*Kabanata #10*
[ Aileh's POV ]
Iniwan ko muna si Zinnia rooftop. Kasama naman niya si Eris eh.
Si Eris yung kaibigan namin nina Zinnia at Minnie. Kababata din namin siya. May kambal si Eris. Si Erin, pero ang tawag namin sa kanya ay Riri. Pinsan nila si Amber. Pero si Eris, sa amin siya kampi. Hindi kasi sila magkasundo ng kambal nila at hindi rin sila nagpapansinan ni Amber.
Nung malapit na ako sa canteen, nakita ko si Amber na nakahawak sa pisngi niya. Si Stan naman ay yakap-yakap siya. Bahala na sila. Nakakainis 'yang si Stan. Sabagay, anong magagawa natin? Babaero eh. Pero sana di niya pinaasa si Minnie, diba?
Bumili na lang ako ng pagkain namin at hinanap si Minnie. Saan ba nagsusuot ang isang 'yun? Dapat talaga ako na lang ang bumili eh.
"Aileh na may gusto kay Rain!" napatigil ako sa paglalakad sa sumigaw. Tss. Si Ren.
"Anong kailangan mo sa akin, Ren na may gusto kay Zinnia?" pang-aasar ko na tanong sa kanya. Lumapit naman siya sa akin at tinakpan ang bibig ko.
"Shh.. Baka may makarinig sayo." sabi niya sa kin sabay ngiti. Napatitig naman ako sa kanya. Ngayon ko lang nakita ng malapitan si Ren. Gwapo naman pala ang isang 'to. Matangos ang ilong---
"Huwag ka masyadong tumitig sa akin, Aileh na may gusto kay Rainier. Mamaya niyan, aakalain kong may gusto ka sa akin." sabi niya sabay ngiti. Tinulak ko naman siya kaagad.
"Uso pa mangarap, dre. Huwag ka'ng mag-alala." sarkastiko ko'ng sabi sa kanya. Tumawa naman siya sa akin. Baliw.
"Saan ka ba pupunta?" tanong sa akin ni Ren sabay akbay. Sanay naman ako eh. Ganito talaga siya. Akala mo kaibigan na kami. De, biro lang. Magkaibigan kami. Kaya nga alam namin ang crush ng isa't-isa diba?
Oo tama kayo ng basa. Gusto ko si Rainier. Pero ayokong agawin siya kay Zinnia. Alam ko'ng peke lang ang meron sa kanila. Pero sa nakikita ko, namin, hindi na eh. Kung papaano nila tingnan ang isa't-isa, parang may kakaiba eh. Parang totohanan na ang peke nilang relasyon. Kaya ayokong makipag-agawan kay Zinnia. Sapat na sa akin na mahalin siya sa malayo.
"Paano ba 'yan, Aileh. Parang totohanan na sina Zinnia at Rainier. Wala na tayong pag-asa." sabi ni Ren, "gusto mo tayo na lang?" nakangiti niyang tanong sa akin.
*dub.dub.dub.dub.dub.dub*
Ay ano ba yan. Bakit ang bilis? Ano 'to?
"T-tigilan mo nga ako, Ren!" tumawa naman siya at pinisil ang pisngi ko.
"Biro lang naman. Ikaw talaga." sabi niya sa akin at tumawa ulit. Baliw =______=
"Ewan ko sayo."
Ganun lang kami parati ni Ren. Oo, ilang araw na rin ang lumipas at mas nagiging malapit kami sa isa't-isa. Hanggang sa isang araw, nagising na lang ako na mahal ko na siya. Alam ko'ng mabilis. Pero wala eh. Ganun talaga ang nararamdaman ko sa kanya.
"Aileh na may gusto kay Rainier!" lumapit siya sa akin at hinalikan ako sa pisngi. Aaminin ko, kinikilig ako sa ginagawa niya sa akin. Sino ba naman ang hindi diba? Ang taong mahal mo, hinahalikan ka sa pisngi. Siguro para sa kanya kaibigan lang ako. Ganun naman parati eh. Lagi na lang akong nagmamahal ng patago. Si Zinnia lang naman ang nakikita niya. Hindi si Aileh. Oo masakit. Pero wala akong magawa.
"Sabay na tayo kumain." sabi niya sa akin.
"Nye. Kasabay ko sina Zinnia at Minnie eh." pagbanggit ko ng pangalan na Zinnia, bigla na lang siyang napangiti. At ako? Lihim na nasaktan.
"Sige, sasabay ako." nakangiti niyang sabi sa akin. Ginantihan ko naman siya ng ngiti.
"Ito, Bee, oh. Masarap. Sige na, susubuan kita." ganyan ang ginagawa nina Zinnia at Rainier habang kumakain. Alam ko'ng masamang mainggit pero naiinggit talaga ako kay Zinnia. Hindi dahil nasa kanya si Rainier kundi dahil siya ang mahal ng lalakeng mahal ko. Habang pinagmamasdan ko si Ren na nakatingin sa kanila, bakas sa kanya ang lungkot. Ayoko siyang makitang nasasaktan. Pero anong gagawin ko? Hindi niya ako makita. Dahil ang buong atensyon niya ay kay Zinnia. Hindi mo ba naririnig ang tibok ng puso ko, Ren? Kailan mo kaya ako makikita?
Natapos na kaming kumain at wala ng ibang ginawa sina Zinnia at Rainier kundi ang maglambingan. Kami naman ni Minnie ay inaasar sila. Bilib din ako kay Minnie eh. Kahit na nasasaktan siya, pinapakita niya pa rin na masaya siya.
"Tahimik mo ah?" bati ko kay Ren. Kanina pa kasi siya tahimik eh. Hindi ako sanay.
"Bawal ba? Sinusubukan ko lang na manahimik. Baka hanapin mo boses ko. Hindi naman ako nabigo." nakangiti niyang sabi sa akin. Bigla namang bumilis ang tibok ng puso ko.
"Baliw ka talaga Ren." sabi ko at umiling-iling. Tumawa naman siya.
"Anong gagawin natin dito sa music room?" tanong ko kay Ren. Hinila niya kasi ako dito eh.
"Kantahan mo ako." nakangiti niyang sabi sa akin.
"Ayoko nga."
"Sige na, Aileh. Pagbigyan mo na ako." sabi ni Ren sa akin habang nakanguso. Natawa naman ako sa kanya.
"Ano bang gusto mo'ng kantahin ko?"
"Kahit ano." nakangiti niyang sabi sa akin.
"Hmm. Huwag na lang. Nagbago isip ko."
"May ganun ba'ng kanta?" nang-aasar niyang tanong sa akin.
"Tatawa na ba ako, Ren?" pambabara ko. Tumawa naman siya.
"Kanta ka na." sabi niya habang nakangiti.
"Ayoko nga :P"
"Ayaw mo?"
"Ayoko." pagmamatigas ko.
"Ayaw mo pala ah." bigla niya akong hinabol kaya tumakbo naman kaagad ako. At dahil mabilis siyang tumakbo, nahuli niya ako.
"Tahahahahaha--- a-ano ba R-ren--- Wahahahahahaha." kinikiliti niya ako kaya tawa naman ako ng tawa. Malakas pa naman ang kiliti ko.
Tumigil na siya sa pagkiliti sa akin. Nakakapagod. Ang lalakeng ito talaga. Bukod sa palangiti, hindi madaling maubusan ng enerhiya. Saan ba pinaglihi ang lalakeng 'to?
"Sakit ng tiyan at panga ko kakatawa." sabi ko sa kanya. Siya naman ay hinihingal. Tumatawa din kasi siya nung tumatawa ako. Sinasabayan ako ng tawa ni Ren XD
"Salamat ah?" nagtaka naman ako sa kanya. Bakit siya nagpapasalamat?
"Para saan?" tanong ko sa kanya.
"Pinasaya mo ako. Salamat." nakangiti niyang sabi sa akin at niyakap ako.
*dub.dub.dub.dub.dub.dub*
Ren, ang bilis na ng tibok ng puso ko. Naririnig mo na ba? Sapat na ba ang lapit natin sa isa't-isa para marinig mo na sinisigaw ng puso ko ang pangalan mo?
BINABASA MO ANG
His Fake Girlfriend (No Ordinary Love)
Teen FictionNOTE: PROJECT KO PO ITO. HAHAHAHAHA. PERO MATAGAL KO NG NASULAT SA NOTEBOOK XDv MARAMING NAGSASABI NA ILAGAY KO 'TO SA WATTPAD KAYA SIGE! ILAGAY! XD PAUNAWA: SHORT LANG PO ITO. YUN LANG. LABYU!