako kat*nga para mahalin ka." para akong binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi niya. Hindi. Hindi ako papayag.
"A-ayoko. Hindi ako papayag. Ayokong mawala ka sa akin, Min." sabi ko sa kanya habang yakap-yakap siya ng mahigpit. Kahit pinipilit niyang kumalas sa yakap ko, mas lalo ko'ng hinihigpitan. Wala akong pakialam kung maraming nakatingin.
"Tigilan mo na ito, Stan." sabi niya pero parang bata lang akong umiling. Ayoko. Di ako papayag.
"Parang awa mo na, Stan. Maghiwalay na tayo." ayoko. Hindi ako papayag.
Kahit na mukha akong bakla o bata, wala akong pakialam. Umiiling lang ako sa kanya. Ayoko siyang mawala. Natatakot ako. Mahal ko si Minnie. Hindi ko kaya na pakawalan siya.
"Babawi ako, Minnie. Pinapangako ko." sabi ko sa kanya at hindi pa rin bumibitaw sa yakap.
[ Minnie's POV ]
Napapikit na lang ako. Sige, tawagin niyo na akong martir. Pero ngayon, parang biglang bumalik ang pagmamahal ko sa kanya. At ngayon, may tumutulak sa akin na bigyan siya ng isa pa'ng pagkakataon. Siguro naman, hindi na ito mauulit hindi ba? Nararamdaman ko na natatakot talaga siyang mawala ako. Ngayon, nararamdaman ko na pinapahalagahan niya ako.
"Gusto mo'ng maniwala ako sayo? Sige, patunayan mo sa akin." sabi ko sa kanya. Halatang nagulat siya sa sinabi ko pero isinantabi na niya iyon at agad na ngumiti. Ngiting naging dahilan kung bakit ko siya minahal.
Hinila ko palayo si Gino. Gagamutin ko pa ang sugat niya. Mukhang napuruhan si Gino sa suntok ni Stan eh.
BINABASA MO ANG
His Fake Girlfriend (No Ordinary Love)
Genç KurguNOTE: PROJECT KO PO ITO. HAHAHAHAHA. PERO MATAGAL KO NG NASULAT SA NOTEBOOK XDv MARAMING NAGSASABI NA ILAGAY KO 'TO SA WATTPAD KAYA SIGE! ILAGAY! XD PAUNAWA: SHORT LANG PO ITO. YUN LANG. LABYU!