Kabanata #2

125 2 0
                                    

*Kabanata #2*

[ Zinnia's POV ]

"A-ano?" di ako makapaniwala. Anong girlfriend? Eh ngayon nga lang kami nagkakilala eh. Naka-shabu ba 'to?

"Narinig mo ko diba? Sabi ko, girlfriend kita." nakangisi niyang sabi sa akin.

"P-paano? Ngayon nga lang kita nakita eh." sabi ko. Talaga. O baka naman niloloko lang ako nito? Oo, tama ka, Zinnia. Ang talino mo. Niloloko ka lang niya. Imposible namang maging girlfriend ka niya diba?

"Mamayang labasan. 4:30 PM sa likod ng HRM Building. Magkita tayo. Huwag ka'ng magkakamaling tumakas." sabi niya sabay tayo. At doon ko lang nalaman na tapos na pala ang klase.

"Bakit di ka makakasama sa amin?" intriga ni Aileh sa akin.

"Masama kasi pakiramdam ko. Pasensya na ah? Sa susunod na lang. Babawi ako." sabi ko sa kanilang dalawa. Buti pumayag sila kaya umalis na ako at pumunta sa likod ng HRM Building. Ano ba yan. Nakapag-sinungaling ako ng wala sa oras sa kanila. Ano ba kasi kailangan sa akin ng Rainier na yun? Ipipilit na naman ba niya na girlfriend niya ako? Ano?

 Nandito na ako sa likod ng building. Asan na ba yun? Kapag ito nalaman ko'ng biro lang, sasapakin ko ang lalakeng yun. Wala akong pakialam kahit gwapo pa siya. Makakatikim talaga siya sa akin.

"Akala ko di ka pupunta." halos mapatalon ako sa gulat dahil sa biglaang pagsulpot ni Rainier. Ano ba naman ang lalakeng 'to. Aatakihin ako sa puso dito eh.

"Ano ba'ng kailangan mo?" diretso ko'ng tanong sa kanya. Ayoko nang iliguy-ligoy pa ang usapang ito.

"Magiging girlfriend kita sa ayaw at sa gusto mo." napangiwe ako sa kanya. Ano daw? Pinagsasabi nito?

"Yung totoo," sabi ko, "naka-drugs ka ba?"

 Bigla siyang tumawa sa tanong ko. Anong nakakatawa? Wala naman diba? O baka naman nababaliw na ang lalakeng 'to. Naku delikado 'to.

"Hindi ako naka-drugs. Basta sakyan mo na lang ako."

"Ano ka, sasakyan para sakyan ko?" sarkastiko ko'ng tanong sa kanya. Bigla naman niya akong tiningnan ng seryoso kaya napa-atras ako. Nakakatakot kasi >___<

"Tatawa na?" AY, BASAG AKO DUN!

"Ah ewan ko sayo! Uuwi na ako! Walang kwentang usapan ito." sabi ko at akmang tatalikod na nang nagsalita siya.

"Kailangan kita para bumalik siya sa akin. Sa ibang salita. Magiging girlfriend kita. Pero magpapanggap ka lang. Pero kapag tayong dalawa lang, pagsisilbihan mo ako."

"Ano ka, sinuswerte?!" kapal ng mukha ng lalakeng 'to. Anong pagsisilbihan?

"Pumayag ka na lang." sabi niya. Ayoko!

"Ayoko nga!"

"Huwag ka ng makulit, Niña. Girlfriend na sabi kita."

"Neknek mo!" sigaw ko sa kanya sabay takbo. Bahala siya! Kahit gwapo siya di ako papayag noh! Kahit kamukha pa niya ang labs ko na si Kim Bum!

 Takbo pa rin ako ng takbo. Ewan ko kung bakit ayokong tumigil. Bakit kaya noh? XD

"Ay tae!" dahil sa kakatakbo ko, nadapa ako. !@#$% na bato yan! Paharang-harang eh!

"Miss, ok ka lang?" tanong nung lalake. Di ko pa nakikita yung mukha niya dahil nakayuko pa rin ako.

"Sa tingin mo?"

"Hindi."

"Alam mo pala eh. Ba't ka pa nagtatanong?" pambabara ko sa kanya. Dahil nabara ako ni Rainier, siya ang paglalabasan ko ng galit. Pasensya siya.

His Fake Girlfriend (No Ordinary Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon