*Kabanata #13*
[ Zara's POV ]
Ilang buwan na pala ang nakakalipas simula nun. Kung ano ang 'nun' na sinasabi ko? Ayun ay ang pagdating ni Roselyn. At sa pagdating niya, parang bula na lang na nawala si Maikee sa paningin ko. Kapag nagkakasalubong kami, babatiin niya lang ako tapos yun na. Nakatuon na ulit ang atensyon niya kay Roselyn. Parati na kasi sila'ng magkasama eh. Napasinghap ako sa mga nangyayari. Buti na lang pala di ako naniwala sa sinasabi niya sa akin. Buti na lang talaga. Kung naniwala siguro ako, malamang, naiwan na ako sa ere. Balita pa nga sa buong eskwelahan na nagkabalikan na sila. Yung iba naman ay kinakaawaan ako. Hindi ko naman kailangan ng awa nila. Bakit, kapag naawa ba sila sa akin, babalik ba sa akin si Maikee? Hindi naman diba?
Nakaupo lang ako mag-isa nang may biglang yumakap sa akin sa likuran. Isang tao lang ang gumagawa nito sa akin. Hindi ako pwedeng magkamali.
"Rence?" bumitaw sa pagkakayakap sa akin si Rence at hinarap ako. Hinalikan naman niya ako sa pisngi.
"Kamusta na, Zara Jade Ichigawa?" bati niya sa akin habang ngiting-ngiti.
"Ayos lang naman. Ikaw? Kamusta na ang magiting na Clarence BJ Bautista?" tanong ko sa kanya. Ngumiti lang siya sa akin at niyakap ako ulit.
"Na-miss kita. Alam mo ba 'yun." napatawa naman ako sa ginawa niya.
"Ikaw talaga, Rence. Pero na-miss din kita." sabi ko at gumanti ng yakap sa kanya. Walang nakakaalam kung ano ba talaga kami ni Rence. Ang totoo niyan, siya ang---
"BJ?" napabitaw kami sa isa't-isa ng marinig namin ang boses Roselyn. At tama nga kami, siya nga iyon kasama si Maikee na nakakunot ang noo. Bahala siya.
"O, Roselyn, Maikee." nakangiting bati ni Rence.
Oo, si Rence si BJ. Tawag ko lang sa kanya ang Rence para maiba. Siya naman, ang tawag niya sa akin ay Zaja. Pinaghalong Zara at Jade.
"Kailan ka lang bumalik?" tanong ni Roselyn kay BJ.
"Ngayon lang. Sinadya ko'ng pumunta dito para makita si Zaja. Na-miss ko na rin ang pagiging mataray nito eh. Hahahaha." baliw talaga si Rence kahit kailan, "ikaw, Roselyn? Kamusta na? Nasulot mo ba si Drake kay Renee?" parang di ko gusto pananalita ni Rence ah. Tska anong pinagsasabi niya? Sinulot ni Roselyn si Drake (kuya ni Minnie) kay Renee (ate ni Ren)?
"Rence..." sabi ko.
"Ano? Tinatanong ko lang naman. Balita ko galit na galit sayo si Ericka at Rachel eh. Ano, napagtagumpayan mo ba? Galing mo naman." sarkastikong sabi ni Rence. Nanatili namang tahimik si Roselyn.
"Magdahan-dahan ka sa pananalita mo, BJ, kung ayaw mo'ng magkagulo tayo dito." sabi ni Maikee. Malamang, si Roselyn ang kakampihan niya.
"W-wala ka'ng alam, BJ." sabi naman ni Roselyn.
"Wala? Talaga? Paano ko'ng sabihin ko sayo na alam ko ang lahat sa simula pa lang? Diba nga, kaya mo sinagot si Maikee dahil alam mo'ng may gusto sa kanya si Zaja? Galit ka kay Zaja diba? Kasi nasa kanya na ang lahat. Naiinggit ka kaya mo 'yun ginawa." nagulat ako sa sinabi ni Rence. Totoo ba 'yun?
"Tumigil ka na, BJ!" sigaw ni Maikee.
"Ano, susuntukin mo ako? Bubugbugin mo ako? Gawin mo! Wala akong pakialam kahit black belter ka," sabi ni Rence, "oh ano, ba't natahimik ka? Gulat ka noh dahil alam ko? Matagal na akong nagtitimpi sa iyo. Pasalamat ka babae ka, kung hindi matagal na kitang inupakan!"
"Ano ba, BJ!"
"Sige, Maikee! Kampihan mo si Roselyn! Wala ka ng pakialam kay Zaja diba kasi dumating na ang Roselyn mo? Mabuti naman kung ganun. Para hindi na kami mahirapan pa." nagtataka ako sa pinagsasabi ni Rence. Mahirapan? Saan?
"A-anong pinagsasabi mo?" tanong ni Maikee.
"Umuwi ako dito sa Pilipinas dahil," tumingin sa akin si Rence at binigla naman akong kinabahan, "magpapakasal kami ni Zaja." nakangiti niyang sagot. A-ano daw? P-paano nangyari 'yun?
"H-hindi. H-hindi 'yan totoo!" sigaw ni Maikee.
"Hindi mo matanggap? Pumayag na din si Zaja sa kasunduan dahil diba nga, pinagpalit mo na siya kay Roselyn? Sayang, mahal ka pa naman ni Zaja. Salamat nga pala at pinakawalan mo siya ah? Sa totoo lang, matagal ko ng mahal si Zaja. Hindi ko lang maamin dahil---" nagulat kami dahil sinuntok ni Maikee si Rence. Pumaibabaw si Maikee at pinagsusuntok sa mukha si Rence. !@#$% lalakeng ito! Lumaban ka!
"Traydor ka, BJ! Traydor ka!" sinalo ni Rence ang kamao ni Maikee at sinuntok siya ng malakas. Natumba si Maikee kaya si Rence na naman ang pumaibabaw sa kanya.
"Ako ang sinasabihan mo ng traydor? Anong tingin mo kay Roselyn, ubod ng bait? Eh santasantita yang syota mo, Maikee!" sigaw ni Rence. Inaawat na namin ni Roselyn yung dalawa.
"Tama na, Rence!" sabi ko sa kanya. Tiningnan ko naman si Maikee na nakatingin sa akin at bakas sa mukha niya ang kalungkutan.
"M-maikee, saglit lang!" habol ko sa kanya. Kanina ko pa siya hinahabol pero hindi siya tumitigil sa paglalakad. Magpapaliwanag ako sa kanya tungkol sa pinagsasabi ni Rence.
"Maikee naman oh." sabi ko sa kanya pero di pa rin siya tumigil.
Tumakbo ako at humarang sa daanan niya. Tiningnan naman niya ako ng seryoso kaya napaatras ako. Natatakot ako sa kanya. Ngayon ko pa lang siya nakitang ganito.
"Ano?" nilamig ako sa sinabi niya. Walan siyang emosyon na pinapakita.
"M-maniwala ka. Mahal kita." sabi ko sa kanya direkta sa mata pero nagulat ako nung suminghap siya.
"Tama na ang kasinungalingan mo, Zara. Ayoko ng pakinggan." sabi niya at akmang maglalakad pero nagmatigas ako. Hinarangan ko pa rin siya.
"Hindi ako nagsisinungaling! Elementarya pa lang tayo, mahal na kita. Hanggang ngayon mahal kita. Nung inamin mo sa akin na mahal mo ako, umiiwas ako dahil natatakot akong marinig mo ang tinitibok ng puso ko. Oo alam ko'ng pang-bobo ang dahilan ko. Pero nahihiya kasi ako sayo kaya kita sinisigawan. Maniwala ka, Maikee. Totoo ang sinasabi ko. Gusto ko na sanang sabihin sayo ang nararamdaman ko pero nalaman ko'ng si Rainier at Zinnia na. Nakikita kong masaya sila sa isa't-isa kaya isinantabi ko ang nararamdaman ko sayo..." sabi ko habang nakayuko.
"At ano sa tingin mo ang mararamdaman ko? Matutuwa dahil binaliwala mo ako? Zara naman! Ipaglaban mo naman ako! Mahirap ba ang hinihingi ko?"
"Oo! Lalo na kung kaligayahan ni Zinnia ang nakasalalay dito! Mahal ko ang kapatid ko, Maikee!"
"At sa tingin mo ba, hindi ko mahal si Rainier?" hindi ko na naiwasang humagulhol. Oo, kanina pa ako umiiyak.
"Pero iba si Zinnia! Ayokong maulit ang nangyari sa kanya dati! Ayokong mapahamak siya! Natatakot ako na baka mas magiging malala pa ang mangyayari kay Zinnia! Ayaw kitang mawala. Pero ayokong mamatay ang kapatid ko." sigaw ko sa kanya habang humahagulhol sa iyak. Ang sakit. Hindi ko kayang mamili.
Ilang minuto rin kaming nanahimik. Tanging iyak ko lang ang maririnig. Pero binasag niya iyon.
"Wala akong pakialam. Mamili ka sa aming dalawa ni Zinnia." napatingin ako kay Maikee na seryosong nakatitig sa akin. Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya.
"M-maikee..." bumuntong-hininga siya at iniwan akong naguguluhan. Mamili? Sino nga ba ang pipiliin ko?
BINABASA MO ANG
His Fake Girlfriend (No Ordinary Love)
Teen FictionNOTE: PROJECT KO PO ITO. HAHAHAHAHA. PERO MATAGAL KO NG NASULAT SA NOTEBOOK XDv MARAMING NAGSASABI NA ILAGAY KO 'TO SA WATTPAD KAYA SIGE! ILAGAY! XD PAUNAWA: SHORT LANG PO ITO. YUN LANG. LABYU!