Kabanata #14

83 2 0
                                    

*Kabanata #14*

[ Aileh's POV ]

 Nandito ako sa canteen. Mag-isa na lang akong kumakain. Si Minnie kasi, may buntot na. Este, lagi siyang sinusundan ni Stan. Marami nga'ng naiinggit sa kanya kasi napapasunod na niya si Stan at halatang seryoso na talaga si lalake. Magbitbit ba naman ng cardboard at may nakasulat na 'Ang Babaeng Katabi Ko ay Ang Kumuha sa Puso Ko'. Daming ka-cornyhan ni Stan, susme.

 Si Rainier at Zinnia naman ay parang err, LQ ata. Tska, dumating na daw ang dating kasintahan ni Rainier na si Yulia. Kaya ayun, mukhang nagkakalabuan na ang dalawang bubuyog (Rainier at Zinnia dahil 'Bee' ang kanilang tawagan). Ewan ko ba dyan kay Rainier. Masaya naman siya kay Zinnia eh. Bakit pa si Yulia ang pinili niya? Tsk.

 At ako? Eto, ulit. Nag-iisa. Kauulit lang diba? Ang kasama kasi ni Zinnia ay si Ren. Alam na, sinalo si Zin nung iniwan siya ni Rainier sa ere. Ako kaya, kailan ako sasaluhin ni Ren? Napabuntong-hininga ako sa naisip ko. Dati-rati, magdamag kaming nagtatawagan sa telepono. Lagi niya akong sinasamahan. Pero ngayon? Wala na. Minsan na lang niya akong batiin. Kasi nga diba, si Zinnia lang ang nakikita niya? Haay.

"Bakit nag-iisa ka?" napatingin ako sa umupo sa harapan ko. Si Gino.

"Kasi hindi ako dalawa." walang ganang sagot ko sa kanya. Ginulo lang niya ang buhok ko.

"Ikaw talaga, Lee." sabi niya habang nakangiti.

"Asan si Eris?" tanong ko sa kanya. Madalas kasing magkasama ang magkaibigan na ito. Malay niyo, magkatuluyan sila diba?

"Ayun, pinapakalma si Ate Ericka. Kasi nga diba?" oo, nakakainis talaga yang si Roselyn eh. Oo nga at hindi sila ni Kuya Drake pero triplets si Ate Renee, Ate Ericka (ate ni Eris at Riri) at Ate Rachel (ate ni Kuya Maikee at Rainier). Kaya kapag may kaaway ang isa, kaaway na rin ng dalawa.

"Haay. Ano ba naman ito." nasabi ko na lang. Masyado ng kumplikado ang nangyayari. Marahil sina Minnie at Stan, masaya ngayon. Pero pusta tayo, grabe ang gagawin ni manunulat sa kanila lalo na ngayon na sobra-sobra ang ideya na nasa maliit niyang utak.

"Magiging maayos din ang lahat. Maniwala ka kay Nariza." sabi ni Gino sa akin.

"Oo na lang. Wala tayong magagawa." napipilitan ko'ng pagsang-ayon.

 Nandito ako ngayon nasa bahay ng pinsan ko. Magkasundo kaming dalawa. Siya ang nalalabasan ko ng lahat-lahat. Bukod kina Zinnia at Minnie, parang kapatid na din ang turing ko sa kanya.

"Lee, napadalaw ka." bati niya sa akin. Ngumiti lang ako ng mapait at bumuntong-hininga.

"Pwede dito muna ako matulog?" tanong ko sa kanya. Ngumiti lang siya at ginulo ang buhok ko.

"Tara sa taas." alam niya talaga kapag kailangan ko ng kausap.

"Ano sa tingin mo ang gagawin ko?" tanong ko sa kanya.

"Aminin mo na kasi kay Ren para matapos na ang paghihirap mo. Nakakapagod kayang magmahal ng patago." sabi niya sa akin.

"Paano? Eh si Zinnia lang ang nakikita nun eh." sabi ko pa. Kinuwento ko kasi sa kanya ang lahat-lahat. Simula nung nagkagusto ako kay Ren.

"Humanap ka ng paraan, Lee."

"Natatakot ako sa magiging sagot niya." pag-amin ko.

"Lee, hindi tanong ang salitang 'mahal kita'. Sinasabi 'yun, pinaparamdam hindi tinatanong." napabuntong-hininga ulit ako.

"Salamat." sabi ko sa kanya habang ng nakangiti.

"Walang anuman. Alam mo namang malakas ka sa akin diba?"

 Nagpaalam na ako sa kanya atsaka umuwi. Habang nasa daan ako, nakasalubong ko si Ren. Siguro nga, ito na 'yun. Salamat!

"Bakit ang lungkot mo, Ren?" tanong ko sa kanya habang nakaupo. Bumuntong-hininga lang siya at tumingin sa langit.

"Nasa nga ako ni Zinnia pero si Rainier pa rin. Bakit ganun? Malapit na siya sa akin. Pero pakiramdam ko ang layo-layo niya." sabi niya sa akin. Yumuko lang ako at ilang ulit na napabuntong-hininga.

"Nararamdaman ko rin ang nararamdaman mo, Ren. Kasi ngayon, yun ang nararamdaman ko." tumingin ako sa kanya at nakita ko siyang nakatingin sa akin. Bakas sa mukha niya ang gulat.

"A-anong ibig mo'ng sabihin, Aileh?" tanong niya sa akin.

"R-ren, kailan mo ba ako mapapansin?" tanong ko sa kanya. Nanlaki ang mata niya pero kalaunan ay yumuko siya at umiling. Sa ginawa niya, biglang napatulo ang luha ko.

"A-alam mo namang---"

"Oo. Matagal na. Kasi habang magkasama tayo, wala ka'ng ibang sinasabi kundi ang mahal mo siya. Ren, ayoko ng magmahal ng patago. Ang sakit na eh." pag-amin ko sa kanya. Ang sakit pala talaga kapag alam mo'ng kaibigan lang tingin niya sa'yo.

"A-aileh, p-patawad..." napasinghap ako sa sinabi niya habang patuloy na nagraragasa ang luha ko.

"Wala na rin, Ren. Tapos na. Nahulog na ako. At ang lalim ng pagkakahulog ko pero hindi mo man lang ako nagawang lingunin para masalo."

 Nanatili lang siyang tahimik. Marahil ay gulat na gulat siya sa mga sinabi ko. Pero nandito na ako eh. Papanindigan ko na.

"Aileh, alam mo namang si Zinnia lang, diba?"

"Yun na nga eh. Si Zinnia lang kasi siya lang ang nakikita mo. Kailan mo ba ako lilingunin, Ren? Ren, mahal kita." napatingin siya sa akin sa nasabi ko, "oo mahal kita. Matagal na. Gusto ko'ng pigilan ang nararamdaman ko pero habang gusto ko'ng lumayo, nandyan ka para lumapit. At wala akong magawa kundi ang mahulog sayo ng paulit-ulit."

 Tinitingnan niya lang ako sa mata. At ako? Ganun din.

"Ilang sentimetro lang ang pagitan natin, Ren. Pero ba't pakiramdam ko milya ang layo? Mahirap ka ba talagang abutin?" tumingin ako sa ibang direksyon at patuloy lang sa pag-iyak. Ayoko na. Hindi ko na kaya.

 Tumayo na ako at nagsimulang maglakad palayo sa kanya. Sana. Sana sa pagtalikod ko sa kanya ay sabay nito ang pag-iwan ng lahat ng nararamdaman ko sa kanya.

[ Ren's POV ]

 Habang pinagmamasdan ko si Aileh na naglalakad palayo sa akin, pakiramdam ko hindi ko na ulit makikita ang magaganda niyang ngiti. Pero anong gagawin ko? Mahal ko si Zinnia. Sobra-sobra. Mga bata pa lang kami mahal ko na siya. Oo alam ko'ng hindi niya ako maalala pero ganun pa rin. Kahit ilang taon na ang nakalipas, mahal ko pa rin siya. Mahal ko pa rin si Zinnia.

 Hindi ko alam na ganun pala ang nararamdaman niya sa akin. Wala akong kaalam-alam. Siguro dahil na kay Zinnia ang atensyon ko. Dahil kay Zinnia nagiging manhid ako. Dahil kay Zinnia, may nasasaktan ako. Hindi ko sinisisi si Zinnia sa mga nangyayari. Ang sarili ko ang sinisisi ko. Habang si Aileh ay nahuhulog sa akin, hindi ko man lang siya nagawang lingunin para masalo. Nasaan ako? Nakatingin sa likod ni Zinnia na masaya sa piling ni Rainier.

 Kinabukasan sa eskwelahan, ewan ko pero ang unang hinanap ng mata ko ay si Aileh. Nung nakita ko siya, may kung ano sa puso ko na nagsasabing lapitan siya. Nung nakita niya ako, ngingitian ko sana siya pero agad naman niyang iniwas ang tingin niya sa akin at nakipag-usap kay Gino.

 Pinagmasdan ko lang siya nakikipagkwentuhan kay Gino. Ang maganda niyang ngiti, ang sakit lang dahil nawala ang iyon dahil sa akin. Pati na rin ang kumikislap niya na mata. Nawala na parang bula.

 Nakita ko si Zinnia na kausap si Minnie. Pareho pala kami ng nararamdaman. Bakit di ko nalaman iyon?

 Tiningnan ko ulit si Aileh.

"Tulungan mo akong turuan ka'ng mahalin." bulong ko kahit alam ko'ng hindi niya maririnig ang sinabi ko. Aileh, gusto kitang mahalin.

His Fake Girlfriend (No Ordinary Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon