Kabanata #9

95 2 0
                                    

*Kabanata #9*

[ Zara's POV ]

"Uyy, mahal niya rin daw ako." simula nung sinabi ko sa kanya na mahal ko siya, di na niya ako tinigilan sa pang-aasar. Mas lalo niya pa akong inaasar. Haay.

"Ewan ko sayo." sabi ko at naglakad palayo.

"MAHAL DAW AKO NI ZARA JADE ICHIGAWA!" sigaw niya. Talaga namang--- Kitang nasa hallway kami.

 Napailing na lang ako sa ginawa niya. Haay naku, Maikee. Kung alam mo lang talaga.

 Habang naglalakad ako, may nakita akong babae na matangkad. Nakatalikod at may kahalikang lalake. Ewan ko pero sinilip ko kung sino ang lalake. At laking gulat ko ng si Stan iyon. At ang babae na kahalikan niya ay si Amberlyn Yamamoto. Akala ko ba seryoso siya kay Minnie? Ano naman ito?

"Stan?" nakita kong gulat na gulat si Stan ng makita niya ako. Si Amber naman ay nakangisi lang.

"A-ate Zara." napailing lang ako at nagsimula ng maglakad palayo ng may mapansin akong babae na nagtatago sa may halaman.

"Minnie?" napalingon sa akin si Minnie at biglang tumakbo palayo. Nakita ko naman si Stan na sinusundan lang siya ng tingin.

"Titingnan mo lang ba siya?" tanong ko sa kanya. Natigilan siya saglit at umiling.

"Babae lang siya. Marami pa'ng iba." sagot niya sa akin ng seryoso.

"Sabi mo eh. Ikaw rin." sabi ko sa kanya at tiningnan si Amber. Tinaasan niya lang ako ng kilay.

"Kamusta, Amber? Tagal nating di nagkita ah?" tanong ko kay Amber habang binibigyan siya ng nakakalokong ngiti.

"Maganda pa rin naman." taas kilay niyang sagot sa akin.

"Libre mangarap." sabi ko sabay ngisi. Halata namang nainis siya sa sinabi ko.

 Tiningnan ko ulit si Stan at nakita ko siyang nakatingin sa direksyon kung saan tumakbo si Minnie. Marami palang iba ah. Tingnan natin.

"Goodluck." sabi ko kay Stan at umalis. Tingnan natin kung sino ang mawawalan.

[ Minnie's POV ]

 Alam ko namang hindi lang ako ang nag-iisa sa kanya eh. Pero masakit pala talaga kapag nakita mo na mismo. At sa lahat, bakit si Amber pa? Ako pala, Stan? Di pa ba ako sapat?

 Sabi nila, wala pa daw'ng sinasabihan si Stan ng 'mahal kita'. At nung sinabi niya yun sa akin, sobra ako'ng nasiyahan. Pero ano 'to? Hindi mo ba talaga ako matutunang mahalin, Stan?

 Pagkauwi ko sa bahay, dumiretso kaagad ako sa kwarto ko at doon umiyak. Ang sakit pala talaga. Lalo na nung sinabi niya na

"Babae lang siya. Marami pa'ng iba."

 Ganun? Ganun ba talaga yun sayo Stan? Wala lang talaga ako sayo?

 Narinig ko nung biglang bumukas ang pinto. Alam ko kung sino ang pumasok. Halata naman eh. Halata namang siya 'yun.

"Nandito ka ba para sumbatan ako? Sige, sumbatan mo ako. Wala akong pakialam." sabi ko kay Kuya Drake. Nagulat na lang ako ng niyakap niya ako.

"Ang mga katulad niya ay hindi dapat iniiyakan." sabi niya sa akin. Napahagulhol naman ako kaya ginantihan ko siya ng yakap.

 Kinabukasan sa eskwelahan, nakita ko si Zinnia na malungkot at si Aileh na galit na galit. Nung nakita ako ni Aileh, lumapit siya agad sa akin.

"LOKO-LOKO SIYA AH! MAY PASABI-SABI PA SIYA NA IKAW LANG AT WALA NG IBA! KESYO SERYOSO SIYA SAYO AT HANDANG MAGBAGO! EH !@#$% PALA SIYA EH!" galit na galit talaga si Aileh. Dahil sa sinabi niya, napaiyak na naman ako. Lumapit naman sa amin si Zinnia.

"Niloko ka ni Stan?" tanong sa akin ni Zinnia. Tumango naman ako kaya niyakap niya ako. Mabuti na lang at kami pa lang ang nandito sa silid-aralan.

 Sinamahan nila ako sa CR. At kung sinuswerte ka nga naman, nandoon si Amber.

"O, Minerva. Bakit ka umiiyak? Dahil ba sa nakita mo kahapon? Pasensya ka na ah? Si Stan kasi eh." sarkastikong sabi niya sa akin.

"Kahit kailan, ang landi-landi mo talaga, Amber!" galit na sigaw ni Aileh sa kanya. Ako naman ay pinipigilan siya. Ngumiti lang ng mapang-asar si Amber at tumingin kay Zinnia. KAY ZINNIA?!

"Oh, nandito ka pala dear. Kamusta na? Ang tagal na nating hindi nagkita ah? Ano, masaya ka ba sa piling ni Rainier?" nanlalambot kami ni Aileh. Hindi. Hindi niya pwedeng malaman ito. Huwag, Amber.

"Magkakilala tayo?" naguguluhang tanong ni Zinnia kay Amber. Agad namang humarang si Aileh.

"Manahimik ka, Amber!" sigaw ni Aileh. Hinila ko naman palabas si Zinnia bago pa magkaalaman.

"A-anong sinasabi niya?" tanong ni Zinnia sa akin.

"W-wala 'yun, Zin. Huwag mo'ng papansinin si Amber." sabi ko sa kanya at ngumiti. Ginantihan naman niya ako ng ngiti at tumango.

 Nasa rooftop sina Aileh at Zinnia. Napagkasunduan kasi namin ni Aileh na huwag hahayaang mapag-isa si Zinnia lalo na ngayon na nandito na si Amber.

 Papunta ako ng canteen para bilhan sila ng pagkain. Napagpasyahan kasi namin na sa rooftop na lang kumain kaya bibili na lang ako ng pagkain para sa aming tatlo.

 Habang nasa daan, nakita ko si Stan na papunta sa direksyon papuntang canteen. At talaga namang naka-akbay siya kay Amber habang nagtatawanan sila. Gusto kong umiwas. Pero hindi. Pride na lang ang natitira sa akin at dignidad. Ayokong pati yun ay maapakan na lang ng basta-basta kaya tumuloy pa rin ako.

"Hi Minerva!" nakangiting bati sa akin ni Amber. Hindi ko na lang siya pinansin at nagtuloy-tuloy pa rin sa paglalakad.

"Ay, pansinin mo naman ako Minerva. Para namang hindi tayo magkaibigan eh." napatigil ako sa paglalakad ta hinarap sila.

"Kaibigan? Talaga? Sa pagkakaalam ko, ang tunay na kaibigan ay hindi nang-aagaw ng boyfriend. Gaya ng ginawa mo kay Zinnia at Gino dati." halata namang hindi niya inaasahan ang sinabi ko. Oo, naging si Gino at Zinnia pero sinulot ni Amber si Gino. Ang bait ng kaibigan namin diba?

"Aww. Bitter pa rin? Kulang pa ata yun eh. Baka naman nagagalit ka dahil nakuha ko si Stan sayo. Palibhasa kasi, wala kang kwentang kasama. Kaya nga iniwan ka ni BJ diba?" ako naman ang natigilan sa sinabi ni Amber. BJ? Hindi, minahal ako ni BJ. Ramdaman ko 'yun.

"Ano, natamaan ka noh? Totoo naman eh. Huwag ka nga'ng umiyak dyan! Wala dito ang magaling mo'ng BJ para protektahan ka. Alam mo, Minerva, di ka pa rin nagbabago. Mahina ka pa rin gaya ng dati. Kaya nga si Drake lang ang nagmamahal sayo sa pamilya niyo diba? Wala ka'ng kwenta. Hindi ka nila kailangan. Hindi ka kailangan ninuman. Naiintindihan mo? Wala ka'ng kwen---' nagulat ang lahat ng may sumampal kay Amber. Kahit siya nagulat din.

"Wala ka'ng karapatan para sabihan ng ganyan ang kapatid ko. Baka nakakalimutan mo, patapon ka na sa pamilya niyo. Kinasusuklaman ng lahat." sabi ni Kuya Drake. Agad namang lumapit si Kuya kay Stan.

"Pinagkatiwalaan kita. Kaibigan kita pero niloko mo kapatid ko. Sinira mo tiwala ko sayo, Stan." sabi ni Kuya Drake at hinila ako palayo.

[ Zara's POV ]

"Ulitin mo nga ulit yun Zara." pangungulit ni Maikee sa akin. Hindi niya pa rin ba ako tatantanan? Nakakainis na eh.

"Ikaw talaga, Kuya Maikee. Ang hilig mo'ng lokohin si Ate Zara." sabi ni Ren. Kasama niya kasi si Maikee dahil di niya mahanap si Rainier at nambababae na naman si Stan.

"Maikee..." napalingon kaming tatlo sa nagsalita. H-hindi pwede.

"Roselyn?"

His Fake Girlfriend (No Ordinary Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon